9

49 3 0
                                    

Mas gusto ko lang na tinatago ang nararamdaman ko kaysa na sabihin pa ito. Nahihiya ako pero sana maramdaman ni Zandrie na mahal ko siya at hindi ang ibang tao.

"I dear myself to kiss Heroine!" Sa dami ng ginagawa ko, hindi ko na pinag aksayahan pa ng oras pansinin si Flame.

Ang sakit na sa ulo ng mga school works na kailangan naming ipasa ngayon, kaya nga binaon ko pa ito hanggang dito sa bar na pinuntahan namin. And I'm really glad that my friends understood me and got a room for VIPs in this bar. Siguradong gumastos pa si Kuya Sandro para dito at pati na rin sa lahat to to become one of our special nights. Kapwa nilingon ko sila sandali at napansin ang dalawa pang kulang.

Wala pa si Geib at hindi pa nakakabalik. Tapos late na naman si Zandrie.

'Di ko siya nakasabay dahil kanina pa ako binabantayan ni kuya Sandro, to make sure na makakasama talaga ako sa kanila. Marahil ang dahilan niya't ilang beses muna akong nagdalawang isip bago mag promise sa kanilang sasama ako rito. Maingay pa rin naman kahit naka VIP room kami ngayon, subalit hindi ganoon gaya sa labas kaya nakakagawa pa ako. Mas maganda rito, mas kumportable dahil mga taong kakilala ko lang ang kasama ko at hindi ganoon kagulo gaya sa labas. Sa ngayon si Kuya Sandro at Flame palang ang magulo rito sa loob, naglalaro ng truth saka dare sa mga oras na ito dahil wala pa 'yong dalawa.

"Oh, sige. Ayaw mag pa kiss ni Heroine, kaya ikaw nalang i da-dare ko Sandro. I dare you sa bakla niyang friend. 'Diba gusto ka n'yon? Jowain mo na, " Padabog kong sinara ang laptop ko saka dalawa silang sinamaan ng tingin.

Halatang nagulat ko ang dalawa dahil sa naging itsura't reaksyon ko, ngunit hindi naman tamang pag-usapan pa ang taong wala naman dito. Lalo na kung hindi naman maganda at tungkol sa mga bagay na walang kwenta. Kaibigan ko rin si Liam.

Binalikan ko ulit ang ginagawa ko.

"Ito naman parang binibiro lang. Mahalaga ba 'yang ginagawa mo? Parang nakaraan pa 'yan." Mabuti nalang napansin ko nang papalapit sa akin si Flame, kaya hindi na ako nagulat sa kanya. Inaasahan ko ng gagawin niya ito.

Bumulong siya sa tenga ko, kaya napabuntong hininga ako bago sagutin ang tanong niya. 'Di niya kaya naisip? Hindi na kasi sana tinanong pa ni Flame. "Kung hindi ito mahalaga, tingin mo gagawin ko pa?" I became sarcastic.

It's our band first anniversary today, at naalala ko pa rin ang kasalanan ko kay kuya Sandro ng mismong araw na magkasundo kaming dalawa ni Liam. Tingin ko kahit pinag swiswimming na kami ng mga prof namin ngayon sa mga gawain dahil malapit na ang prelims, parang ang unfair na ako lang wala at kulang ako sa kanila. Alam ko namang maiintindihan din nila ako kung sasabihin ko nalang na diretso, pero kasi! Basta! Hindi ko rin talaga maipaliwanag kung ano itong nararamdaman ko. Wala na akong ibang gustong isipin maliban dito sa mga ginawa ko, pero sumisingit pa rin ang mga alalahanin sa akin.

Mas lalo akong napapagod dahil doon.

Pare pareho lang naman kaming mga estudyante pa. Si Kuya Sandro graduating na, habang sila Flame, Geib at si Zandrie naman nasa 3rd year na sila. Sa amin parang ako lang ang hirap na hirap kahit tingin ko nga mas mahirap pa kaysa sa akin ang course nila. Tourism, Architecture, Accountant, English Literature.

"Ano ba kasi 'yang mga pinapagawa sa inyo sa Hospitality Management?" Tanong ni Kuya Sandro sa akin. Lumapit pa sa amin ito ni Flame para tignan kung anong ginagawa ko. "Puro kayo mga ganyan," Tukoy niya sa panibagong video na ini edit ko ngayon. "In our course marami rin naman pinapa kabisa, but it's not like that. D'yan kailangan mo pang aaralin 'yan, kakabisaduhin lahat ng kailangan mong sabihin, you need a lot of effort to prepare such a thing. Then another time again for editing."

Sana tulad nalang ni Flame si Kuya Sandro na inaalala ako.

"We're so lucky that you're still alive Heroine, kung ako 'yan malamang hindi na ako tumagal. Saka mamamatay agad kami pare pareho kung mawawalan ka." Nakakainis na kailangan pang sabihin ni kuya Sandro ang mga bagay na ito sa akin. I don't have time to cry.

A Second Chance For A Second Lead   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon