CHAPTER 19
RAPHAEL'S P.O.V"Tang ina." Malakas kong sinipa 'yung upuan sa harapan ko dahil sa inis. Napatingin tuloy sa akin ang iba. "Bullshit talaga!"
"Raph.. Kalma." Kagami said. Paano akong kakalma kung alam kong isa sa amin ang pumapatay? "Hindi makakatulong 'yan sa atin para malaman kung sinong pumatay sa mga kaklase natin."
"Alam ko," napatingin ako sa kaniya, "pero huwag naman sana natin hintayin na maubos niya tayo bago pa natin malaman." Dahan-dahang lumapit sa akin si Alexa at hinagod-hagod ang likod ko para pakalmahin.
Few hours had past, naging kalmado na ako dahil na rin sa tulong ni Alexa.
Gusto ko nang makaalis sa lugar na 'to. Ayoko pang mamatay. Hindi ko alam kung sinong pagkakatiwalaan sa hindi. Putsa namang buhay 'to.
"Malapit na natin siyang mahuli. Kaunting panahon nalang." Alexa said while having a smile in her face. It's weird. Baliw ba 'to?
"Paano ka naman nakakasiguro sa sinasabi mo?" I asked her.
Lumunok pa ng laway bago nagsalita. "You'll see."
"Ewan ko sayo. Nababaliw ka na rin ata."
Agad na sumulpot si Sofia sa harapan naming dalawa ni Alexa. "Oh, natigil kayo?"
"DUMATING KA E." I said in a normal tone kahit naiinis din ako sa kaartehan ng babaeng 'to.. minsan.
"What?"
"What-what mo mukha mo." Pareho kaming natawa ni Alexa.
"You're so rude naman." Kumento niya.
Pagkalipas lang ng ilang saglit nagpaalam na rin si Alexa para puntahan si Kagami at may pag-uusapan daw silang mahalagang bagay. Ewan ko. Ayaw sabihin kanina, e. Nababaliw na rin ata dahil sa mga kaklase naming pinatay.
"Ang lalim ng usapan niyo kanina kaya nagpunta ko rito." She said.
I sigh.
"Pumunta ka for what? Marites ka rin, e." Biro ko. Pareho lang kaming natawang dalawa. Busy rin 'yung iba sa kani-kanilang ginagawa.
"Bakit iba ata mood mo ngayon? May moodswing ka ba?"
Umiling ako. "As if babae ako? Gago ka ba?"
"Chill. Chill ka lang. Ang init naman ng ulo mo." Sabi niya.Tumawa nalang ako. Kahit na nakakainis at ganito kami minsan mag-usap ng babaeng 'to, isa rin siya sa nagpapagaan ng loob ko.
"Ano bang pinag-uusapan niyo kanina?" She asked me. Seryoso akong tumingin sa kaniya. "Ganiyan na naman mukha mo."
"Ang dami mo kasing tanong." Pambabara ko. "Tungkol lang sa malalaman na raw 'yung killer na sinasabi ni Alexa. Hindi ko maintindihan kanina. Nababaliw na rin ata gaya mo."
"Hoy!" Bigla niya akong hinampas sa braso kaya napaimpit ako sa sakit. "Ang gago mo talaga. Kahapon di ka naman ganiyan ka-hyper. Anong nakain mo?"
"Wala."
"Buset ka. Haha!"
Tawa lang kami nang tawa nang biglang dumating si Jane at Nica na parehong nakatingin sa aming dalawa.
"Kanina pa kayo rito?" Jane asked me.
"Ilang oras na rin. Bakit?" Sagot ko.
Naka-cross arm pa silang dalawa sa isa't-isa na parang walang nangyayaring kababalaghan dito sa Isla.
BINABASA MO ANG
WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)
HorrorI am warning you. Do not take this as a joke or a prank. This is a reality that we must know. Do not Enroll in a School that is full of mysteries that will hunt and tear you apart. That is only if you do not want to ruin your life. I am begging you...