1

110 6 0
                                    

Hindi ko rin alam kung bakit nagustuhan ko pa Zandrie.

He's a womanizer, and I don't have anything to deal with that. I sarcastically laugh at myself, tinakpan ang mukha ng buong kamay ko dahil sa nasabi. Mahirap pagkatiwalaan ang mga taong tulad niya, nakakatanga lang ang mga gaya nila, but still, I'm here, dealing with Zandrie.

Kaya pa naman siguro. I can still face him and bear any amount of suffering. Manbabae lang naman siya, hahalikan ng iba at makikipag sex sa kanila. Ganoon naman talaga si Zandrie noon pa kahit hindi kami magkakilala. Ginagawa nitong parang pagpapalit ng damit ang pambabae niya.

Mag iisang taon palang naman ko nagtitiis sa bagay na 'yon. Iba nga d'yan mas matagal pa. At kung sasabihin ko naman ang feelings ko para kay Zandrie, tingin ko naman wala akong ibang mapapala. Baka nga idagdag niya lang ako sa mga collection ng mga babae niya, at hindi ko naman gugustuhin na mangyari pa iyon. Pinalaki ako nang punong puno nang pagmamahal ng mga magulang ko kahit na adopted lang ako, hindi para maging laruan lang ng kahit sino. Kahit na si Zandrie pa siya.

Perhaps my deepest feelings for him shouldn't be known forever. Pero pwedeng hindi rin naman.

"Teh, alin mas maganda sa akin?" Tukoy ni Donna sa dalawang liptint na nasa magkabilaang kamay nito. Nilingon ko pa siya dahil nasa likuran ko ito't 'di pa akong tapos daldalin nitong si Liam sa bagong series na pinapanood niya.

Tinignan ko muna ito, nag-iisip kung alin sa dalawa ang bagay sa kanya pero sumingit na agad si Liam. "Bhe, wag mo tanungin ang baklang Heroine. Color blind 'yan,"

Natawa silang pareho sa pang-aasar sa akin nitong si Bakla, kaya kunwari nalang madali akong nitong napikon. Hindi naman ako color blind kaya paano niya ba nasabi 'yon?

"Dali na Teh, alin ba rito?" Pinapapili ulit ako ni Donna, subalit nagtaka agad ako sa dalawang pinapapili niya sa akin. Magkaiba ba 'yan?

"Parehas lang naman red, ha?" Sabi ko, nagulat nalang sa biglang batok sa akin nitong si Liam. Nagtaka ako't nasaktan dahil sa ginawa nito sa akin, kaya tinginan ko siya. Nagtatanong kung bakit niya kailangan gawin pa iyon.

"See? Color blind itong si Bakla! Wala na 'yang ibang kulay na nakikita maliban sa red. Kulay pink at maroon 'yan Heroine!" Kahit hindi ko gustong maniwala, tinawanan ko nalang si Balak dahil sa gigil sa akin nito. "Mag maroon ka nalang Bhe, try mo." Siya nalang ang nag suggest dito kay Donna.

Bago umalis si Donna para lumabas kasama ng ibang mga kaibigan niyang kapwa ka block mates namin, nagpasalamat muna siya sa aming dalawa nitong si Liam. Hindi ko rin alam kung bakit niya pa nasabi sa aking bagay kaming dalawa ni Flame, palagi lang naman akong inaasar n'yon. Nailang lang ako't wala ng nasabi sa kanyang iba.

Mas gusto ko pa nga ugali ni Geib, kumpara naman kay Flame. Masungit pero tahimik lang, kaya nga siguro sa banda namin siya talaga ang pinaka nahihirapan akong kausapin at lapitan. Parehas kasi kaming dalawa nito na medyo may pagkamahiyain. Sa kanilang apat si Zandrie at si kuya Sandro ang talagang pinaka kasundo ko.

"Bakla, parang nakita ko 'atang dumain dito si Zandrie at 'yong Luna." Nilingon ko lang saglit si Liam dala itong mga pagkain naming dalawa't hinanap rin kung saan niya nakita si Zandrie.

"Talaga, saan?" Tanong ko. Vacant namin kaya nasa canteen kami ngayon at sabay na manananghalian. Ako na rin itong pina bitbit niya ng pagkain naming dalawa.

"Doon, pero wala na. Napadaan lang 'ata. Magkasama na naman silang dalawa ng jowa niya." Pinagdiinan sa akin nito ang salitang magkasama at jowa.

Naging baliwa lang din naman sa akin iyon dahil alam kung gusto lang ulit mang-aasar at pagselosin ako nitong si Liam. Iwan ko rin ba kung bakit niya nalang palagi ginagawang big deal na magkasama si Zandrie at Luna, samantalang para sa akin, wala lang naman ang bagay na iyon. Normal lang 'yon para sa mga magkasintahan na gaya nila.

A Second Chance For A Second Lead   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon