Pakiramdam ko may isang napaka importante bagay akong nakalimutan. Ano kaya iyon? Saka bakit ko naman nakalimutan?
"Goodmorning beautiful." Iisa lang ang taong bumungad sa akin pati na taong laman ng panaginip ko.
Ngumiti rin ako kay Zandrie. Kung ka perpektong ngiti niya roon, wala namang tutubas sa ngiti niya ngayon. His smile easily gives me comfort. His presence makes me happy, and seeing his face?... makes me feel like I'm still dreaming.
Baka kung hindi ko lang naramdaman ang init ng mga kamay ni Zandrie sa palad ko, baka isipin kong nananaginip pa rin ako.
"Goodmorning?" Natatawang tanong ko sa kanya. "Gabi pa kaya." Puna ko sa sinabi nito.
Sigurado ako kahit pa hindi ko alam kung anong eksaktong oras.
Di-aircon ang buong lugar dito, may maliit na bintana pero naka sirado. Hindi ko ganoon binabatanyan ang orasang naka sabit sa pader ngunit ramdam ko naman ito. Lalo na't tuwing mga ganitong oras ako saktong gising na gising at hindi na dinadalaw ng antok.
Pinakita ni Zandrie ang eksaktong oras sa phone niya. "01:58 AM na kaya. Baka nagugutom ka na. Gusto mo na bang kumain? Sasabayan kita. Busog na ako pero gusto ko kasi kumain ulit."
"Sige, kain tayo. Gutom na rin kasi ako."
Pagkabanggit ko sa kanyang gutom ako bigla agad itong tumayo para kuhanan ako ng pagkain at pagsilbihan ng parang prinsesa niya. May iilang hindi sinasadyang nalalag na utensils si Zandrie at agad niyang pinulot iyon. Natawa ako sa sarili dahil sa iniisip ko. Minsan ang assuming ko rin pala talaga at may kunting pagka pelengera.
Nagpasalamat ako sa kanya at hinayaan lang itong sabayan akong kumain. Medyo napagsasabihan nga lang nito dahil sa napapansin niyang mga galaw ko.
"Wag ganyan Heroine. Damihan mo pagkain, para lumakas ka na ulit." Talagang pinagalitan pa ako nito nang mapansing parang patikim tikim lang ako kung paano kumain. "Ubusin mo lahat iyan. Alam kong hindi mo magugustuhan ang mga pagkain dito pero tiisin mo nalang. Kapag inubos mo lahat 'yan, promise ko next time babawi ako sa'yo. Bibilhin natin kahit anong gusto mo Heroine, magpagaling ka lang agad." Sabi pa nito habang pa isa-isa niyang nilalapag ang grapes at itinatabi sa gilid ng plato ko ang mga ito.
Mas pinipili ko iyong unang kunin para kainin. Nakakaramdam man ng gutom pero wala rin akong gaanong gana kumain. Tila kasi may diperensya ang panlasa ko't walang kahit anong malasahan sa pagkain. Hindi ko malasahan ang karne ng baboy na nasa loob ng bibig ko, at pakiramdam ko nga para lang akong ngumunguya ng bloke ng guma.
Gusto ng namatamis at itong mga prutas lang ang makakain ko.
"Magpahinga ka kahit gaano katagal mo gusto, basta gumaling ka lang Heroine. Magpalakas ka." Sumagot naman agad ako sa sinabi nito.
"Pero wala naman akong sakit." Paalala ko sa kanya.
Nagkaroon lang ako nang kunting sugat at mas malalaking pasa nang malaglag sa hagdan ng school, pero okay lang talaga ako. Matinding pagod lang din siguro at mga kulang sa pagtulog ang naging kalaban ko.
Naabot ko kung gaano kalamin ang naging buntong hininga Zandrie dahil sa sinabi ko. "Wala ka ngang sakit pero okay ka ba?" Tanong niya pa.
"Okay ako! Ilang beses ko ng sinabi sa inyo 'yan, pero ayaw niyo namang maniniwala sa akin. Gusto mo bang mag gymnastics pa ako rito para lang patunayan sa'yo? Wala lang talaga ito, Drie."
Pinagtawanan ko lang siya. Maling bagay na nagawa ko dahil hindi ko alam kung anong nararamdaman nito. Sobrang seryoso niya.
"Wala lang lahat ng ito sa'yo?" Mabilis na naglaho ang ngiti sa labi ko. Hindi na ako nakasagot kay Zandrie. "Unahin mo muna ang pagkain mo." Wika niya sa akin kaya mas pinilit ko pang kainin iyong kanin saka ang ulam na kasama nito kahit hindi ko na gusto.
BINABASA MO ANG
A Second Chance For A Second Lead
Romantizm"Maybe this is a second chance for a second lead. A second chance for me."