23

36 3 0
                                    

He held and touched my hands, but he didn't feel anything. He looked into my eyes and then saw nothing. I know that he cares, but why did he never try to listen?. Kaya ko at kakayanin ko pa. Mas kailangan ko ng tiwala kaysa awa niya.

Unti-unti nagbaba ako ng tingin sa sobrang pagkadismaya, saka palang pinulot ang love letter na nakita't hinayaan kong malaglag sa kamay kanina. Itinabi muna iyon sa kung saang gilid.

Marahil nag-aalala lamang sa akin si Zandrie bilang isang kaibigan, ngunit ganoon lang ba talaga niya ako tignan? Sa ganoong paraan lang ba ako nito nakikita? Tingin ba talaga niya isa lang akong mahina? Nakatihaya kong binagsak ang sarili ko rito sa kama. Wala naman si Zandrie dito ngayon pero palagi ko pa ring nilalagay ang sarili ko sa sitwasyon kung saan nandoon siya. Siya nalang at wala na akong iba pang inisip.

Labis lang din siguro akong inaalala niyong tao dahil sa lahat ng mga nangyayari sa akin, pati na rin sa lahat ng mga kaganapan sa buhay ko subalit nagawa ko pa itong pag-isipan nang masama. Mabilis akong bumaba ng hagdan, suot ang long sleeve para sa pang itaas at panjamang pantulog naman para sa pang ibaba. Hindi na rin ako nag abalang tignan kung gaano kaayos at kagulo tignan ang sarili ko sa salamin.

Bahala na. Aalis nalang siguro akong ganito, at susubukang bawasan ang mga alalahanin ko sa paglilibang.

Nagpaalam agad ako kay tita Grace pagbaba ko rito. Nagulat ko pa 'ata ito ng hindi sinasadya dahil basta nalang akong sumulpot sa tabi niya.

"Ta, labas lang po ako," Inosenteng sinabi ko kay Tita habang nakatingin sa isang kamay nitong nakahawak sa dibdib niya.

Naghintay ako nang sasabihin nito. Kay tita na ako nag paalam dahil natutulog ngayon si tito Bobbie sa kwarto nilang dalawa. Si mama, kakaalis lang kani-kanina at hindi na nag paalam sa akin kung saan pupunta dahil inakala siguro nitong natutulog na naman. May bagay lang siguro na kinailangan asikasuhin.

"Saan ka pupunta Avril? Tanghaling tapat aalis ka, nakapakainit pa naman sobra sa mga oras na ito ngayon sa labas." Usisa sa akin ni Tita Grace, pero wala pa naman akong lugar na naiisip pang pupuntahan.

Napakamot ako nang kunti sa aking ulo. "Magdadala nalang po ako siguro ako ng payong, ta. Saka hindi ko pa alam kasi alam kung saan ako pupunta pero baka d'yan-d'yan lang din." Kung saan nalang siguro ako dadalhin ng sarili ko subalit hindi na ako gaanong lalayo. "Balik nalang po ako agad. Dadalhin ko nalang po itong phone ko. Baka may gusto kang ipabili tita?"

Wala rin talaga akong ideya kung saan pupunta lalo pa't hindi ko naman kabisado ang lugar dito. Ayaw ko kasi talagang masyadong lumalabas ng bahay ngunit iba ngayong araw.

"Ay, sige, pasuyo na ako Avril. Baka mamaya may makasalubong kang nagtitinda ng penya, ibili mo naman ako. Ilang araw ko na rin kasing gusto iyon, iwan ko ba kung bakit hindi ko mabili-bili."

"Sige po, ta. Wala namang problema." Inabutan din ako ni tita Nora para doon sa ipinapabili niya.

Sinuklay ko ang buhok gamit ang kamay lang, sinabit iyon sa gilid ng tainga. Saktong kakabukas ko palang ng pinto at palabas palang sana rito nang biglang maghabol sa akin si Mint.

"Ate, sama ako!" Agad itong hinuli ng mama niya upang pigilan.

"Mint, hindi! Matulog ka para lumaki ka't hindi magaya sa Ate Avril mo. Hindi na tumangkad!" Suway niya sa mismong anak.

Binaliwala ko nalang kung anong narinig kong sinabi ni tita Nora at hindi na iyon dinamdam pa, pero si Mint? Halos nagdalawang isip ako kung aalis pa dahil naghahabol siya.

"Ate sama ako!" Nagwawala na ito ngayon kaya mas pinagmamadali na ako ni tita.

"Avril lumabas ka na!" Utos sa akin ng ina ng bata.

A Second Chance For A Second Lead   Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon