CHAPTER 17
ALEXA'S P.O.VNaghiyawan kaming lahat ng tuluyang mahalikan ni Meagan si Radge sa pisngi niya. Kulang nalang maging kamatis siya dahil sa pulang-pula niyang pisngi dahil sa kilig.
"Yieeee! Ship! Ship! Ship!" Biro ni Nica habang pumapalakpak pa.
"Bagay kayong dalawa. Literal!" Natatawa rin si Davis habang tinutukso ang dalawa.
"Ship! Ship! Ship!" Kantiyaw ni Jupiter. "Bakit kasi hindi naging kayo? Bagay naman kayong dalawa, a."
"As if magugustuhan ako ni Meagan."
"Bakit? Sinubukan mo ba?"
Muli na naman kaming naghiyawan. Para kaming mga bata. Parang walang problemang hinaharap.
"Nagbibigay na nang motibo, Bro. Chance mo na." Siniko-siko ni Davis si Radge. Hindi ko tuloy maiwasang matawa at kiligin sa kanila. "Kung ako sayo liligawan ko na 'yan."
"Gago. Speed mo talaga, Bro."
Kinuha ko na 'yung bote at pinaikot ulit. Huminto kay Jupiter. "Truth or Dare?" I asked, intensely.
"Truth nalang muna. Tinatamad pa ako magdare." Kinuha niya na ang bote at hinintay kung sinong magtatanong sa kaniya.
"Okay, ako—"
"Nasaan 'yung kiss ko?" Putol niya kay Meagan. "Makakalimutin ka yata."
"Oo nga, 'no? Kiss. Wala.. kiss!" Sabi ko kaya nagkaroon na naman ng sigawan at pinagsi-ship na naman silang dalawa ng mga kaklase ko.
Kung tutuusin, bagay naman talaga silang dalawa. Sadiyang hindi lang talaga nila gusto ang isa't-isa.
"Asaan na? Tagal. Bagal."
After a few seconds.. Meagan kissed Radge without hesitation. Umalingawgaw na naman ang hiyawan naming lahat.
"Back tayo kay Jupiter." Tumingin ako sa kaniya. "You chose Truth." Mas lalo ko pa siyang tinitigan. "Have you ever cheated?" I asked, intensely.
"Like.. what?" Paninigurado niya.
"Like cheated to your partner, i guess?" Lahat na nang mata sa kaniya nakatingin. Maging si Radge at Davis ay hindi rin nagpatinag.
"Why would do that? Ni hindi pa nga ako nagkakaboyfriend ever since. So, the answer to your question is no."
"Okay. Who's next?"
Tumingin si Meagan may Nica. "Ikaw na magpaikot ng bote tutal ikaw na rin ang may hawak." And then, Nica started to roll the bottle. Huminto ito sa tapat ko.
I smirked. "Sino nang magtatanong?"
"Truth or Dare?" Meagan asked.
"Dare." I answered.
"Lapitan mo 'yung gusto mong makasamang ligtas dito sa Isla. Sa ating kima lang, ha? Be true to yourself, Alexa." Tumingin ako kay Nica.
"Fine. Iyon lang pala, e."
Tatayo na sana ako para lapitan si Nica pero bigla siyang nagsalita.
"Wait lang pala," sabi niya. "Mas maganda siguro na sagutin mo rin kung bakit mo siya pinili."
Nilapitan ko na si Nica at niyakap siya ng mahigpit. "Thank you." Saka ako kumalas.
BINABASA MO ANG
WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)
KorkuI am warning you. Do not take this as a joke or a prank. This is a reality that we must know. Do not Enroll in a School that is full of mysteries that will hunt and tear you apart. That is only if you do not want to ruin your life. I am begging you...