Chapter 13: It's Better To Be Quite

1.1K 20 0
                                    



CHAPTER 13
JOSHUA'S P.O.V

     Hindi ko alam kung nasaan ba kami. Hindi ako makalaban dahil sa tuwing papalag ako ay kaliwat-kanang suntok ang natatanggap ko sa kaniya. Mas lalo akong nanghihina dahil sa sikmura niya ako sinusuntok.

     Tang ina. Namimilipit ako sa sakit. Nahihirapan din akong huminga.

     "Bitawan mo ko! Bakit ba hindi ka makaintindi, ha? Hindi nga kita mahal!" Sigaw ko sa kaniya. Isang suntok na naman ang ibinigay niya sa akin bago ako ipa-upo. "Hayop ka talaga!"

     "Bakit ba ayaw mo sa'kin, ha?" Tanong niya. Tiningnan niya ako sa mata. "Panget ba ako?"

     "OO! Kasing panget ng ugali mo." Bulyaw ko. Namanhid ang kaliwang pisngi ko dahil sa lakas ng sampal niya. "Ahh."

     "Masakit?" Tanong niya. Kabilang pisngi ko naman ang sinunod niya.

     Halos mamanhid ako sa lakas ng sampal niya. Hindi ako makapaniwalang ganon siya kalakas.

     "May girlfriend na 'ko!" Sigaw ko ulit. Nakatali ang dalawang kamay at paa ko. Kahit anong gawin kong paraan para makatakas ay hindi pa rin maalis 'yung taki. Sobrang higpit. "At isa pa.. ayoko sayo! Ayoko sa mamamatay tao!"

     Bigla siyang natahimik. Tiningnan ako. Napansin ko ang tumutulong mga luha sa mata niya. Hindi dapat ako makaramdam ng awa sa kaniya sa mga pinaggaga-gawa niya sa mga kaklase ko.

     "Hindi pa huli ang lahat. May oras pa para magbago." Pangungumbinsi ko. "Hindi ka ganiyan. Alam ko na napangungunahan ka lang ng galit. Please, itigil mo na ito. Hindi ka masamang tao."

     Nakatitig lang siya sa akin. Hinahayaan akong magsalita.

     "Please.. nagmamakaawa ako. Itigil mo na 'to. Hindi—"

     "MANAHIMIK KA!" Sigaw niya. Nasa loob kami ng kwarto. Hindi ko alam kung saang kwarto ito. Masyadong madilim kanina. "Ito lang ang paraan para sa hustisya, Josh! Ito lang! H'wag mo na akong pigilan!"

     "Para sa hustisya kaya ka nagkakaganiyan?" Tanong ko. "Hindi sa ganitong paraan mo makukuha ang hustisyang gusto mo."

     Dahan-dahan siyang lumapit sa akon at niyakap ako. Hindi ko alam. Naguguluhan ako.

     "Pasensiya na.. kung hindi ka magiging akin ngayong nabubuhay pa tayo." Sandali siyang huminto. Mas lalong humigoit ang yakap niya kaya mas nakakapagtaka. "Magkita nalang tayo sa impiyerno. Duon baka mas maging bagay pa tayo." 

     Segundo lang ang lumipas ng may maramdaman akong matulis na bagay na bumaon sa likuran ko. Namilipit ako sa sakit. Habang tumatagal ay mas lalo pa itong bumabaon.

     Mariin akong napakasigaw. "Ahhhhhhhhh!"

     Wala akong magawa. Hindi ako makakilos. Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko. Nababablangko ako. Hindi na alam ang mga susunod pang mangyayari sa'kin dito.

     "Sometimes, it's better to be quite, Josh." Humalakhak ito.

     "Demonyo ka talaga! Wala kang puso!" Sigaw ko habang tumutulo ang mga dugo na lumalabas sa katawan ko. Napapikit ako sa sakit. Nawawalan ako ng lakas.

     Kung dito nga talaga matatapos ang lahat..

     Kailangan kong tanggapin.

WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon