Inalis din naman agad nito ang kamay niyang nakapatong sa akin.
"Sorry nagulat 'ata kita. I didn't mean it." Nang tuminga ako't lingunin kung sino ang taong iyon, nalaman kong si Geib lang pala kaya hindi na rin ako nabahala.
Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Okay lang, Geib. Hindi ka naman ibang tao sa akin," Ani ko rito. Wala lang naman sa akin iyon. Nagulat lang talaga ako sa ginawa niya at inakalang kung sino.
"Anong ginagawa mo pala rito? Bakit hindi ka pa umuuwi sa inyo?" Sa tanong ni Geib sa akin, si Zandrie agad ang naalala ko.
Pinagmasdan ko siya nang tabihan niya ako, subalit umiba rin ng lugar tingin ko. Basta nalang akong natulala kung saan.
"Hinihintay ko pa si Zandrie. Sabi niya kasi kanina sabay raw kaming uuwi dalawa," Nakatulalang tugon ko kay Geib, nakatitig sa iisang direksyon na may napakalalim na iniisip.
Nakakapagtaka nga na hanggang ngayon wala pa rin siya rito para hintayin ako, samantalang palagi pa siyang mas nauuna kaysa sa amin. Mas lumalakas tuloy ang kutob na kasama pa rin niya si Luna hanggang ngayon at napapaisip na rin ako kung anong ginagawa nila nang magkasama. Naiinis na nga ako dahil kung ano-ano nalang ang mga bagay pumapasok sa isip ko. Mga bagay na hindi ko naman gusto kaya pakiramdam ko mas lalo lang akong nalulungkot. Imposible namang makalimutan nalang ako ni Zandrie basta diba?
Kakasilip ko lang din ng phone ko pero wala pa rin talaga itong message na nanggaling sa kanya, kahit pa nagtanong na ako kung nasaan siya ngayon. Gusto kong malaman kung anong mga pwedeng ginagawa niya sa mga oras na ito kaya marahil mas napapaisip nalang din ako. Baka lang din iyon at hindi na nakapag check pa ng phone niya.
Balak kung hintayin nalang si Zandrie, pero ayaw ko namang mag isa lang akong naghihintay rito. Wala na rin si Liam dahil nauna siyang umuwi kaysa sa akin kanina pa.
"Wala pa si Zandrie dito. Okay lang ba na samahan muna kita?" Napangiti agad ako nang sabihin iyon ni Geib at sa isip ko lang ako nagpasalamat sa kanya. Alam ko kasi sa sarili ko na hindi niya rin talaga ako gustong makasama, at mukhang nasaba lang nito ang iniisipan ko kaya nanatili siya.
Pagdating kasi sa akin biglang nagiging mahiyain palagi si Geib. Marahil hindi lang din siya kumportableng nakakasama ako dahil isa akong babae, subalit ngayon masaya akong kasama ko siya ng kaming dalawa lang. Never ko kasing na imagine mangyayari ito.
Ang tahimik pa rin talaga niya at hindi rin naman ako nagsasalita. Medyo naging awkward ang dating para sa akin ng ganito kaya umisip ako ng bagay na pwede naming pag-usapan dalawa. About nalang sa pagkain siguro.
"Geib kumain ka na?" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at nakita ko rin ang ngiti niya ng hindi sinasadyang magkasabay kaming dalawa.
Natawa kami nang pareho ang naging tanong sa isa't isa.
"Ako, hindi pa. Pero ikaw, kumain ka na ba?" Mas nauna kong sagutin ang tanong na iyon.
"Hindi pa rin," Tugon niya naman sa akin.
Naalala ko agad na may mga pagkain dito sa loob ng bag ko.
"Meron akong mga biskwit dito sa bag. Wait lang," Nilinis ko loob nito kanina kaya hindi ako na ako nahihiyang ipakita sa kanya ang laman ng bag ko. "Kuha ka, kahit anong gusto mo okay." I put my bag on my own lap.
Maraming lamang pagkain palagi ang loob ng bag ko kaya kahit nag-abot na ako kay Geib ng biskwit, makakapili pa rin siya ng kahit alin dito. May isa ring pala malaking chichiryang binili kahapon tapos hindi naman kinain. Hindi ko maalala kung paano ito napunta sa loob ng bag ko. Sa pagkakatanda ko kasi nakapatong ito sa study table ko at nasa loob ng kwarto.
BINABASA MO ANG
A Second Chance For A Second Lead
Romance"Maybe this is a second chance for a second lead. A second chance for me."