Hinatid din ako ni Zandrie nitong nakaraang at nakauwing sinalubong ni mama nang magka krus ang mga kamay, saka inis ang na nakatingin sa akin. My mom is desperate to get me a boyfriend, pero kapag si Zandrie lang naman din, okay na sa kanila ni papa na tumanda nalang akong mag-isa.
She also knows him, but I hate it when she thinks he knows him better than I do. Palagi rin ako nitong ipinaalalahanan na ani mo'y isang napaka masamang tao Zandrie, at walang magandang maidudulot sa buhay ko. Sinabi ni papa na lulukuhin lang din daw ako ng lalaki kapag may nakitang mas maganda, madaling maipagpapalit kung may magustuhang siyang iba sabi ni mama. I already knew all of that before they told me, but I feel sorry for my parents for still loving him.
Ako nga wala nagawa para sa sarili ko, sila pa kaya. Saka kung mayroon mang kami ni Zandrie, 'yon ay ang pagiging friends at magka banda lang namin. They have nothing to worry about because if Zandrie hurts me, I know he doesn't mean that. Wala siyang alam and and it's my choice to not tell him.
"Umuwi agad mamaya pagkatapos. Wag ng kung saan-saan nagpupunta." Bilin sa akin ni mama pagsakay ko rito ng taxi. Alam niyang rinig ko pa rin siya hanggang dito sa loob. Tumango nalang ako't kumaway, naghintay na paandarin ni kuya Driver ang makina nitong sasakyan.
I understand my parents, but they don't get me. Dati ang alam ng mga magulang ko, kaming dalawa talaga ni Zandrie at nahihiya lang akong umamin sa kanila ng tukol sa relasyon namin. Madalas kasi siyang nangungulit sa akin noon na sumali sa banda dahil maganda raw ang boses. Kuya Sandro courted me and especially Zandrie for almost a month before I decided to be part of their band. Napaka mahiyain ko kasi talagang tao kaya ilang beses akong nagdalawang isip kahit na gustong gusto ko.
Sinabi ko rin kanila mama't papa noon na 'di totoong kami Zandrie nang paulit ulit, but they chose to not believe me. Hanggang sa dumating nalang ang araw na nagsumbong ang lalaki sa akin dahil binugbog siya ni papa sa harapan nang maraming tao, in public. Sabay kasi nila mama itong nahuli na may ibang kasamang babae at talagang dikit na dikit pa sa kanya. Akala tuloy ng parents ko niluluko niya lang ako.
'Di nila alam sarili ko lang niluluko ko, umaasang one day magugustuhan din ako ni Zandrie, at magagawang magbabaguhin nito ang sarili niya para sa akin.
"Ate, nasa taas po ba sila kuya Sandro?" Nagtanong ako rito sa isang kasambahay nila kuya Sandro na una kong nakasalubong pagpasok sa mansyon nila. I know she's familiar with my face because I've been here several times.
"Nasa taas, Ne. Akyatin mo nalang." Tumango ako rito kay ate, nagpasalamat at sinunod ang sinabi niya.
Siguradong hanggang ngayon wala pa dito si Zandrie.
Pinapunta ni Kuya Sandro at buong banda rito sa bahay nila, dahil may gusto na naman sa amin itong introduce na bagong kanta. Tinawagan ko kanina si Zandrie para utusang pumunta siya, posible kasing hindi pa nito alam at baka nakalimutan niya na naman. Sa sobrang busy ng taong 'yon, hindi ko na alam kung ano-ano pa ang iba niyang pinagkakaabalahan.
Habang kausap si Zandrie sa phone, hindi nga ako nagkamali dahil nakalimutan nga talaga nito na kailangan namin magkita kita ngayon. Saktong nagising lang din siya kanina dahil sa tawag ko. Tumingin ulit ako sa baba at bumuntong hininga habang inaakyat itong hagdan. Sinabi niya sa aking bibilisan niya raw at sabay kaming pupunta rito, subalit nakaalis na rin ako sa bahay ng mga oras na 'yon.
Sabay kaming nagsimba ni nila mama't dumiretsyo na agad papunta rito, kaya binilin ko kay Zandrie na wag akong daanan sa bahay at pumunta nalang agad dito. Masyado pang bata ang lalaking 'yon pero napaka makakalimutin na. Kung may bagay man na consistent siya, 'yon 'yung magpakita at makipag-usap niya sa akin. Masyado niya akong inasanay sa presensya, nakakatakot lang na baka balang araw kailanganin niya rin akong layuan. Bagay na 'di malabong mangyari.
BINABASA MO ANG
A Second Chance For A Second Lead
Romance"Maybe this is a second chance for a second lead. A second chance for me."