Paunti unti lumalaki ang ngiti sa labi ko. Inayos ko agad ang bag ko pati na ang nakasabit na gitara sa isa ko pang balikat ng may makitang taong papalapit na ngayon dito papunta sa direksyon ko. Ngiti ko agad ang bumungad kay ate Brenda nang pagbuksan ako nito ng gate para makapag-usap kami ng maayos.
"Hi, po." Binati ko muna siya nang nakangiti pa rin.
"Oh, Hija. May kailangan ka?" Si Zandrie agad ang una naisip ko dahil sa tanong niya sa akin. Maliban kasi sa mama nitong mahaba pa ring natutulog hanggang ngayon, wala namang akong ibang magiging dahilan para pumunta rito maliban sa kanya. Saka siya talaga ang sinadya ko ngayon rito.
"Ate, nandyan po ba si Zandrie?" Tanong ko kay ate Brenda na kasambahay nila Zandrie sa halos mala palasyong bahay nila.
Medyo bata pa ito at mas bata pa siguro siya ng ilang mga taon kumpara sa parents ko kaya ate lang din ang tawag ko sa kanya. Maayos na nakatali ang buhok niya at nakasuot ng uniform nila bilang isang kasambahay rito. Kilala ako ni ate Brenda dahil kaibigan ako ni Zandrie at madalas ding nandito sa bahay nila. Hindi kami ganoon ka close at nagkakaroon lang nang sandaling pagkakataon minsan para makapag-usap, pero alam ko naman mabait siya dahil halos naging pangalawang magulang na rin ito ni Zandrie.
Nagsalita ako at hindi na nagdalawang isip na sabihin sa kanya kung anong pakay ko.
"Nadyan po kaya si Zandrie sa loob? Hindi ko pa po kasi siya nakikita simula kanina," Tanong ko habang pinipilit abutin nang tingin ang loob ng garden nila. 'Yon lang kasi ang kayang abutin ng paningin ko sa ngayon dahil nasa labas pa kami.
Sinagot ni ate Brenda ang tanong ko. "Pasensiya na Hija, hindi pa kasi nakauwi ang batang iyon galing sa school kaya wala siya rito."
Nalungkot ako bigla, napatango dahil naintindihan ko kung anong sinabi niya pero nakabawi rin naman agad dahil sa bagay na naisip ko. Baka pwede 'yon!
"Kung ganoon pwede po bang puntahan ko nalang po mama niya, saka roon nalang hintayin siya sa loob." Sa palagay ko papayag naman agad ito kaya ni hindi ko na talaga nagawang isipin pang mag aalangan din si ate Brenda dahil sa sinabi ko, pero nagawa pa rin niya.
Kung siguro ibang tao lang ako, hindi na ako magtataka kung bakit.
"A-ah H-hija ano kasi..." Mas nagtaka pa ako lalo sa paraan ng kilos lalo na pananalita niya. 'Di ko alam kung anong iisipin ko.
Ako lang naman at hindi ibang tao ang kausap ni ate Brenda, pero bakit kaya siya ganito? Parang ibang tao ito ngayon at mukhang hirap na hirap umisip kung anong tamang gagawin niya. Ayaw niya kayang nandito dahil wala si Zandrie?
Noong unang pagpunta ko palang dito noon, ng sila kuya Sandro lang ang kasama ko? Nagulat kami nang malamang kilala pala ako ng mga tao rito, at natawang wala namang kahit isa nakakakilala kay Kuya Sandro, Flame at Geib. Sa pagkakatanda ko kasi, mas nauna at mas matagal niyang naging kaibigan ang mga ito kasya sa akin, kaya paanong makikilala nila ako rito at sila hindi? Naalala ko pang nainis at nagtampo si kuya Sandro at Flame ng dahil doon.
Naging sobrang welcome ako sa lahat ng mga tao rito.
"Sandali lang muna, Heroine . Babalik lang ako sa loob pero babalikan din kita rito. May nakalimutan lang ako," Tumakbo agad ito pabalik sa loob para asikasuhin ang bagay na tingin ko nakalimutan niya.
Weird lang talaga siguro siya para sa akin dahil ngayon ko palang nakitang ganito si Ate Brenda. Ang sama pa ng tingin ko sa sarili ko dahil kamuntikan ko pa itong tawanan nang mautal siyang masalita kanina. Naghintay nalang muna ako rito, naglakad sa kaliwa't kanan ko nang pabalik balik tila hindi mapakaling babae. Sinisilip ko rin ang daan sa tuwing makakarinig ako ng mga dumadaang motor, nababakasaling baka si Zandrie pala iyon.
BINABASA MO ANG
A Second Chance For A Second Lead
Romansa"Maybe this is a second chance for a second lead. A second chance for me."