19

65 3 0
                                    

Dinala ako ni Mama sa bahay ng kapatid niyang lalaki na si tito Bobbie at asawa nitong si tita Olivia. Pumayag naman agad sila titong makituloy muna kami rito dalawa ni mama, kaya pansamanta at simula ngayon araw dito kami makikitira sa kanila. 'Di ko mawari kung tama o may kahit anong maibubuting dulot ba itong naging disesyon ni mama na pag iwan namin kay papa.

Tahimik lang ako na nag iisip, nakaupo nang kausapan ni tita. Tinanong niya ako kung anong nangyari kanila mama't papa, kung anong pinagmulan nang away nilang dalawa subalit hindi ko rin talaga alam kung anong isasagot ko sa kanila. Dahil maski ako sa sarili ko? Hindi ko rin alam kung bakit nangyayari lahat-lahat ng ito. Nag umpisa lang sa akala kong simpleng tampuhan nilang dalawa, hanggang sa nagkapatong patong na. Pati ako mismo nahihirapan dalhin ang mga problema nila.

Ilang beses kong sinubukan kausapin si Mama. Pati rin sina tito't tita sinubukang kausapin din siya, pero pinipili palagi nitong baliwalain ang kahit sinong tao nasa paligid niya. Nakakapanlumong makitang ganito nalang siya parati. Parang ang hirap-hirap nang pasayahin ni mama.

"Wag mo nang pupuntahan ang papa mo sa atin, 'yon lang ang tanging pakiusap ko lang sa'yo Avril. Makinig ka nalang muna sa akin anak." Walang emosyon utos sa akin ni mama, habang walang kamalay malay sa paligid ko't nagliligpit ng mga laruang pangbata ng pamangkin kong si Mint.

Sinadya ko nalang na hindi sumagot sa kanya. Hindi ko rin naman sinunod kung anong gusto gawin ko ni mama, dahil kinabukasan umuwi agad ako rito sa bahay namin para kausapin nang masinsinan Papa. Kailangan ko ng sagot sa mga katanong ko. Ninais kong malaman ang pinagmulan ng bagay na paulit ulit na nilang pinagdadamot sa akin.

Kung walang akong makukuhang sagot kay Mama, kay papa ko nalang itatanong lahat. Itatanong ko sa kanya kung bakit kailangan humantong pa sa ganito ang tungkol sa kanilang dalawa ni mama. Anak pa rin nila ako kaya karapatan ko rin iyong malaman, lalo pa't ganito na kalala ang mga nangyayari.

Ng una, iniiyakan lang ni mama. Ngayon naman sobra na talaga siyang nagalit para lumayas sa bahay namin at isinama niya ako.

" 'Yong batang nasa taas?... Anak ko siya sa ibang babae, Avril. Kailan palang nang malaman ng mama mo ang tungkol sa kanya, at ngayon wala nang mag aalaga roon sa bata kaya dinala ko siya rito sa bahay natin... 'Yon din ang dahilan kaya sobrang nagalit sa akin mama mo, Nak." Matagal akong natigilan dahil sa inamin ni Papa. Ni wala akong ideya kung anong dapat kong sabihin sa naging confessions niya.

Sa loob ng mga lumipas na araw, ngayon mas naiintihan ko na kung bakit sobrang nasasaktan si mama. I can't even imagine na magagawa pala iyon ni papa sa kanya. Kung hindi niya lang inamin sa akin, siguradong hindi ako maniniwala lalo pa't kung nanggaling sa iba. Akala ko talaga mahal na mahal niya si mama.

Pagkatapos n'yon wala na akong kahit anong binanggit at tinanong pa kay Papa. Tahimik lang din ito kasalukuyan sa tabi ko, tulad ko ring walang ibang masabi. Kinukurot ko na naman ang sarili ko para mas makapag fucos sa sakit na nanggagaling sa ginagawa ko. Bakit kaya sa kabila nang pagmamahal ni papa para kay mama nagawa niya pa rin ang bagay na iyon? Bakit niya niluko't sinaktan si mama?

Siguro kaya wala ring kahit anong binabanggit sa akin si Mama na tungkol doon ay dahil ayaw niya lang magalit din ako kay papa gaya niya. Ayaw niyang siraan sa akin si papa. Kinuyum ko ang mga kamay ko nang tignan ulit siya. Ngayon palang pinipigilan ko na ang sarili kong sumbatan at kwestyunin ito sa lahat ng bagay pati na pangluluko niya sa mama ko. Hindi lang si mama ang niluko niya, pati akong anak nila sinaktan din niya. Sana panaginip nalang lahat ng nangyayari ito, subalit araw-araw palagi pa rin akong nagigising sa iisang bangungot.

Wala kahit isa sa kanila ang nakakakita sa pagod na nararamdaman ko, at hanggang ngayon sobrang hirap pa ring pakiusapan ni mama na bumalik nalang kami sa bahay para makasama na ulit namin si papa. Ang alam kasi nito abala ako sa pagbabanda, hindi ko sinasabi sa kanyang umuuwi ako sa bahay namin at ako ang nag babantay roon sa batang si Heron sa tuwing nasa trabaho si papa. Pakiusap niya kasi iyon sa akin.

A Second Chance For A Second Lead   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon