CHAPTER 8
KYLE'S P.O.VKung may dalawang bagay man akong dapat ipagpasalamat sa ngayon ay 'yung hindi pa ako pinapatay ng kung sinong Killer. May panahon pa ako para malaman kung sino ba sa amin ang pumapatay.
Tang ina.
Palakas ng palakas ang ulan at halos wala na akong makita. Basang-basa na rin ako ng ulan.
Hindi ko na alam kung saan ba talaga ko papunta. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa buong Isla, pero hindi ko pa rin mahanap si Albania. Wala na akong pakialam kahit mabasa pa ako ng ulan. Ang importante mahanap ko kaklase ko.
Kanina oa ako tawag ng tawag sa kaniya wala naman sumasagot. Sa totoo lang, kahit nilalamig ako dala ng ulan, kinakabahan at natatakot ako. Hindi pa ako natatakot ng ganito. Buhay na namin ang isa-sang kinukuha.
"Albania! Nasaan ka ba!?" Sigaw ko. Umaasa ako na baka marinig niya.
Walang sumasagot.
Sa muli kong pagtawag duon ako may narinig na pamilyar na boses. Noong una hindi pa malinaw dahil sa lakas ng ulan.
"Albania!" Sigaw ko ulit. "Nasaan ka ba!?"
Nakarinig ulit ako ng boses. Sa pagkakataon na 'yon, ibang boses ang narinig ko at humihingi siya ng tulong. Hindi galing kay Albania.
"Tulong! Kyle nandito ko! Help me, please!" Rinig kong sigaw niya. Alam kong malapit nalang kami sa isa't-isa dahil rinig na rinig ko na ang boses nito.
Duon ko siya nakitang hinang-hina na at ano mang oras tutumba na siya.
"Tulungan mo ko. Bilis!" Sabi nito. Kinuha ko ang kamay niya at inakbay sa leeg ko.
"Ano ba kasing nangyari sayo? Bakit bigla kang nawala kanina?" Sunud-sunod kong tanong. Pabalik na kami sa Café kung nasaan sila Kagami. "Nakita mo ba si Albania?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad.
"Gusto kitang tulungan sa paghahanap sa kaniya." Sabi niya. Hinang-hina pa rin. "Sinundan kita kanina, pero bigla kang nawala."
"E, Bakit?" Naguguluhan kong tanong. May napapansin ako, pero hindi iyon ang importante sa ngayon. "Ano bang nangyari?"
"Hinabol din ako kanina ng Killer habang naghahanap kay Albania. Hindi ko mamukhaan dahil sa lakas ng ulan. Buti nalang nakatakas ako." Sabi niya. I felt something weird sa mga sagot at tono ng pananalita niya.
Dumidilim na rin pala kaya mas nagiging delikado na.
"Nakita mo ba siya?" Tanong ko.
Umiling lang ito. "Hindi."
Akmang liliko na kami, pero pinigilan niya ako at sa ibang direksiyon kami dumaan. Pareho na kaming basang-basa. "H'wag diyan."
"Bakit?"
"Diyan nagdaan 'yung killer kanina." Sagot niya.
"Dito? Patay! Baka puntahan niya sila Kagami." Sabi ko. Nangangawit na rin 'yung leeg ko dahil sa bigat niya.
"Kung sakaling puntahan man sila ng Killer, makakalaban mga 'yon. Nandun pa sila Radge, di ba?"
Mas marami silang nandon Compare sa amin kaya mas may laban sila. Kailangan din namin makahanap ng masisilungan pansamantala dahil sa kalagayan niya. May mga dugo pang lumalabas sa tagiliran kaya kailangan muna naming magtila ng ulan.
BINABASA MO ANG
WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)
HorrorI am warning you. Do not take this as a joke or a prank. This is a reality that we must know. Do not Enroll in a School that is full of mysteries that will hunt and tear you apart. That is only if you do not want to ruin your life. I am begging you...