I wish I was special.
Mabait at parehang matalino ang dalawang taong nagpalaki sa akin. Pareho rin silang guro at kapwa kong maipagmamalaki na sila ang mga magulang ko, kahit na ang totoo inampon lang talaga nila ako. 'Di ko na inalam kung anong naging problema ni Mama saka ni Papa noon, ngunit maliit palang ako nasa kanila na ako. Silang dalawa ang taong kinalakihan ko.
Halos mapuno na 'ata ang buong bahay ng awards, certificates, medals pati na ibang pang mga achievements nila mama't papa, pero mas mahalaga pa rin para sa parents ko ang certificate na nakuha ko noong grade 4 palang as being most behave student. Nahihiya pa nga ako dati na pina frame pa nila 'yon at dinisplay sa mismong loob ng bahay, but then I realized that they just really proud of me. Maski sa kahit anong bagay napaka supportive at ganoon na talaga sila lalo na't pagdating na pagdating sa akin. Every day, my parents always make me realize how proud they are and how happy they are that they have me in their life, but I was thinking that I didn't deserve that.
Sana kasi naging matalino nalang ako.
My parents never gave me a lot of pressure or even expectation, but those people who surround us have a lot to say about me. Anak ako ng teacher kaya dapat matalino ako. Anak ko ng teacher kaya dapat honor student ako, at dapat maging tulad din nila ako. Kahit kailan hindi naman hinihiling ng mga magulang ko na higitan ko sila, 'di rin nila hiniling na maging matalino ako, pero ako gusto ko. Gusto kong maging tulad nalang nila, and I don't care about my gifted talent. What I wanted was to prove something unexpected.
"Anong kinuha mong course sa college, Avril?" Bigla akong natanong ni Tita. Kamag anak ng Papa ko.
"H-HM po." Sa totoo lang nahihiya akong sabihin, medyo nagdadalawang isip dahil alam kong may maririnig na naman ako sa kanya, pati na sa iba pa nitong mga kasama na hindi maganda.
Nag celebrate kasi kami ng birthday ni Papa, kaya nandito silang lahat ngayon.
"HM? Diba basic lang ang ganoon?"
"Dapat ibang course nalang kinuha mo Hija."
"Bakit hindi ka nag teacher gaya ng mga magulang ko? Oh, kahit ano basta wag lang 'yong ganoon,"
Bigla pang may humawak sa balikat ko. "Alam mo Avril, kapag ganyan course mo, parang nagsasayang ka lang ng panahon at pera."
Based on their reactions, I think that was unexpected for them.
Sinubukan kong ngumiti sa kabila ng lahat nang sinabi nila. Gustuhin ko mang umalis nalang sana, iwan sila pero baka mamaya makarating na naman kanila mama na binabastos ko ang mga 'yan at ako pa ang mag mukhang masama. Kapag ganito hindi ako nagsasabi sa mga parents ko. Malamang papatulan 'yan Mama at magkakaroon lang ng gulo rito.
BINABASA MO ANG
A Second Chance For A Second Lead
Romance"Maybe this is a second chance for a second lead. A second chance for me."