CHAPTER 4
KAGAMI'S P.O.VWalang gustong magturo sa amin ngayon dahil ayaw nilang madamay dahil sa sunud-sunod na pagpatay. Ilang araw ng patay si Sir John, pero gaya ng kay Micah wala pa rin makapagturo kung sinong gumawa non sa kaniya.
Naaalala ko lang noong masaya pa ang Sectiom namin at wala pang bahid ng takot sa isa't-isa. Peaceful pa ang buhay namin hindi gaya ngayon. Ayaw na nga rin akong papasukin doon nila Mama dahil sa nangyayari, pero nagpumilit pa rin ako.
Nabaling ang atensiyon ko kay Alexa ng sunud-sunod niyang kalampagin ang Teacher's Table na gumawa ng ingay dahilan para maagaw niya ang atensiyon naming lahat.
"Sinong nakabunot ng Second Number?" Tanong niya. Sa pagkakatandan ko, 10 ang nabunot ko. Hindi ako 'yon.
Pagpasok ni Gemi napatingin kami sa kaniya. Walang sumagot kanina kaya posible na siya ang nakabunot non. "Bakit ganiyan kayo makatingin sa'kin? Don't tell—"
"Baliw ka ba? As if may kayang gumawa non sa'tin? Ikaw ba nakabunot ng Second Number?" Tanong ni Alexa sa kaniya.
Dahan-dahan siyang tumango dala mga pagkain na kinakan niya. "Oo. Anong meron?" Dumiretso na siya sa upuan pagkatapos.
"Nabasa ko 'yung pangalan mo sa little envelope na 'to. So, I think may gustong magpabigay nito sayo, pero nahulog or nakalimutan niya. Wala ring nakalagay na pangalan kung kanino galing kaya kinuha ko na para ibigay sayo." Mabilis namang kinuha ni Gemi 'yung maliit na envelope na binibigay niya.
"Sa'n mo 'to nakita?"
"Galing ako sa Library kanina para magbasa-basa nang aksidente kong makita 'yan sa book shelf, nakaipit. Wala man lang bang Thank you?"
Natawa si Gemi. "May period ka ba ngayon? Ba't ang sungit mo, ha? Haha! Thank you."
Nagdadatingan na rin ang iba naming kaklase at napapatingin sa hawak niyang Lobo na may Sobre.
Napansin ko kanina 'yung '2' na nakalagay sa gitna ng Lobong hawak-hawak niya. It's weird. Sino naman magbibigay sa kaniya ng ganiyan?
Nakita ko rin 'yung Number '2' gaya ng nakalagay sa Lobo.
"Sigurado ka bang sa'kin 'to, Alexa?" Paninigurado niya. Ramdam ko sa boses nitong may kakaiba. 'Di ko lang maintindihan.
Tumango siya. "Name mo ang nakalagay. Wala naman ng ibang pangalan na Gemi kundi ikaw lang. Tsaka, Last Name mo 'yung nakalagay, o. Bakit ba? Ayaw mo?"
Napatigil si Gemi sa kaniyang ginagawa at nibatawan pa ang mga hawak nitong pagkain na kumalat na sa sahig. Halos nagulat ang lahat.
"Okay ka lang?" Tanong ko. Dahan-dahan siyang tumingin sa'kin. Unti-unting nanginig ang mga kamay nito. "Ano bang laman ng Sobre na 'yan?"
Dahan-dahan niyang pinakita sa akin kung anong nakasulat. Dugo pa ang ginawang panulat kaya mas nakakatakot.
"YOU'RE NEXT."
Naluluha na ito.
"Ako na ang susunod. Ako na. Ayoko pa. Ayoko pang mamatay." Nagsimula ng bumuhos ang mga luha niya. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng asa Sobre, pero dahil sa sinabi ni Gemi kanina, nagkaroon na ako ng idea.
"Guys. Ano nang gagawin ko? Baka ako na isunod ng Killer." Kinakabahan siya habang tumitingin sa aming lahat. Ramdam ko ang takot sa mukha niya.
"Tutulungan ka namin. We will stick together para wala ng sumunod kila Sir John at Micah. Hindi namin hahayaan na may isa pa sa atin ang mawala." Sabi ko para kahit papaano ay maramdaman niyang safe siya kahit hindi ako sigurado.
BINABASA MO ANG
WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)
HorrorI am warning you. Do not take this as a joke or a prank. This is a reality that we must know. Do not Enroll in a School that is full of mysteries that will hunt and tear you apart. That is only if you do not want to ruin your life. I am begging you...