I was expecting that Luna would get mad at me, but that didn't happen.
"Heroine, nakikinig ka ba?" Natauhan ako bigla, tango lang ang paulit ulit na naisasagot sa kanya.
She's crying in front of me, pleading and begging me. Gusto niyang makipag balikan kay Zandrie sa tulong ko, pero paano niya naman naisip na makakatulong ako?. Madiin akong napakagat sa babang labi ko.
Tingin ko dapat may gawin ako, ngunit hindi ko pa alam sa ngayon kung ano ba dapat 'yon.
"We're not okay since last week pa, but I didn't expect this would be happened. Ginagawa ko naman palagi ang gusto niya, at kahit kailan hindi ako nagkulang pero bakit iniwan niya pa rin ako? Tell me, Heroine. You're friends with Zandrie, may nasasabi ba siya sa'yong mali sa akin? Kulang? Kahit panget sabihin mo please!" Lumingon ako sa ibang kasama naming nandito rin, nanghihingi ng tuloy sa kanila kung anong pwede kung gawin.
Si Kuya Sandro, nakatingin lang din sa amin. Si Geib may ibang pinagkaka abalahan, halatang hindi interesado sa mga nangyayari. Nang tinignan ko naman si Flame, mabilis siyang umiwas ng tingin niya sa akin. At kung si Liam naman ang tatanungin ko, mas gusto nitong wag na akong makilam sa problema nila.
Binalik ko ulit ang tingin ko rito kay Luna. "S-susubukan ko kung may magagawa ako." Mukhang napasaya ko naman ito dahil sa sinabi ko.
Binigay ko muna kay Luna ang panyo ko't ako mismo ang naghatid sa kanya sa labas nitong music. Nagpaalam din ako kay kuya Sandro na mag c-cr muna ako sandali.
Naabutan ko ang lugar na may iilang tao, hanggang sa ako nalang ngayon ang matira dito. Naghilamos lang ako ng mukha, binasa ang buhok ko saka tinali ito ng pa ponytail. Wala pa si Zandrie ngayon, absent 'ata siya ngunit hindi ko na alam kung bakit. Naiwan ko roon sa music room ang mga gamit pati na cellphone ko kaya mamaya ko na siya itetext.
Labis akong nahirapan sa naging disesyon ko kanina, pero tama naman ako sa napili ko diba?
"Mali ka Heroine. Maling mali ka!" Nagulat ako na sa paglabas na paglabas ko ng banyo si Liam agad ang bumungad sa akin.
Nakasandal pa ito sa pader at parahong magka krus ang binti at mga braso na animo'y lalaking lalaki na. Mukhang hinihintay lang talaga sa akin. 'Di ko alam na sinundan niya pa pala ako.
Mabilis akong naglakad palapit kay Liam, at mahigpit siyang niyakap sa may bewang nito. Malungkot ang naging ngiti ko sa kanya. Ipamukha ba naman niya sa aking mali ako, subalit baka tama rin siya... At hindi ko lang nakikitang inaalala niya lang ako.
"Baks, kung ako ikaw 'yon din naman ang gagawin mo. Masyadong nakakaawa si Luna." She really loves Zandrie.
"Tantanan mo ako Heroine! Naawa ka roon, pero ikaw hindi ka na naawa sa sarili mo? What a joke!" Tila naiinis ito na tinitignan ako, at ngayong lang naging sarcastic sa akin si Liam ng ganito.
Lumayo na muna ako sa kanya. Iniwasan mga mata nito sa nasa akin pa rin hanggang ngayon. Masakit para sa akin na bilang kaibigan ko hindi niya ako naiintihan. Subalit ako?... Naiintinhan ko kaya siya bilang kaibigan ko?
Baka hindi rin.
"Hindi ako kasing bait gaya mo Heroine, pero masyado mo na 'atang na misinterpret kung anong sinabi ko. Sobrang selfless mo na! 'Di na kita kinakaya. Gusto ko dating isipin mo rin si Luna, pero wala namang akong sinabi kalimutan mo ang sarili mo!" Pagkatapos niyang sabihin 'yon, mag isa nalang ulit ako.
Natulala ako't pinanood nalang hagang sa mawala si Liam sa paningin ko. Maayos din naming dalawa ito, pero hindi ko pa alam sa ngayon kung paano.
Sa dami kong kinailangan gawin ngayong araw ng sabado, inaalala ko pa ring ang nangyari kahapon. Abala ako sa pag gawa ng power point, at hindi ko pa man ito natatapos itinigil ko na ang pag gawa ko nito. Mag 1 AM na, dinadalaw na rin ako ng antok at ramdam ko na ng pagod sa buong katawan ko.
BINABASA MO ANG
A Second Chance For A Second Lead
Romance"Maybe this is a second chance for a second lead. A second chance for me."