Hanggang kelan?

37 0 0
                                    

Third person's POV.

Tuuut... Tuuut... Tuuut..

Yan lang ang maririnig mo sa isang puting kwarto na may 7 tao sa loob na nag babantay sa isang pasyente na nag aagaw buhay.

"Yce, gising na. Kakatapos mo lang i fullfill yung promise mo, iniwan mo agad ako, kami. Nakakainis ka talaga!" Sabi ni E habang hawak ang kamay ng kaibigang agaw buhay. Iyak ito ng iyak dahil sobrang lala ng itsura nito ngayon at sobrang daming tubo ang nakakabit dito.

"Yce kung nag babalak ka nanaman maging artista,producer,direktor at writer please itigil mo na, oo na magaling ka na. Pwede na pang famas at oscars yan. Gumising ka na please." Sabi naman ni Chesca Habang hawak ang isang kamay ni Yce.

Tahimik namang tulala ang kapatid nyang si Hermes sa gilid habang naluluha ang mata. Nandun din sina Reen,Gretch,trish at colton sa gilid. Umiiyak din.

"Alam na ba nina tita?" Tanong naman ni E kay hermes.

Tumango naman ito at tinignan ang kapatid. Dahil sa galit ni Hermes at pinag susuntok nito ang pader ng kwarto at lumabas ng kwarto.

"Yce,MVP gising na" sabi naman ni Colton na umiiyak.

"Nakakainis ka Yce kung kelan mag chachampion tayo lagi kang naaaksidente, next time nga wag mo na i panalo" umiiyak na sabi naman ni Coreen.

"Yce ano ba, gising na! Wala na akong kasama mantrip! Nakakainis ka sabi mo ayaw mong nangiiwan sa ere pero iniiwan mo kami lagi" sabi naman ni gretta na nakalupasay na sa sahig sa kakaiyak.

Sa lahat ng sinabi nila, walang ni isang isasagot si Yce, may tubo ito sa bibig, may malaking bandage sa ulo nito at may mga kable na naka tusok sa ibat ibang parte ng katawan ni Yce.

Flashback:

"Ughhh! Binatawan nyo ako sino kayo!?" Sigaw ni Yce sa mga tao na nanduon.

"Long time no see MVP, oras na para matulog ng maaga"

Yun lang ang narinig ng dalaga at PAK! Nag dilim na ang paningin ni Yce at umaagos ang dugo sa ulo.

Matapos ang nangyareng krimen ay parang natauhan ang mga gumawa nun kay Yce.

"Shit, Lopez napalakas ang hampas mo! Patay na ata!" Takot na takot na sabi nung isang babae na katatanggal lang ng maskara. Gaya ng ng inaasahan, ang womens basketball team ng wittensmith ang gumawa nito kay Yce. Nakabulagta sa sahig si Yce at napalilibutan na ng dugo ang katawan. Hinampas kasi ito ni lopez ng baseball bat sa ulo at napalakas dahil sa galit nya dito.

Tila nataranta sila at agad nag sitakbuhan palabas.

Naiwan sa loob ng locker room si Yce at ang baseball bat na may dugo.

Nagkakasayahan namang papunta ang teamates ni Yce sa locker room, si Chesca, si E, at sina Reen,colton, gretchen at trish. naiihi si Colton at gretch kaya naman sinabihan nila sina Reen na CCR lang sandali at susunod sa locker room.

Papunta sila ng CR ng mapansin nina Colton na may nag tatakbuhang mga babae ay nakiusyoso sila dahil parang pamilyar ang mga muka at matatangkad.

Dadaan ang mga yun sa tapat nila at hindi nila napansin na nandun pala sina colton sa harap nila kaya nabunggo ni Lopez si Gretch.

"Shit"bulong ni Lopez at ng pagtingala nya ay mas lalo syang namutla dahil si Gretch yun.

Agad namang nanlisik ang mata ni Colton at Gretch pero nag madaling tumakbo si Lopez.

"Anong ginagawa ng mga yun dito?!" Sigaw ni Colton.

"Aba malay ko! Pero sigurado akong may gonawang masama yung mga yun" sabi naman ni Gretch.

That girl is WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon