(A/M: matagal tagal ding puro 3rd person ang nag kwekwento kaya mabubusog kayo ngayon kay BGY. Abangers na lang kayo pag na tripan ko gawan ng POV silaaaa.... )
BGY's pov.
'You lift my heart up when the rest of me is down (never)
You, you enchant me even when you're not around (never)
If there are boundaries, I will try to knock them down (never)
I'm latching on, babe, now I know what I have found (never)'(Music: Latch- sam smith)
Ginalaw ko ang kamay ko ay ng makapa ko ang cellphone ko at pinatay ko agad ito.
"Anak ng pating namaaaaan" sabi ko sa sarili ko habang ikinabit ang earphone sa tenga ko at nakinig ng music. Isang kanta lang para magising ang diwa ko, ritwal ko na kasi ito tuwing nagigising ako.
(Music: Avicii - wake me up)
Habang nakikinig ako ng kanta yun, biglang tinamaan ako sa lyrics. Kasi hindi ko mismo alam sa sarili ko na naliligaw pala ako. I mean naliligaw pala ako ng landas, hindi ko alam kung saan ako tutungo. I cant blame Brandon kasi una sa lahat kahit sabihin nating ipinatapon nya ako sa ibang lugar, still pumayag ako, wala akong dapat sisihin. Hindi ko din naman masisi ang sarili ko dahil hello? Nakalimot lang naman ako. Dapat pa nga eh maawa ako sa sarili ko kesa kamuhian ko ito.
Sapag iisip ko ng malalim at ng matapos ang kanta ay agad kong tinanggal ang earphones sa tenga ko at tumayo na.
Labag na labag sa kalooban kong gumising pero no choice. Nag tungo na ako ng CR at naghubad saka naligo.
Matapos kong maligo, humarap ako ng salamin at tinignan ang sarili ko.
"Claire Yce Altamiro, panibagong lugar ito, panibagong mga tao ang makikilala at makakasama mo, dapat na sigurong kalimutan ang nakaraan at magsimula ng panibago" sabi ko sa sarili ko ng bigla akong mapangiti. Parang patula kasi yung pagkakasabi ko mag kaka rhyme pa yung dulo. Naiiling akong lumabas ng banyo at nag bihis na.
Nagbihis ako ng puting long sleeves na blouse, hindi gaano kahabang skirt na checkered, kulay brown yun tapos nakatuck in ang blouse ko sa skirt. tapos necktie na black at high sock na itim. Yan kasi ang uniform ng Oaksmith kaya no Choice ako. Pero nag chuck taylor ako na itim. HAHAHA! Dapat kasi black na leather shoes. Eh hindi ko trip, bahala sila sa buhay nila edi magalit sila.
Matapos kong magbihis ay nag suklay ako at hinayaang naka lugay ang buhok ko.di ko trip mag Bun or may tali basta ang gusto ko simple lang muna ngayon.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
"Leche ang hot ko" sabi ko habang tinitignan ang itsura ko at damit ko sa salamin. " sa sobrang hot ko gusto ko na bumaba, haaay maka baba na nga" sabi ko sa sarili ko at nag tungo na pababa dala ang messanger bag kong leather na brown.
Pag punta ko ng kusina hindi pa pala gising ang kasama ko, tukmol talaga tong si Tyler, akala ko pa naman nag luluto na or something dahil sabi nya sanay na sya mag isa.
Agad naman akong kumatok sa kwarto nya.
"Tyler" sabi ko. "Anak nampucha tulog pa ata" sabi ko ng mahina saka kumatok ulit. Ilang linggo na din kaming magkasama nitong si Tyler at sobrang nagiging close na kami. As in parang magkapatid. Kaya madalas na kaming nag aasaran at nag mumurahan pero ayus lang samin.
"Tyler!" Sigaw ko na sa pinto pero wala pa din. Abay ogags na yun! Iniwan na ata ako. Kaya naman binuksan ko na yung pintuan nya at tumambad sakin ang Tyler na naka hilata pa sa kama.
"Tyler" gising ko sakanya. Pero wala padin. Kaya naman binatukan ko sya para magising. Umungol lang sya at tinakpan ang muka ng unan. Sira talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/29056984-288-k52883.jpg)
BINABASA MO ANG
That girl is Wanted
Teen Fiction'FYI di ako bitch, dahil di ako malandi kagaya mo, bad girl lang ako.' -BGY