Chapter 11: Farewell, Again

1.4K 23 0
                                    



CHAPTER 11
KAGAMI'S P.O.V

     Kinabukasan, sama-sama kaming naghukay sa libingan ni Kyle at Albania. Halos maiyak ako ng makita kong naaapektuhan mga kaibigan ko.

     Buti nalang may nakita kami kaninang pala habang nag-iikot kami. 'Yon nalang ang ginamit namin sa paghuhukay. Sila Radge at Mark na ang nagkusang maghukay habang sila Joshua at Felix ang nag-aalis ng mga natitirang buhangin.

     Kaming natitira naman ay walang magawa kundi bumuhos ang mga luha. Buti nakayanan nila Shane at Felix na balutin ng lumang tela ang mga katawan nila. Pumitas nalang kami kahit saan ng iba't-ibang mga bulaklak.

     "Okay na kaya 'yan, Mark?" Tanong ko. Tumingin ako sa hinuhukay nila. Lagpas ulo na nila.

     Napatingin ito sa akin. "Konti pa. Para hindi umamoy."

     Muli silang naghukay at pagkalipas ng ilang minuto, huminto sila.

     "Okay na. Ilagay niyo 'yan." Sabi ni Mark habang nagpupunas ng pawis. "Dahan-dahanin niyo."

     "Balikan nalang natin sila kapag nakaalis na tayo rito. The deserve a proper burial." Sabi ni Radge. "Aalis tayo dito ng sama-sama."

    Hindi ko maiwasang maiyak. Kitang-kita ko sila Sofia na naaapektuhan dahil sa mga nangyayari.

     Kung mayroon lang sana akong pwede gawin, natulungan ko sana sila. Hindi sana nangyari ito.

     "Si Albania muna. Isunod niyo si Kyle sa kabila." Sabi ni Radge.

     Nanghihina 'yung tuhod ko. Hindi ako makagalaw ng maayos.

     "Sorry, Kyle. Sorry, Albania." Bulong ko habang nakatingin sa bangkay nila. "Hindi ko kayo nailigtas."

     Unti-unting tumulo mga luha ko.

     "Sisiguraduhin namin na justice will be served sa inyong dalawa ni Kyle at sa iba pa nating kaklaseng namatay." Sabi ko.

     Dahan-dahan na nilang inilalagay si Albania sa huling hantungan niya. Sumunod si Kyle. Tinabunan na ulit nila Radge at Mark ang dalawa pagkatapos namin ihagis ang mga pinitas naming bulaklak.

     Pare-pareho kaming wala pang mga tulog dahil sa nangyari kahapon. Hindi na kami makatulog dahil baka kami naman ang sunod na patayin. Hanggat hindi namin alam kung sinong pumapatay, hindi kami pwedeng maging kampante.

     Bago kami bumalik sa Café na pinag-i-stay-han namin, nagtulos muna kami ng Krus sa puntod nila at nagdasal.

     "Kailangan natin mag-ingat." Sabi ko kay Mark habang nakatingin sa mga kaibigan kong isa-isang dumadating. "Malaki ang chance na isa sa atin ang pumapatay, Mark."

     "Iyan din naiisip ko. Walang katao-tao sa Islang ito noong dumating tayo. Walang kahit isang senyales o mark na may ibang tao dito maliban sa atin." Pagsang-ayon niya.

     "Pero, What if nagtatago lang siya? Bumabalik siya kapag alam niyang magkakasama tayo o may isa sa atin ang mag-isa? Paano kung sa mga oras na 'yon, duon siya pumapatay." Sabi ko.

     Umiling ito. Parang may iba pa siyang naiisip sa mga sinabi ko.

     "Malabo. Alam kong magaling bumaril ang Killer. Magaling din siyang magtago ng real identity niya. Someone is pretending and I don't know who is it." Sabi nito.

     Napatingin kami kay Sofia. Kanina pa pala nakatingin sa amin habang nakikinig. "Ang tanong.. Sino sa atin?" Pinunasan nito ang mga luha niya. "Sinong nagpapanggap sa atin." Seryoso ang mukha niya.

WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon