Sa daming bagay na hindi sineseryoso ni Zandrie, mas pinipili pa talaga nitong paniwalaan ang biro lang naman sa kanya.
Bigla akong napatigil sa pagkanta nang hawakan nito ang braso ko't 'di sinasadyang mabitawan ang microphone na nasa kamay ko. Nagulat ako sa ginawa ni Zandrie, pero mas nagtaka ako sa kanya kung bakit kailangan bigla niya nalang gawin iyon. May problema kaya siya? Napatanong ako sa sarili ko ngunit hindi lang din 'ata ako ang nag-iisang umiisip ng bagay na iyon dahil pati na ang iba naguguluhan na rin sa kanya.
Nasa practice kami ng pagkanta, subalit tingin ko may kung anong sumasakabal kay Zandrie ngayon. At sa palagay ko may ideya ako kung ano ang bagay na iyon.
"Drie, ano bang problema mo?" Tanong ni kuya Sandro na kanya habang nangungusap naman ang mga mata ko rito. Tila may inaalala siya.
Narinig ko ang tawa ni Flame bago pa ito magsalita.
"Nababaliw na 'ata siguro 'yan." He laughed harder after he said that. Gusto lang niya na mas lalong pikunin si Zandrie.
"Kahit ako siguro magiging ganyan din reaksyon ko kung sakaling may nagugustuhan na si Sandro." Napatingin kami lahat kay Liam nang bigla ring magsalita ito. "Bakit kayo ganyan makatingin? Atlis hindi ako in denial, may assurance feelings ko at hindi basta-basta nagbibigay ng kung anu-anong mutibo lang. 'Di katulad ng iba d'yan..." Malakas ang loob na sinabi nito na animo'y wala rito si kuya Sandro.
Si Geib lang ang nandito na hanggang ngayon hindi pa nagsasalita.
Sinilip ko kung anong magiging reaksyon ni Kuya. Nahuli ko itong tumawa at napangisi sa narinig na sinabi ni Liam. Napangiti rin ako ng dahil doon ngunit agad ring natigilan.
"Kailangan ko lang kausapin si Heroine, sandali." Nagpahila ako kay Zandrie hanggang makarating kami dito sa labas at makalayo kami sa iba.
I looked up at him, naghihintay nang mahalagang niya. Hinayaan kong binitawan ako ni Zandrie sa pag aakalang may sasabihin siya, ngunit nagpabalik balik lang itong lumakad sa mismong harap ko. He looked so bothered by something that he still didn't want to talk about.
I stop him. Mahihintay ko siya sasabihin nito pero hindi ko na makakayanang tiisin ang ginagawa niya. Nakakahilo.
"Drie, tumigil ka muna." I feel dizzy, pero bakit siya parang okay lang?
Hinintay ko munang mawala ang hilo ko.
"Is there any problem, Drie? Kailangan mo ba ng tulong?" Ako na mismo ang natanong sa kanya. Mabilis din naman agad akong naging okay.
Nakababa ang tingin sa akin ni Zandrie at mukhang nag aalangan pa rin sa bagay na sasabihin niya. Bakit kaya? Inosente akong napapaisip ng mga posibleng sabihin sa akin nito.
Kita ko sa mga mata nito ang pag-aalala kaya sinubukan kong pagaanin ang loob niya sa kaya kong paraan. "Promise, okay lang Drie. You can tell me anything." I assured him that he can tell me the truth. At kahit ano pa man ay hindi ako magagalit sa kanya.
'Yon ang mali ko dahil nagsisi agad ako na sinabi ko pa kay Zandrie iyon.
"Heroine, pwede bang iba nalang basta wag lang si Flame? He's into someone else. May iba na siyang nagugustuhan kaya please sa iba nalang. Hindi ka niya gusto Heroine. And to be honest with you, hindi rin naman kayo compatible para sa isa't isa. You're to innocent for him, so please iba nalang. Wag na siya. I don't want anyone to hurt you. Concern lang ako sa'yo." Unti-unti pahinga nang pahina ang boses ni Zandrie niya habang nagsasalita.
I stared emotionless at his face. Nakaraang araw pa iyong biro ni Liam sa kanya, at hindi ko na iyon ganoon pa naaalala dahil nalimot ko na. But he's here, trying to bring back that nonsense joke again and making himself believe that I like Flame.
BINABASA MO ANG
A Second Chance For A Second Lead
Romance"Maybe this is a second chance for a second lead. A second chance for me."