7

45 4 0
                                    

Kinakabahan na ako kanina pa.

Baks, pupunta ka ba? - I texted Liam again.

Maingay ang buong paligid at halos napupuno ng mga tao rito. Ang hirap ipaliwanag para sa akin lahat ng mga nangyayari, subalit tila mas kinakabahan pa akong hindi mag reply si Liam, kaysa mag perform sa harap ng maraming tao ngayon.

Kanina pa ako naghihintay ng reply niya.

Ito ang unang beses na nangyari sa akin ang ganito, siguro dahil ito din ang pinaka malalang away naming dalawa. 'Yong iba kasi hindi naman talaga totoo, at trip-trip niya lang. Kanina pa ako kating kati na tawagan siya, pero hindi ko ba alam kung bakit kailangan ko pang pigilan ang sarili ko. Kahit nagtatampo si Liam, sana pinunta pa rin siya. Alam niya ang tungkol sa gig namin ngayon, nakaraan ko pa sinabi sa kanya at nag propromise sa akin ito na pupunta siya. Hinihintay ko nalang na tuparin nito ang pangako niya.

Kung hindi pupunta si Liam at kung hindi rin siya sigurado, sinasabi niya agad sa akin. Nag promise naman siyang pupunta, at alam kung tutuparin niya 'yon. Subalit sa ngayon hindi ko na sigurado kung tutuparin pa nito kung anong pinangako niya. Isa si Liam sa mga taong nagpapalakas sa akin sa mga ganitong sitwasyon, kaya hindi na ako magtataka kung medyo pinanghinaan ako. Matamlay ako kanina pa, at hindi maka ngiti sa ibang tao hanggang ngayon.

There seems to be something missing.

Nagtaka ako ng may bilang kumuha ng cellphone ko sa mga kamay ko. "Fucos, Heroine. Tayo na susunod dito. Mamayang ko na kunin sa akin ito," Si Kuya Sandro pala, saka nito tinago ang cellphone ko sa mismong bulsa ng Jeans niya.

Hindi sana ako papayag sa nais nito dahil gusto ko pang maka usap si Liam, bago kami magsimula pero hinarangan agad ako ni Zandrie.

"Maglagay ka nito." He put something on my lips at wala na akong nagawa para pigilan siya. A lip tint. "Ang ganda mo talaga." Sabi ni Zandrie, kaya basta nalang din niya ako napangiti.

Nakalimutan kong wala nga pala ako dapat sa mood ko.

'Di na ako nag aalala sa itsura ko, dahil inayusan na ako ng buhok ni Tita kanina. Pero pag si Zandrie talaga, hindi nito nakakalimutang kulayan ang labi ko bago kami magsimula. Saka niya 'yon gagamitin sa sariling labi niya. Tumingin ako sa ibang direksyon at napansing isa-isa nang bumababa sa stage ang mas nauna sa amin kanina.

"Tara, tayo na!" Anunsyo ni Kuya Sandro, subalit mas lalo pa akong hindi ginaganahan.

Sobrang lakas nang hiyawan ng mga tao nang mauna si Flame tumuntong ng stage, sumunod sa kanya si Zandrie, Kuya Sandro.

"Tara na." Saka si Geib.

Sinadya ko talagang magpahuli sa kanila, pero nagtaka ako nang balikan ni Zandrie. Naisip na baka may nakalimutan lang siya, ngunit tila wala naman 'ata.

"Nandito siya, hindi niya kinalimutan sinabi niya sa'yo." Sinulyapan ko ito ng tila nagtatanong ang mga mata ko sa kanya.

"Sino?" Naguguluhang tanong ko rito. Ng una hindi ko pa lubos na maisip ang taong tinutukoy niya kaya parang naguguluhan ako.

Maganda ang naging ngiti niya sa akin, bago sagutin ang tanong ko. " 'Yong kaibigan mo. Si Liam. Nakita ko siya sa baba nitong stage, alam kong siya hinihintay mo kanina pa. Tara na!" Dahil sa sinabi ni Zandrie, marami agad mga tanong na nabuo sa utak ko.

Totoo ba? Nandito talaga siya? Bakit hindi niya sinabi? Bakit hindi siya nag reply sa akin?... Saka posible bang si Liam agad ang unang makikita ni Zandrie sa dinami dami ng mga tao sa baba ng stage ngayon?

I bite my lip. Sa palagay ko nagkamali lang siya. Baka hindi talaga si Liam ang nakita niya.

Hinawakan ni Zandrie ang kamay ko, at siya mismo ang nagdala sa akin dito sa stage. Ng una naging masyadong masilaw para sa akin lahat nang nakatutung na rito.

A Second Chance For A Second Lead   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon