INDENIAL
BGY's pov.
Matapos ng usapan namin ni Ivan sa baba ay tumaas na kami.
Ng bigla mag flashback sakin yung kanina."Holy shit Ivan." Sabi ko at namula.
"What?" Takang tanong nya at biglang nanlaki ang mata ng mapatingin sa pinto ng cr.
"Kanina, umamin ka. Ma-may tumayo" nauutal utal kong sabi. STUPID YCE BAKIT KASI NA ISIPAN MO PANG I THROWBACK EH HINDI NAMAN THURSDAY NGAYON!
"Ahhh- ano-ahhh matulog na lang tayo." Sabi ni Ivan at pag tingin namin dun sa bed eh may nakaupong Lee lang naman at saktong katatapos lang mag ayos ng gamit.
"Oh pare san ka pupunta?" Tanong ni Ivan.
"Somewhere wala kayong dalawa" sabi Lee habang tinignan ako ng malamig at lumabas ng pinto.
Shit. Mas masakit pala pag sya na ang tumataboy sayo.
Hindi ko napigilang mapahilamos ang mga palad ko sa muka ko at malakas na nag buntong hininga.
"Oh man bakit? Te-teka umiiyak ka?" Sunod sonod na tanong ni Ivan sakin.
Natawa naman ako at umiling.
"Ivan hindi ako umiiyak, sadyang umabot lang yung laway sa dyan sa pisngi ko" sarkastikong sabi ko ng mahina habang umiiyak.
"Man, si Lee diba?" Tanong sakin ni Ivan.
"Huh?" Sabi ko.
"Wag na tayo mag tanga tangahan. Mahal mo si Lee. Matagal na kong nakakakutob." Sabi ni Ivan at hinalikan ako sa noo. "Pero for two days. Ako muna. Ako muna Yce. Promise hindi ka masasaktan sakin"
"Malamang Ivan hindi ako masasaktan sayo, kay Lee lang." Sabi ko sakanya at mahinang sinuntok sa braso. " loko ka ah?" Sabi ko habang pinahid yung luha ko.
"Bakit?" Takang tanong ni Ivan.
"Akala ko ba walang kiss? Chansing ka ul*l" sabi ko sakanya at natawa naman sya saka ako niyakap.
"Matulog na tayo man, tabi tayo ah?" Sabi ni Ivan sakin habang papuntang CR para mag palit ng damit.
"Sige pero may unan sagit na. Mabuti ng nag iingat" sabi ko sakanya habang nakatulala.
"Grabe! Tayo lang ang mag on na may unan sa gitna na magkatabi!" Maktol ni Ivan na parang bata.
"Che. Manyak ka eh." Sabi ko sa kanya at tumingin sa kanya pababa ng katawan nya kaya napasigaw sya ng.
"OO NA MAY UNAN NA! WAG NGA MAGLAKBAY YANG MGA MATA MO! KUNG SAAN SAAN NAKAKARATING AT NAKAKAOFFEND EH!" sigaw nito na parang bata at pumasok na ng cr.
Natawa naman ako mabilis na nag palit ng damit. Hay nako Lee. Kung alam mo lang. Ang gulo na ng kwento natin.
Pag labas ni Ivan ay nakahiga na ako sa Bed namin at naka ayos na din ang unan.
"Makatulog na nga. Tong shota ko masyadong conservative" sabi ni Ivan at parang batang naagawan ng candy yung muka tapos padabog na humiga. Natawa naman ako.
"Arte mo man. Matulog ka na nga jan" sabi ko at natulog na din.
------
Kinabukasan ay may kumatok sa pintuan kaya nagising ako.
"Man open the door" sabi ko saka pumikit ulit.
"No way man" sabi nya.
"Inuutusan ka ng Girlfriend mo. Sumunod ka" sabi ko. At narinig ko naman sya nag groan kaya napangiti ako.

BINABASA MO ANG
That girl is Wanted
Teen Fiction'FYI di ako bitch, dahil di ako malandi kagaya mo, bad girl lang ako.' -BGY