Tinignan ko si Zandrie at nginitian siya nang mapansing simula kanina nasa akin na ang mga tingin niya. Mamaya ko nalang siguro siya kakausapin dahil mas kailangan kong matawagan at makausap na ang mama ko. Tumabi muna ako't lumayo sa maraming tao. Kinakabahan na ako, sobra sobrang nag alala dahil ayaw nitong sagutin ang alin man sa mga text messages, maski na maging tawag ko sa kanya.
Nakakailang ilang missed calls na ako kay mama, kaya sa mga oras na ito sa papa naman ang sinubukan kong ma reach out sa kanilang dalawa. Luckily, sinagot naman agad niya.
"Pa!" Natuwa ako't nadala ng sariling emosyon nang sagutin ni papa ang tawag ko. "Si Mama po? Kamusta siya d'yan? Bakit hindi niya sinasagot mga tawag ko? May nangyari ba? Nasaan siya?" Mas ramdam ko pa ang kaba ko ngayon habang nagtatanong sa kanya, kaysa kaninang nasa stage palang ako at kasama ang banda. Sobrang nag aalala lang talaga sa kanila kanina pa, kaya siguro kung ano-ano nalang ding mga bagay ang pumapasok sa isip ko na maling alalahanin pa.
Narinig kong napasinghot si papa sa kabilang linya, kaya bigla akong nagkadahilan para isiping baka nagkasakit pala ito ng wala ako roon sa amin.
Walang mag aalala sa kanya pati na kay mama, hindi niya rin sinabi sa akin.
"Pa, masama po ba pakiramdam mo?" Nagtanong pa ulit ko sa kanya, saka pasimpling sinulyapan kung anong ginagawa ng mga kasama ko. "Bukas pa sana kami uuwi Pa, but don't worry po. Magpapaalam nalang ako kanila kuya Sandro mamaya, tapos uuwi na rin ako agad. Kaso baka nga 2 or 3 na po ako ng madaling araw makauwi d'yan sa atin." May mga fan girl na kasaluyang nagkakagulo makakuha lang ng picture sa kanila roon.
Bumalik ako kung nasaan ako ngayon nang marinig na magsalita si papa. "Wala, Nak. Okay lang kami ng mama mo rito, pero..." Parang naririnig ko rin ang ni mama sa kabilang linya, subalit wala lang linaw.
"Pa?" Tawag ko sa kanya. Naputol ang sasabihin nito sa akin kaya tinignan ko kung nandito pa ito. Hindi pa naman siya nawawala kaya tinapat ko ulit ang cellphone ko banda sa aking tainga, para subukan kung maririnig ko siya ulit. "Pa, nandyan ka pa po ba?" Sinubukan ko ulit siyang kausapin at nanlambot ako dahil sa narinig na sinabi nito sa akin.
"Umuwi ka na anak Heroine. Umuwi ka na. Kailangan ka namin dito ng mama mo." Binabaan agad ni Papa ng walang sinabing dahilan.
Napabuntong hininga ako, natulala nang kaunti. Siguro dapat na nga talaga akong umuwi sa amin. Isip-isip ko.
Sa sandaling pag-uusap naming iyon ni Papa, parang ayaw kong maniwala sa kanya na okay lang sila ni mama. Baka may mga kaganapan na pala roon na hindi ko nalalaman, baka mamaya nagtatalo na naman silang dalawa ni mama at hindi ko lang alam. Binulsa ko ang phone ko't unang nilapitan sa kanila si kuya Sandro. Marami pa sana akong kailangan gawin dito kasama sila, ngunit mas kailangan ko nang mag paalam.
"Excuse me, miss. Sorry, kakausapin ko lang kaibigan ko. Ku_" Saktong sasalubungin na rin ako ni Kuya Sandro nang biglang may babae nalang na marahas humatak sa damit ko. Nagulat ako at nagtaka kung bakit ganoon nalang ang niya ginagawa sa akin. Tinignan ko ito pati na ang mga kasama niya.
"What the heck! Ang bastos mo naman, hindi mo ba nakitang nauna kami rito!? My God naman teh girl!" She rolled her eyes on me. Pati 'ata ang mga kasama nitong kaibigan nainis din sa akin dahil sa ginawa ko.
Papalapit na sana si Liam dito sa babae pero pinigilan ko agad siya. Ayaw ko ng gulo lalo na't kung ako lang ang magiging dahilan nito.
"Sorry ulit, hindi ko talaga sinasadya. Gusto ko lang sana kausapin itong kaibigan ko." Nakipag unahan ako sa kanila, aminado ako sa naging mali ko. Nanghingi na ako nang pasenya ngunit sinigawan pa rin ako ng isa sa mga kaibigan 'atang kasama rin niya.
BINABASA MO ANG
A Second Chance For A Second Lead
Romansa"Maybe this is a second chance for a second lead. A second chance for me."