I don't want to be mistaken for an insane person, so I force myself to not smile as I walk.
Ayaw pa sanang tigilan ni Liam ang pag aasar sa akin kay Flame, kung hindi lang namin kinailangang maghiwalay dalawa. Pauwi na 'yon sigurado ngayon at ako naman papunta palang sa department nila Flame. Doon ko nalang siya hihintayin para hindi na kami magkasalising dalawa.
Natatawa pa rin kasi ako sa tuwing iniisip 'yong mga nangyari kanina. Inamin din sa akin ni Liam na mas natutuwa pa raw siyang inaasar ako kay Flame, kaysa roon sa taong talagang gusto ko. Kaysa kay Zandrie.
" 'Di ka naman siguro kinikilig niyan?" May taong basta nalang nagsalita sa tabi ko kaya nilingon ko siya. Nang makita kung sino ito, laking gulat ko nalang na makilalang si Zandrie na pala!
Napahawak nalang ako sa may bandang dibdib ko, masama ang naging tingin nang tignan siya.
"Pinakaba mo ako!" Inis na sabi ko sa kanya, at hindi na gumanti.
Halos sumakit na ang dibdib ko sa bilis ngayon nang tibok ng puso ko, at mukha wala naman siyang alang pakealam sa akin. Naiinis ako na ganyan lang siya, subalit tingin ko naman wala akong magagawa roon. Lalo na't kung ganoon lang ang nararamdaman niya para sa akin. Pikon akong nag iwas ng tingin kay Zandrie.
Wala siyang pakealam sa akin at hindi man lang nag-alala kahit muntik na akong matumba kanina dahil sa ginawa niya. Gustuhin ko man, 'di ko rin talaga magagawang diktahan siya sa mga dapat nitong maramdaman sa akin. Hahayaan ko nalang siguro siya.
"Uwian n'yo na diba?" 'Di na ako nagtaka pa kung bakit ito agad ang tinanong niya, sinagot nalang din.
"Oo," Sagot ko sa kanya na simple lang.
Marami akong pwedeng maging dahilan para kainisan si Zandrie ngayon araw, pero hindi ako naiinis sa kanya dahil lang nakita namin siya ni Liam, may kayakapan na namang ibang babae kanina.
Hindi talaga.
Ramdam kong nagbaba ng tingin si Zandrie sa akin, kaya tinigilan ko ang pag kuyom ng kamao ko. I calmed myself down. Kailan lang ng mag break silang dalawa ni Luna, subalit may iba na naman 'ata siyang pinupormahang babae ngayon. Walang kasiguraguhan ang mga hinala ko tungkol kay Zandrie, pero sana naman pina abot muna nito ng isang buwan bago niya palitan.
Wala ako sa sariling napangisi habang nakatitig sa kawalan, iniisip kung ano pwedeng mga mangyari.
"Saan pa punta mo?" Inagaw sa akin bigla bigla nito ang bag ko. "Sabay na tayo, ako na maghahatid sa'yo."
Akmang paalis na sana siya at gusto niya nalang sa sumunod ako, ngunit pinigilan ko ito. Hinawakan ko ang bag kong dala-dala niya.
May usapan pa kaming dalawa ni Flame na hihintayin ko siya. Bawal pa akong umuwi dahil hahanapin ako n'yon mamaya.
"Mauna ka na Drie, may pupuntahan pa ako." Hinili ko ang bag ko at agad naman itong nakuha sa kanya. Sinuot ko ulit ito sa balikat ko.
"Saan?" Makasalubong ang kilay nitong magtanong sa akin. "Samahan nalang kita,"
Inakbayan ako ni Zandrie, pero inalis ko agad ang kamay nito sa balikat ko. "Wag na. Kami nalang ni Flame."
Sa bahay lang din naman nila Flame 'yon, sinabi niya sa akin kanina. Nagtaka pa nga ako ng una dahil sa pagkaka alam ko, ayaw niya ng bisita sa bahay nila pero pagdating sa akin palagi okay lang. Magulo talaga ang utak ng lalaking 'yon, mabuti na nga lang may natitira pa 'yong bait sa akin.
Naguluhan ako bigla sa naging reaksyon ni Zandrie sa sinabi ko sa kanya.
"Mag da-date kayong dalawa?" Tinawanan niya ako, at pinanood ko siyang gawin 'yon sa mismong harapan ko kahit naging nakakainsulto na para sa akin.
BINABASA MO ANG
A Second Chance For A Second Lead
Romance"Maybe this is a second chance for a second lead. A second chance for me."