CHAPTER 1:
KAGAMI'S P.O.VAs usual day in my life. Walang klase ngayon kaya gulo-gulo na naman kami. May mga nagtatawanan, nagkukwentuhan, batuhan ng mga papel na binilog. Sobrang riot lang namin at sobrang iingay. Sanay na kami sa ganito.
Napatigil ako sa pagbabasa ng may biglang sumigaw. Si Sofia.
"Nandiyan na si Sir!" Mabilis din siyang tumakbo papunta sa bangkuan nito pagkatapos.
Kasunod non ang biglaang transform naming lahat. Mga usual things na kapag malapit na ang Teacher saka lang babalik sa bangkuan. Halos madapa na nga ang karamihan sa kanila dahil sa pagmamadali habang ako walang problema, pinapanood lang sila.
"Good Morning Class!" Agad niyang bungad pagkapasok pa lang. Nakasuot ng kulay puting Polo na tinernuhan ng Black Pants. Uniform nila every Tuesday of the Week.
Tatayo pa sana kami, pero agad siyang nagsenyas na huwag na. Manatili nalang sa upuan.
Ipinatong niya muna lahat ng dala niyang libro at bahagyang nag-ayos ng suot nito. Nakaayos na kaming lahat. Para kaming anghel na naghihintay lang sa Teacher namin na susunod magturo.
Bahagyang lumapit sa'kin si Shane. Out of nowhere bigla siyang may binulong sa akin. "Nabalitaan mo na ba?" Tanong niya. Iniisip ko kung anong issue na naman ba ang meron ngayong araw.
"Ano bang meron, ha?" Tanong ko.
Patingin-tingin siya kay Sir John. Baka maabutan kaming nag-uusap. "Hindi ka ba nagbabasa sa gc kagabi? Pinag-uusapan 'yon, a."
"Busy ako kagabi kaya hindi ako nakapag-open ng messenger. Ano bang meron don? Teka nga. Check ko muna." Sabi ko. Akmang kukuhanin na ang cellphone sa bag ko, pinigilan niya ko.
"H'wag na. Baka kabahan ka lang." Banta niya.
Napakunot tuloy ako ng noo. "Kabahan saan?"
"Baka kuhanin 'yang cellphone mo ni Sir John. Remember na bawal magcellphone sa klase niya, 'di ba?"
Tumango ako. "Oo nga pala. Ano ba kasi 'yon?"
Sanay na sanay na kami sa chismis. Para kaming News Paper dahil wala ng araw na sa amin nanggagaling ang bagong chismis. Sa amin din sila kumukuha at nagtatanong kung anong pwedeng ilagay sa News Paper ng School.
"Ano kasi.." Sabi niya. Pabitin pa, e. "Ano.. Ahm.."
"Ano nga? Ano bang bagong chismis, ha? Di ako updated sa inyo."
"Ganito kasi 'yon.." Nagtaka ako kung bakit niya inilapit ang bibig niya sa tainga ko. Noong una hindi ko pa naiintindihan. "Narinig mo?"
"Paghinga mo lang narinig ko, Shane." Reklamo ko.
Itinapat niya ulit ang bibig niya sa tainga ko at gaya ng dati bumulong ulit ito.
"Patay na si Micah." Sa ikalawang pagkakataon, naintindihan ko na at hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kasama lang namin kumain kahapon si Micah. Bakit siya mamamatay ng ganon kabilis? Walang kahit anong trace or reason kaming nakikita unless may pumatay talaga sa kaniya.
"Hindi pa alam ni Sir John 'yung nangyari sa kaniya. Tayo pa lang." Bumalik na sa maayos na pagkakaupo si Shane.
"Bakit?" Tanong ko. Pero isang Quite Sign lang ang isinagot niya.
Hindi ako makapagsalita. Parang sa isang iglap nawalan kami ng kaibigan. Sa isang iglap puro takot at kaba 'yung nararamdaman ko. Kumuha ako ng panyo at 'yon ang ginamit sa mga luhang kanina pa pala tumutulo.
BINABASA MO ANG
WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)
HorrorI am warning you. Do not take this as a joke or a prank. This is a reality that we must know. Do not Enroll in a School that is full of mysteries that will hunt and tear you apart. That is only if you do not want to ruin your life. I am begging you...