Nakasalubong namin kanina si Flame kasama ang iba pang mga kaibigan nito, kaya sumabay na siya sa amin ni Liam ngayon.
" 'Di ko na talaga kinakaya mga pinapagawa sa amin ng mga prof. Ma pa major or kahit minor! Hirap talaga kapag bobo." Inis na anas nito, halatang iritado na siya.
May kunti akong ideya sa ginawa nina Flame sa accountancy, at kahit para sa akin mahirap talaga ang mga iyon. Puro sila numbers at mga formulas na kakabisaduhin. Wala kasi talagang bagay na madali pagdating na pagdating sa college. Naka depende lahat sa capacity ng isang estudyante at halos lahat nahihirapan. Si Liam lang 'ata ang kilala kong hindi.
Nakuha lang nitong tawanan si Flame. "Sorry, we don't feel you!"
I looked at him for disbelief like a five year old child. Nakalubo ang pisngi mga dahil sa hangin, at masama siyang tinignan. Kinuntra ko ang sinabi niya kay Flame.
"Siya lang 'yon Flame, ako I feel you." Nakakahiya dahil hindi naman ganoon kataas ang grado gaya nitong kay Liam.
Dean's lister siya at scholar din ng university namin. Pare pareho man kaming scholar dito, ang malaking pinagkaiba lang naming dalawa ni Flame kay Liam ay dahil 'yon sa talino at matataas na grado niya.
Talent lang ang naging puhunan naming dalawa ni Flame, kaya nga nakakainggit sina Kuya Sandro, Geib, pati na si Zandrie. Hindi lang kasi talented ang mga taong 'yon, sadyang matatalino rin. I looked at Flame to see what happened next to him. Mukhang mas lalo siyang pinanghinaan ng loob at balak pa akong idamay.
"Alam ko naman 'yon Heroine, kaya nga hindi tayo bagay kasi pareho tayong bobo. Kaya nga kaysa sa 'yo, maghahanap nalang ako ng ibang babae na matalino." They both laughed pero itong si Flame lang nahampas ko. Palagi nalang talaga akong pinagtritripan nito, at hindi na siya nagsawa sa pang iinis niya sa akin.
"Ikaw naman kasi Baks! Wag mo nang pinagtatagol 'yan!" giit ni Liam. "Masyado kang mabait, hindi ka na naman deserve."
Gusto ko nalang maiyak, kasi hindi naman talaga totoong pinagtatagol ko si Flame. Ano lang... 'di ko rin alam.
We can't walk peacefully because of Flame. Nagsisisi na ako, at 'di nalang pala dapat namin siya sinabay ni Liam. Ang gulo-gulo nito kapag ako ang kasama, ayaw ding pa preno ng bibig niya sa pang aasar sa akin. Pati tuloy ibang tao nakikisabay na rin sa pang aasar sa aming dalawa. Hihintayin daw nila hanggang sa kami ang magkatuluyan, kahit hindi na darating pa ang araw na sinasabi nila.
Natahimik nalang ako rito sa gilid ni Liam, at siya nalang ang pinagitnaan naming dalawa para mailayo ang sarili ko rito kay Flame. Sinimangutan ko ito nang makita pa ring nakangisi, hanggang sa may taong biglang humawak sa kamay ko at nilayo sa dalawang lalaking kasama.
"Pahiramin muna nitong si Heroine." Wari ay nagmamadali si Zandrie na hila-hila ako.
'Di ko pa alam kung saan ako nito dadalhin, ngunit ang pagkakataon ko sanang magtanong sa kanya, ginamit ko nalang para sabihan ang dalawa kong kasama kanina.
"Mauna nalang kayo. Susunod kami." Iisang lugar lang din naman panigurado ang pupuntahan namin nitong si Zandrie, kaya hindi ko alam kung ano itong ginagawa niya. He's confusing me.
Nilayo lang naman ako ni Zandrie kanila Flame at hindi na dinala kung saan pa.
"May problema ba?" Bungad na tanong ko agad dito ng kami nalang dalawa.
" Ikaw magsabi Heroine. May problema ba tayo? Iniiwasan mo ba ako?"
Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa mga tanong ni Zandrie. 'Di na ako nag isip pa't nagtanong sa sarili kong bakit niya ito nasasabi. I'm just faking my curiosity.
BINABASA MO ANG
A Second Chance For A Second Lead
Romance"Maybe this is a second chance for a second lead. A second chance for me."