Second Chance For A Second Lead

153 7 0
                                    

What does it feel like to be a second lead in a story? Kuryoso lang ako pero hindi ko rin naman talaga gustong naranasan, lalo pa't kung katulad lang din nito ang sa palabas na kapapanood ko palang.

Pinuyat ko ang sarili sa kapapanood ng iisang series tapos ganoon lang pala mangyayari sa ending?

Matagal akong natutulala sa kawalan bago naramdamang pumapatak naman ang mga luha ko, hindi nagsasawang tanungin ang sarili ko ng mga paulit ulit na tanong. How did this happen? Why did they let this happen? I need justice for him! Maybe his second lead pero mas deserve niya pa ring piliin!

Hindi na ako nag-ayos ng sarili at basta nalang bumaba sa hagdanan habang umiiyak. Nakalimutan ko pang tignan kung anong itsura ko sa salamin but for sure, my eyes are puffy right now. Iyakan ko ba naman magdamag at walang tigil.

Wala sa sarili akong umupo sa dining chair namin at wala rin sa sarili ng napahikbi nalang bilag. Oo nga't napanood ko naman kung paano nangyari ang lahat. Naiintinhan ko rin pati ang subtitle nitong english at hindi na rin ako natulog kahit alam kong may gig mamayang gabi ang banda pero bakit ganoon kasi!?

"Oh, bakit ka umiiyak na naman d'yan? Wala naman boyfriend na mang-iiwan sa'yo." Tulala lang ako kanina subalit bumagsak pa lalo ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa magandang bungad sa akin ni Mama."Wag magtatampo, wala ring boyfriend na susuyo sa 'yo."

I groaned. "Ma, masakit ulo ko."

"Kailangan mo lang ng jowa, Nak." I looked at her in disbelief.

For Pete's sake! My mom knows that I'm 19 and since I was 9 she's already excited about the idea of me getting married. Palagi niya sa aking pinapamukha na wala akong boyfriend lalo na ng mag 18 na ako. Paano nalang kaya kapag hindi na ako mag-awasa nito't nagbalak nalang tumandang dalaga? I think she will poison and stab me so many times with her favorite chopsticks. Isang beses ko na 'yon naitanong kay mama't sinabing 'yon nga ang gagawin niya.

Wala problema si Mama sa pagiging matandang dalaga o sa mga matatandang dalaga. She just had a big dream of seeing me getting married and having my own family. Pangarap nilang dalawa 'yon nila ni Papa for me and that's good enough reason. Gusto ko na rin naman magka boyfriend, hinihintay ko nalang ang pagdating ng tamang tao para sa akin.

"Nandyan na sundo mo." Malamya akong tumingin kay Mama dahil sa sinabi nito.

Nangunot ang noo ko saka nagtanong sa kanya. "May sundo ako?"

Madiin akong napakagat sa babang labi nang maalalang mayroon nga, narinig ko pa ang malakas nitong pag busina gamit ang motor niya mula sa labas ng bahay kaya nagmadali na ako.

Sinubo kong buo ang isang tinapay na isang beses ko palang kinagatan, nilalak ang isang basong gatas ng isang inuman. May natira pang kunti sa laman nito pagkalapag ko ng baso sa lamesa kaya ininum ko ulit iyon. Nataranta na ako't halos makalimutan na ang susunod na gagawin.

"Baka makalimutan mo na naman mga gamit mo." Nilingon ko si Mama't nakita natatawa na naman ito sa akin. "Kalma ka lang Nak, si Zandrie lang naman 'yon." Umilang ako saka hinayaan nalang si Mama. She really loves teasing me with Zandrie.

Si Zandrie lang naman? I hissed. Kaya nga ako nagkakaganito dahil siya ang dahilan. Sa tuwing sinusundo niya ako palagi nalang siyang tumatagal sa labas kakahintay sa akin. Ayaw naman niyang pumasok sa bahay dahil tamad 'yong maghubad at magsuot ng sapatos niya.

"Ma, pasabi kay Zandrie sandali lang." Sigaw ko mula rito sa taas ng kwarto habang may hinahanap at basta nalang pinaglalagay ang mga gamit na tingin ko kakailanganin ko naman.

" 'yan susuotin mo?" Huminto ako saka tignan ang bibit na sapatos dahil sa sinabi ni Mama. Iritable akong napakamot sa ulo ko nang makitang magkaibang pares pala ito. "Ano kayang mangyayari sa'yo kapag wala na ako?" Sa sarili ko ako naiirita kaya hindi ko masisisi si mama. Ilang beses niya nang tinanong sa akin ang bagay na 'yan pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sagot sa tanong niyang iyon. Hindi ko rin naman gugustuhing malaman.

A Second Chance For A Second Lead   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon