DRAKE ULYSSIS MARASIGAN

99 2 0
                                    

BGY's pov

"Class i want you to meet your tutor partners from section 4th-A, ms. Altamiro your partner would be mr. Drake Ulyssis Marasigan from section 4th-F you may now take your seat there at the back. Next one is.... Blah blah" what the hell? Yung prof namin sa chemistry na si sir.Henry ang basurang nag promote ng ganitong program? For what? Shet mahihirapan ako nito! Piling subject lang ang gusto ko at hindi kabilang ang chemistry dun!

"Oy my gosh! Ang poging gangster pa ang naka partner ni BGY!? Shet swerte na malas! Oh well bagay naman sila, parehas basagulero at basagulera. Hahahaha" sabay tawanan ng mga tarantadong nilalang sa likod.

Umupo na lang ako katabi nung drake na napatong ang ulo sa desk.

Sina keso at E naman napunta sa kabilang section dahil dun sila inassign sa partners nila dun. Putcha naman bakit na sa kaibabaang section naman ako?!

Nag simula na magdiscuss si sir at leche wala akong maintindihan masyado dahil ayoko sa chemistry, dipende na lang pag tinuturuan ako ni Dennis yung nerd kong kaibigan sa section ko magaling kasi mag turo yun at effort din mag sulat ng notes ko at si keso naman kasi kinokopyahan ko lang yun kasi ang bilis magturo at para di na sya maabala eh kinokopya ko na lang para hayahay kami parehas. 😁😂

"Hoy wala ka bang planong magsulat?"tanong sakin nung drake.

"Ikaw wala ka din bang planong mag sulat?" Tanong ko sakanya habang kagat kagat ang tuktok ng ballpen ko.

"Tama bang sagutin ako ng isa pang tanong? At isa pa, hindi mo ba ako kilala hah?" Parang nagyayabang na tanong nya.

"Wala akong pake kung sino ka, minalas lang ako at dito ako sa section mo bumagsak at ikaw ang nakapartner ko at wala akong pake kung tama o mali ang sumagot ng isa pang tanong dahil wala namang tinuro sa subject kong LIT ang nag sabing bawal yun? Got it?" Litanya ko sakanya.

"Tapos na ba kayong magbangayan dyan Ms. Altamiro at Mr. Marasigan?" Tanong ni sir Henry samin. Tong panot na to na nga ang dahilan ng pasakit ko sa subject nya, sya pa may ganang gumanyan. Bwiset.

"Tapos na diba? Huminto na nga kami eh. Ano pang pinagpuputok ng butchi mo?" Tanong ni drake.

" Mr. Marasigan, im warning you to your disgusting attitude or else im gonna kick you out in my class!" Sigaw ni sir. Henry na parang nalalagas yung buhok sa gilid. 😂😂😂😂

"Subuka----" tinakpan ko na agad ang bibig ni drak at sinabing.

"Sir let us continue our discussion, sayang naman ang binabayaran namin tuition kung wala kaming matututunan this day diba?" Sabi ko.

Napa 'ohhhhh' naman ng mahina ang mga kaklase ko.

"Tumayo nga kayong dalawa! Mukang magaling naman kayo sa klase ko! Why dont you answer this question! Anong tawag sa stable na element na group?!" Galit na tanong ni sir. henry samin.

Sorry sir.Henry not today, alam ko yan.

"Noble gases po sir." Sagot ko na may kompyansa.

"Weeeeeeeh?" Sabi ng mga kaklase ko.

Fvcker edi wag maniwala!

"Chumamba kayo dun ah! Take your seat!" Sabi ni sir.henry na naupo na nga kami. Mamamatay ata akong kasama tong gagong to eh! Tuloy tuloy lang si sir sa pag didiscuss at binigyan pa kami ng take home na assignment! And guess what! May bonus pang reporting! Anak ng kwapao!

Agad akong lumabas dahil nagagaguhan ako dun sa drake marasigan na yun, lintek! Pumunta agad ako sa locker ko at nag palit ng panlaro ng volleyball.

That girl is WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon