Move on

82 1 0
                                    

Move on

Nagising ako sa sikat ng araw. Putek ang sakit ng ulo ko promise! Tinignan ko ang orasan at 11:15am na?! Grabe! San ba ako natulog?!

Pag bangon ko kwarto ko pala to sa bahay namin nina mom. Shit. So nakita ako ni mom na sobrang sabog kagabe. Shit. Teka sino ba kasing nag dala sakin dito?!

Tapos bigla kong naalala yung lalaking nag hatid sakin dito.

"Sino kaya yung kupsy na yun? Bakit dito nya ako dinala at bakit alam nya kung saan ang bahay ko?" Sabi ko at narinig kong may nag text sakin kaya napatingin ako sa tabi ng phone ko at nakita ang gamot at baso ng tubig na may sticky note.

'Inumin mo yan, tapos bumaba ka na para magisa ka ng mga kuya mo at ni tita'

Tarantadong! Sino ba yun?! Nakakabwiset! Wala akong nagawa kundi inumin yung gamot para umayos na yung pakiramdam ko. Ayos na eh! Ituturing ko na syang mabait tapos may ganyang note?! Matutuwa sana ako kung naka lagay dyan sweet messages!

Naalala ko nanaman si Drake. Hay... Hindi pa nya inaamin sakin na sya yung nag papadala ng mga white roses at note sakin tuwing gabi. Muli ayaw ko ng bumaba. Pero no choice! Nagugutom na ako kaya naman tumawag ako sa mga maids na dalahan ako ng breakfast.

"Manang padala naman ako dito ng breakfast" sabi ko ng iba ang sumagot.

"Bumaba ka na dito Ungas ka at nandito ang pagkain. At isa pa, lunch na pati kaya mag ayos ka na ng sarili mo kung hindi susugudin ka namin jan" sabi ni?

"Hoy sino ka ba?" Sabi ko dito ng mataray.

"Baliw si Hermes to, kaya bilisan mo jan. Kakausapin ka namin nina mom." Sabi pa nito.

"Ayoko" sabi ko.

"Pag hindi ka talaga bumaba ipapadala kita sa abroad" sabi nito.

"Bwiset! Oo na bababa na!" Sabi ko dito at binaba na ang telepono.

Naligo na din ako at nag bihis para naman hindi ako masyadong mukang sabog pag nakita nila.

Pag kababako palang ng hagdan ay tanaw na tanaw ko na sina mom at ang mga kuya ko na nanunuod ng TV sa sala.

"Oh nandito na sya! Nasan na yung banda? Victor ilabas ang mga kaldero nakalimutan ko tawagan ang banda! Hahaha" sabi ni dominic na parang g@go at tumayo dahil naka higa sya sa sofa.

"Grabe utol muka kang walkers." Sabi ni Victor.

"Shut up mga fags" sabi ko at naupo sa sofa.

"Anak ano nang nangyare sayo?! Halos mag iisang bwan na akong parang mababaliw kaka kontak sayo! Hindi ka manlang sumasagot!" Isang batok ang natanggap ko kay mom.

"Aray. Sorry mom. Nag mahal lang tapos nasaktan." Sabi ko at kunware nanunuod ng TV.

"Alam ko pero its time na para mag move on. Sisirain mo ba ang buhay mo hah?" Sabi ni mom.

"Buti nga ma kung sisirain lang, ang tanong may maymasisira pa ba?" Tanong ko sakanya.

"Stop it stop it stop it!" Singit ni Victor.

"Itigil nyo na yang rant nyong dalawa dahil kahit na anong sabihin natin jan kay utol hindi yan makikinig unless handa na sya mag let go" sabi ni Brandon habang kumakain ng mansanas.

"Lalim pucha nalunod kame!" Sigaw nina victor at dominic na kinware na lulunod.

"Sya nga pala pumasok ka kahit half day lang ngayon" sabi ni Hermes na umiinom ng kape.

"Ayoko natatamad ako." Sabi ko.

"Pag di ka pumasok ipapadala na kita bukas na bukas sa abroad" sabi pa nito.

That girl is WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon