CHAPTER 10
KAGAMI'S P.O.VTwo? Three? Four hours? Argh! Hindi ko na mabilang kung ilang oras na ba kaming paukot-ikot sa buong Isla hindi pa rin namin mahanap 'yung dalawa. Si Kyle naman hindi namin alam kung saan na ba nakarating dahil hanggang ngayon wala pa rin.
Naghiwa-hiwalay na kami kahit nakakatakot dahil baka patayin kami ng Killer. Ilan na nga lang kaming magkakasama ngunit hindi pa rin namin malaman kung sinong pumapatay sa mga kaklase namin.
Kanina ko pa rin napapansin na wala kaming ibang nakikitang tao kung hindi kami-kami lang. Nasaan na ba mga 'yon?
"Kyle! Albania! Nasaan ba kayo?" Sigaw naming dalawa ni Shane habang iniikot pa rin ang Isla. Ilang establishments na napasok namin. Parang isang Resort Island ang dating nitong lugar, pero walang katao-tao.
Private property ata kaya pwedeng hindi buksan sa public anytime.
Kasama namin si Mark sa paghahanap. Inabot na rin kami ng gabi. Napansin ko siyang naiinis habang naghahanap. "Nasaan ba kasi sila? Baka umuwi naman na 'yung mga iyon."
Napatingin ako kay Sofia. "Gaga! Do you think makakaalis 'yon ng ganon kabilis sa unfamiliar place na 'to? Saka isa pa, wala tayong kanit anong boat na nakita kanina. Imposible naman na lumangoy mga 'yon." Halata ang pagod sa mukha niya. Actually, lahat kami pagod na. Halos matuyo na nga rin 'yung suot kong damit.
"Ituloy nalang natin 'yung paghahanap bukas. Masyado ng gabi at mas mapapahamak tayo kapag pinagpatuloy pa natin." Sabi ko. Hindi ko rin kasi alam kung kaya pa ba ng katawan ko dahil sa pagod.
"Si Mark kasi ang dami pang reklamo. De ware maghanap nalang edi sana kanina pa tayo tapos." Sabat ni Sofia. Halatang naiinis.
Napansin ko si Mark na hindi nalang pinapansin mga sinasabi ni Sofia. Sanay na kami sa bibig niya. Wala ng bago ron. "It's not like that, Sofia. Hindi nga natin alam kung saan ba talaga nagpunta mga 'yon. In fact, gabi ma. Mas delikado."
"E, baka naman kasi nagloving-loving? Pwede." Biro ni Sofia. Pareho kaming natawa, pero hindi 'yon sapat para hindi ako mag-alala sa mga kasama namin. "Hayaan nalang muna natin sila magmoment. You know baka— tsk! Ewan ko. Ambot."
"Ewan ko sayo Sofia." Natatawang sabi ni Shane. "Baka gumagawa na nang something ng hindi natin alam. May relasyon ba 'yung dalawa?" Tanong niya.
Nagkibit-balikat lang ako habang nakikinig sa kanila. Nilapitan ko lang si Mark.
"I think. May rumored sa kanila last few months, 'di ba? Baka nasa dating stage pa lang." Sabi ni Sofia habang natatawa sa pinagsasa-sabi niya.
"Ang speed naman. Ngayon pa talaga, ha." Biro naman ni Shane at natawa.
"Halos malibot na natin buong Isla. Hindi talaga natin sila makita." Sabi ko kay Mark.
"Hindi ko alam. Nakakapagod." Sabi niya at umupo sa tabi ko.
"Hindi ba madumi diyan?" Tanong ko. Tinitingnan ko inuupuan niya.
"Hindi naman." He said.
Sandali akong nagpahinga. Kaganda pagmasdan ng mga alon. Kay ganda rin pakinggan. Nakakarelax. Nakakawala ng stress sa maghapon. Palaisipan pa rin sa akin kung paano kami makakaalis dito. Kung paano kami mabubuhay. Wala kaming pare-parehong dalang damit, pagkain, o kahit mga personal kit lang, wala kahit isa. Isa pa 'yung nagpapa-stress sa akin ay walang ibang tao dito sa Isla kung hindi kami lang. Wala ring mga bangka para masakyan sana.
BINABASA MO ANG
WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)
HorrorI am warning you. Do not take this as a joke or a prank. This is a reality that we must know. Do not Enroll in a School that is full of mysteries that will hunt and tear you apart. That is only if you do not want to ruin your life. I am begging you...