24

37 4 0
                                    

Pinapanood ko si Zandrie kung paano niya ako iwasan. Tahimik lang ito ngayon sa sulok, naglalakad mag isa na tila walang ibang kasama. Akmang lilingun pa nga ako nito ng saktong tumingin ako sa ibang direksyon at nagkunwaring may ibang pinagmamasdan dito banda.

Poste, building, puno at mga tao. Bahala siya r'yan. Tinatamad na akong manuyo sa kanya.

"Heroine!"

Nagulat ako ng dahil doon sa ginawa ni Geib.

Basta nalang kasi ako nitong hilain palayo sa iba pa naming kasama. Masyado akong nadala ng dahil doon kaya tumama pati sarili sa mala batong pader na dibdib nito. Sa pagkabigla ko pa nga dahil sa hindi inaasahang pangyayari, saka nalang ulit ako bumalik sa ulirat. Sa sarili ko.

May ibang tao rin pala sa paligid. Kasama ko ang iba ko pang mga kaibigan at hindi lang si Zandrie.

Natuon ang tingin ko kay Geib ng ilang segundo, ngunit mas napansin kong wala sa akin kung hindi na kanila Liam, kuya Sandro at Vincent naman ang mga mata nito. Hawak pa rin ni Geib ang kaliwa kong braso na siya mismong naglagay, gumilid sa akin para ilayo sa kanila. Ang gugulo kasi nila Vincent dahil sa paghaharutan, halos nagkakasakitan na rin sila. Mahinang pumitik ang dila ko sa mga nakikita.

Nanahimik lang ako pero balak pa nila akong idamay rito.

"Hoy mga siraulo kayo! Kagagaling lang sa hospital ni Heroine. Anong gusto niyo ibalik natin ulit siya roon?" Halos wala ni isa sa kanilang nakinig kay Liam, dahil abala silang pare-pareho sa iisang bagay.

Nagtama ang mga mata naming pareho ni Zandrie ngunit mas naunang umuwas ito ng tingin niya sa akin.

"Okay lang, Baks. Paki ingatan nalang 'yong laptop ni Geib." Bilin ko hindi lang kay Liam, kung hindi pati sa iba na rin. Hiniram ko lang din kasi 'yan kay Geib kanina.

May pagkatamad akong magdala ng sa akin dahil nabibigatan ako sa laptop ko. Si kuya Sandro naman may problema ang sa kanya kaya wala itong dala ngayon, habang si Zandrie nagdadamot at ayaw magpahiram kaya rito nalang muna ako kay Geib nanghiram. Mabait ito at hindi madamot gaya ng iba.

Mukhang wala pa nga 'atang balak si Zandrie na pansinin ako kaya bahala talaga siya r'yan. Pareho kaming magmamatigas at titiisin nalang muna ang isa't isa.

"Hoy, ingatan niyo iyong laptop! Mahiya naman kayo, hindi sa atin 'yan." Suway sa kanila ni Liam na maski ito nakikipag agawan din sa iba.

May bagay raw kasi silang gustong panoorin sa loob niyon. At sabi ni Liam, nakakatawa raw iyon at patungkol kay Flame kaya kami naging sobrang interesado. Nawala nalang ang interes ko nang magkagulo-gulo na sila. Nandito rin kasi sina Vincent, Art, at Nathan kasama namin papuntang music room. Si Flame lang ulit ang kulang sa amin at hindi ko alam kung nasaan na siya.

Sumimangot ako dahil ayaw talagang makinig ng kasama kong mga lalaki. Binalak ko pa ngang lapitan ang mga ito para sana sawayin, ngunit pinigilan ako ni Geib bago magawa iyon. Labis akong nagtaka kung bakit niya ulit kailangan gawin ito.

"Hayaan mo na sila. Wag ka ng lumapit doon." Seryosong sinabi nito, animo'y para akong inuutusan.

"Baka masira kasi nila iyong laptop mo." Sagot ko agad sa kanya.

Inagaw lang nila sa akin 'yan pagkatapos akong pagbigyan at pahiramin ni Geib ng laptop niya kanina, kaya talagang nakakatakot na nasa mga kamay nila iyon ngayon. Pinagmasdan ko ang mga kaibigang lalaki.

Sa palagay ko sa ginagawa nila, wala silang mga balak ingatan iyong laptop. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali at wala pang ilang sandali, napatunayan ko ring tama ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Second Chance For A Second Lead   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon