BGY's POV.
Lumipas ang isang buwan, ganun pa din ang routine namin, jamming session, gig,aral,practice sa varsity. Paulit ulit lang pero may naiba na, hindi na kagaya ng dati na simple lang lahat, ngayon may epal na, laging nakasunod sakin si Leo, i swear he's getting on my freaking nerves! At the same time, nasasanay na din ako.
Gaya ngayon, nandito kami sa gym ng school, nag tra-training, nandito sya sa bleachers namin nakaupo. Ano nanaman bang problema nito?
Satuwing iiwasan ko sya, nakakahanap sya ng rason at lusot para mapansin at kausapin ko, that little son of a gun!
Kakatapos lang ng training namin at papunta na agad akong locker room.
"Hey" sabi ni Leo habang ako naman dire-diretso lang sa pag lalakad kaya bigla nya akong hinawakan sa braso.
"Ano nanaman bang gusto mo?!" Sigaw ko sakanya tutal wala naman ng tao dahil lahat ay lumabas na.
"Ikaw" sabi ni Leo.
Tug dug tug dug!
Pamilyar ang tunog na yun, ang tunog ng puso ko, pamilyar.
"Ako?" Nininerbyos kong sabi.
"Yes ikaw, what i mean is ikaw ba, ano bang gusto mo?" Sabi nya sakin.
"Ahhh akala ko naman, psssssh! ang gusto ko ay maligo. At! Isa pa! Lubayan mo na ako!" Sabi ko sakanya at umalis na.
'Gusto mo syang paalisin pero namimiss mo pag wala na' sabi ng konsyensya ko. Abat! Loko loko to ah?!
" never gonna give you up. Never gonna let you down, never gonna run around and desert you" sabi ni Leo. Ewan ko kung ma bwibwiset ako habang naglalakad o matatawa sa sinabi nya.
"Ul*l alam ko yang kantang yan!" Sigaw ko sakanya at napangiti.
"Alam mo naman pala eh! Edi yan ang sagot ko sa sinabi mo." Sabi nya pero tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad hanggang makarating ako ng locker room, pag ka sara ko ng pinto, napasandal ako sa likuran ng pintuan at napahawak sa dibdib ko, sht sobrang bilis talaga ng tibok nya, di kaya may sakit na ako sa puso? Hindi naman siguro pero lintek parang nangangabayo lang talaga!
Hindi ko na lang pinansin ang tibok ng puso ko at tuloy tuloy na sa pag ligo at pag alis dahil may gig pa kami nina Tyler ngayon.
------------
"Please fall in line and stop making any unnecessary noises." Sabi ng prof namin sa unahan. Haaay, nandito kami ngayon sa isang woods, papunta kasi kami sa isang farm, kailangan kasi ito makita at mapag aralan ng mga studyante ng architecture dahil gagawa kami ng design for renovation sa farm, ang pinaka maganda ay ang gagamiting design for renovation ng farm.
Nakapila na ako sa linya namin ng may isang sasakyang huminto sa tabi ng bus namin. Bumaba ang lalaki pero agaw atensyon ang grupo ng mga lalaki na nagtatago sa mga puno At parang may ginagawang kababalaghan.
"Im sorry im late Mr. Ridde." Sabi ng lalaki, nawala na ang atensyon ko sa grupo ng mga lalaki at napalingon sa nag salita.
Shit.
At pag minamalas malas ka nga naman talaga.
"Oh are you Mr. Marasigan?" Tanong ng prof namin na si Mr.Ridde. Ano nanamang ginagawa ng Leong kupal na to dito? Stalker talaga to!
" just call me Mr.Frey, im not officially a Marasigan. Just Leo, that would be fine." Sabi ni Leo habang nakatingin sakin.
"Oh i see, so listen everyone! Mr.Leo Frey will come with us because he is the chosen representative of our sister school, Pinesmith University to come with us, he is also the editor in chief of Pinesmith's news paper like our very own Morris." Sabi ng prof namin sabay turo kay Morris, ang babaeng saksakan ng tahimik at napakalaki ng salamin, sya ang editor in chief ng school newspaper namin.
BINABASA MO ANG
That girl is Wanted
Teen Fiction'FYI di ako bitch, dahil di ako malandi kagaya mo, bad girl lang ako.' -BGY