BGY's pov.
Tang ines naman, kakasunod ko sakanya napunta na pala kami sa cavite! Anak ng pucha. Pero wala na akong magagawa nandito na ako kaya tinuloy ko na lang. Hanggang nakarating kami dun sa isang.... Hacienda?! Holy shit paano ako pupuslit dito?
Bumaba na agad ako ng sasakyan at nag tago sa isang puno, buti na lang may mga puno. After nyang pumasok sa malaking gate eh wala akong choice kung hindi akyatin yung puno at tumulay sa malaking sanga nito para makaliban ako sa malaking bakod nila.
"Shit!" Bulong ko ng may lumabas na guwardya na may aso. Tang ines naman!
Mas lalo tuloy akong nag madali kaya nahulog ako dun sa damo, pero nakaliban na ako sa bakod.
"Tang ines" sabi ko kasi nag dudugo yung tuhod ko pero dedma lang, take note kasi nakauniform pa ako! Pucha buti nga di ako na bosohan nung umaakyat ako ng puno! Pero di naman ako nakapanty lang, walangya, naka spandex ako sa loob, yung sinusuot ng mga volleybelles pag nag lalaro.
Pero dedma lang ako, tuloy lang ako sa pag punta sa bahay ni Drake. Napapansin kong parang wala masyadong matao. Ang lonely naman ng lugar nato.. Ano to guard lang ang nakatira? Grabeeee. Pero ok na din yun para madaling makapasok sa bahay nya, cho choosy pa ba ako?
Kaya naman ako dirediretso lang sa bahay nya pero, shit! Bigla akong napa takbo palabas kasi mag maid na lumabas ng kwarto, tang ines muntik na ako dun!
Lumabas agad ako at tang ines lalo! Biglang bumukas yung gate at papasok ata yung guard kaya na patakbo ako sa likod ng bahay kung saan nanduon ang pool. Shet ang laki ng pool. 😳
Kaya naman nag hanap ako ng pwedeng puslitan papasok ng bahay.
Aha! Bintana! Tang galang idea ang pumasok sa isip ko. Papasok ako sa bintanang nasa second floor? Nababaliw na ba ako?!
Nakakita ako ng ladder, shet relief!
Agad kong inakyat yung ladder kung saan malapit yung bintana at pag tingin ko sa baba, shit, nakalimutan kong takot nga pala ako sa mataas na lugar. Nanginig tuloy ako bigla at parang gusto na bumaba, pero nagulat ako ng may tumahol, shit aso. Kaya no choice na, its a matter of life and death sakin kaya tinuloy ko na kahit nanginginig ako paakyat.
Nung narating ko na yung bintana sa second floor shit! May maid na nag lilinis! Di ko naman pwedeng antayin dahil baka makita ako or mahulog dito tapos lamunin ng aso sa baba diba? Kaya napaakyat tuloy ako sa third floor ng mabilis baka lalo akong makita kung mag sta stay pa ako eh.
Pag dating ko sa third floor ay may balcony at wala naman ng tao, parang choreography room ata, wow sosyal... Kami nga music room lang eh, charot! Di naman kasi ako nag sasayaw pero meron din kami nyan hahahaha di ko lang pinapasok.
Thank God nung pag try kong buksan nung pinto eh bukas! Kaya nakapasok agad ako.
Nung makapasok ako eh nataranta ako ng makarinig ako ng ingay sa door knob kaya napatago ako dun sa malaking kurtina sa gilid.
Pag silip ko ay nakita ko si Drake dun, shit anong ginagawa nya? Bakit sya.....
Bakit sya TOPLESS?
Gaga malamang nag hubad ng uniform ✌️😑
Tapos nilagay nya yung i touch nya sa isang speaker at tumugtog.
Nagulat ako nung biglang nag simula yung kanta at nag sayaw sya.
Am I wrong for thinking out the box from where I stay?
Am I wrong for saying that I choose another way?
![](https://img.wattpad.com/cover/29056984-288-k52883.jpg)
BINABASA MO ANG
That girl is Wanted
Teen Fiction'FYI di ako bitch, dahil di ako malandi kagaya mo, bad girl lang ako.' -BGY