Chap 2: flashback "yoyo"

43 1 0
                                        

Third person's POV

"Hi, stranger. Im Tyler by the way" pakilala ng lalaki sa dalaga saka tinabihan ito at naupo.

Sabi nga ng babae sa isip nya,' wala namang masamang makipag kaibigan ngayon sa stranger. Muka naman syang hindi serial killer, muka din syang hindi drug addict, walang tattoo kahit saang parte ng katawan, malinis, mabango, gwapo! Ano pa bang masama dun? Why dont i gave him a shot right??'

"Okay stranger, im Claire Yce." Sabi naman ni Yce sa lalaki kaya naman napangiti ang lalaki.

"What a beautiful lady doing here? Alone? Drinking?" Tanong naman ng lalaki at kinuha ang bote ng alak na tinutunga ni Yce at ininoman.

"Nothing, having fun. You? What a handsome kisser doing here? Alone?" Balik naman ng dalaga kay Tyler.

"Uhhhhh, i dont know? My feet drag me here and im thankful, cause i met a beautiful girl. Righ ey?" Sabi ng binata at lumapad ang ngiti.

"Okay, enough with the flirting, im kinda hungry. I think i need to go" sabi ni Yce kaya naman biglang napatayo din ang lalaki.

"Ahhh want to grab some steak? I know a place. Ahh my treat!" Nag mamadaling sabi ng binata dahil baka umalis na ang dalaga.

Napangiti naman ang dalaga, halatang ayaw ng lalaki na acquaintance lang. Kaya naman naki ride on na lang sya dahil mukang mabait naman ang binata.

"Ok Stranger, lets go" sabi naman ni Yce kaya kitang kita ang masayang muka ng lalaki sa pag tanggap sa imbitasyon nya.

Pag labas nasila ng bar, papara na dapat si Yce ng taxi ng bigla syang hilahin ng binata.

"What are you doing?" Tanong ng binata. Napamaang naman ang dalaga.

"This is my baby, lindsey. Lindsey say hi to her." Sabi naman ni Tyler kay Yce habang pinapakilala ang motorbike nito.

"Oh really?" Natatawang sabi naman ni Yce kay Tyler.

"Stop laughing ey! My darling will be upset! And its a ducati! Ducati Bike Bruh so beat it!" Sabi nya kay Yce na parang bata. Naalala nya tuloy si Adrian. Ang kababata nya dati. Bigla tuloy syang napatanong sa sarili kung saan na nga ba napasaksak ang kaibigan nya... Teka... Bigla syang natigilan dahil Kasintahan nga pala nya yun!

'Fvck nakalimutan ko si Adrian for fvcking hell! Im so stupid!' Sabi ng dalaga sa sarili kaya naman napabalik lang sya sa realidad ng tinapik sya ni Tyler.

"Wakey wakey bruh." Sabi ng binata habang pumapalakpak sa harap ng muka ng dalaga.

"Im awake doofus. Leggo im so hungry i could eat you" sabi ni Yce kaya naman sumakay na ito sa motorbike ng binata.

"Hold on tight. We're going to fly" sabi ni Tyler, matatawa dapat ang dalaga at babarahin pa nga ang binata pero may bigla syang naalala at hindi namalayang pinaandar na pala ni Tyler ang motorbike nya. Nakakapit lang ng mahigpit si Yce nga alalahanin ang memories na nag balik sa kanya.

Flashback:

May dalawang bata na nakaupo sa gilid ng tree house nila, pinanunuod nila lumubog ang araw.

???: anong drama mo nanaman jan?

Sabi ng lalaki na katabi ni Yce, habang si Yce naman nakatingin lang sa kalangitan. Nag papahinga kasi sila dahil kakatapos lang nila mag laro ng ps1.

Yce: nag dra-drama ako wag ka nga.

Sabi ni Yce at tinulak ng mahina ang lalaking katabi.

???: ang pangit mo mag drama. Tigilan mo nga yan.

That girl is WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon