Wag ko nalang siguro dapat isipin kung ano mang sinabi ni Liam, dahil maski siya mismo hindi rin talaga sigurado tungkol sa bagay na iyon. Hindi ko na napapansin pa ang mga taong nakakasalubong ko.
Naging totoo lang siya sa bagay na tingin niya at walang kahit anong bahid ng intensyon para paasahin ako. Ipinaliwanag din ni Liam sa akin ang lahat, simula sa kung paano magbigay si Zandrie ng mga mix signals at wala kahit anong assurance about doon. Tinatawanan ko na nga lang ito habang paulit ulit niyang sinasabi sa akin na ayaw niya raw ako paasahin kay Zandrie, kaya wala rin siyang kahit anong binabanggit sa bagay na iyon at ngayon palang.
Wala sa isip kong pumapasok na kahit anong ganoon at tingin ko naman nasa sa akin nalang kung aasa ako sa mga sinabi niya, lalong lalo na kay Zandrie. Nasa akin lang kung pipiliin kong bigyan lahat ng kahulugan ang gagawin niya, at kung kakapit pa ako kahit wala namang paghahawakan talaga. Gaya nalang ngayon sa isang tao na bago ko lang nakilala.
Sinabi sa akin nitong lalaki at admirer ko raw siya. Inamin din niya sa aking magkakilala kaming dalawa, ngunit tingin ko naman hindi ko pa ito nakikita kahit ni minsan. Dahil kung may kilala nga akong taong gaya niya, sigurado ako sa sarili kong makikilala ko agad siya. Malalaman ko agad kung sino siya. Binabasa ko ngayon ang isa sa mga handwritten letters nito sinulat para sa akin at aminado ako sa sarili kong napapasaya ako nito kahit papaano. Sumandal ako sa pader, hawak-hawak itong papel, nagbabasa habang dinadaanan ng mga tao. Tumigil ako sandali rito.
Sometimes, he was the only reason I could smile. He always made my day, even though there were times that I was really devastated, and that's all for me. Lumipas na rin kasi ang mga araw, pero ang mga problema ko mas lalong nadadagdagan pa. Wala kasawa sawa akong nagbabasa ng mga gawa niya para sa akin nang paulit ulit. He's a stranger to me, but I've never felt this comportable before.
Pinangako sa akin nitong balang araw siya naman daw mismo ang mag-aabot sa akin ng love letter na gawa niya, kapag nagkaroon siya nang lakas ng loob umamin at pagkakataong magpakilala na sa akin ng harapan. Nang simula bali wala lang talaga sa akin kung sino man ang taong iyon dahil umpisa palang hindi ko pa siya kilala. Ngunit paunti unti, sa bawat araw at letter na padala niya, na appreciate ko ito bilang isang kaibigan ko na. Maski hindi ko pa nalalaman kung ano talagang ang itsura nito.
Ano kayang pangalan niya? Totoo kaya talagang kilala ko siya?
Nakalimutan ko na kung kailan ito nagsimula, pero wag na sanang mawala. Ang dami ko na agad nasasabing mga bagay na hindi ko pa naman lubos na pinag iisipan, epekto lang din talaga siguro ito ng pagiging malungkot at matinding pagod ko nitong mga lumipas na araw. But seriously. I wanted to meet this guy.
"Heroine?" Napaangat ako nang tingin sa taong lumapit at tumawag sa pangalan ko. "Ano 'yan?" Bungad na tanong sa akin nito kaya mabilis kong tinupi saka tinago ang love letter.
"Wala lang ito Drie," Sagot ko sa kanya, wala sa sariling napahikab sa mismong harapan nito dahil sa sobrang antok na nararamdaman ko simula pa kanina.
"Weh? I saw you smiling Heroine . Ano nga iyon? Patingin ako." He asked me again and didn't seem to believe what I just said. Sa sobrang duda nito sa akin binalak niya pang agawin ang letter na nasa kamay ko.
"Wala nga lang sabi ito." Ulit ko sa kanya at nakuhang tawanan pa ito dahil ang bilis na nagbago ang hulma ng mukha niya.
Tinago ko nalang agad iyong love letter sa loob ng bag ko para mas secured. Bawal siyang makibasa nito.
"Pero bakit ganyan ka nalang kung makangiti? Kanino galing 'yan?" Nakita ko kung paano nagsalubong ang parehong mga kilay nito sa akin.
Mas lalo pa akong natawa kay Zandrie. "Masama na bang ngumiti ngayon?" Nagtanong ako saka sabay itong tinaasan ng isang kilay habang nakangiti nalang ngayon para asarin siya. Ano kayang iniisip ng taong ito?
BINABASA MO ANG
A Second Chance For A Second Lead
Romance"Maybe this is a second chance for a second lead. A second chance for me."