Chapter 9: Five Down

1.3K 20 0
                                    



CHAPTER 9
ALBANIA'S P.O.V

     Naramdaman kong kumirot 'yung ulo ko.

     May pumukpok sa ulo ko kanina, pero hindi ko nakita. Pagkagising ko kanina nandito na ako. Ni hindi ko alam kung sino bang nagdala sa'kin dito at pati mga kamay at paa ko nakatali.

     Anong ibig sabihin nito?

     Nakita kong may pumasok na taong nakamaskara ng itim at may dala-dalang lagare. Sa unang tingin matatakot ka talaga. Duon lang nagsync-in sa akin na may Killer nga pala kaming kasama. Nakaramdam ako ng takot habang palapit ito ng palapit.

     "Gising ka na pala." Sabi niya habang nilalaro-laro ang talim ng lagareng hawak-hawak niya. "Nakakainip kang hintayin magising."

     "Anong ibig mong sabihin? Anong gagawin mo sa'kin?" Kahit natatakot ako, sinusubukan ko pa rin pakalmahin 'yung sarili ko. "H'wag mo ng ituloy 'yang pinaplano mo."

     "Bakit hindi?" Tanong niya. Humarap siya sa'kin bago umupo sa harapan ko. "Sino ka para pigilan ako sa gusto ko, Albania? Haha!"

     Nanginginig na 'yung tuhod ko dahil sa takot. Iba itong kausap ko. Hindi siya normal na tao. Hindi siya 'yung kaklaseng nakilala ko. Demonyo itong kaharap ko ngayon.

      "Itigil mo na 'to! Hindi pa huli para magbago. Alam mo 'yan." Sabi ko. Kaya lang parang walang epekto sa kaniya dahil natawa lang ito sa sinabi ko. Sino nga bang demonyo ang makikinig sa isang simpleng bata lang.

     "Para saan ba ito? Bakit mo ko rito?" Tanong ko. Kahit nakamaskara pa siya, kilalang-kilala ko ang boses na 'yon. Kilala ko ang kaharap ko ngayon.

     "Sabihin nalang natin na pinatay ko si Micah, Sir John, at si Kyle. Lahat sila ako ang pumatay." Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya.

     "Bakit mo 'yon ginawa? Anong kasalanan nila sayo?" Tanong ko. Nararamdaman ko 'yung luha sa mata ko. Hindi ako naiiyak sa kaniya, naiiyak ako dahil sa mga nawala na mahahalaga dahil sa kaniya. "Bakit mo sila pinatay!?"

     "They are part of my plan. Actually, lahat kayo," bahagya siyang natawa habang nagsasalita, "nakakatawa nga dahil akala nila may ibang pumatay kay Micah. Pati kay Sir John. Todo imbestiga pa sila e ako lang naman ang gumawa non. Mga Pulis talaga—ang tatanga."

     Hindi ko inasahan na siya ang pumatay kay Micah. Ang buong akala namin may ibang taong gumawa non at wala ni isa sa amin. 'Yon pala, nagtatago lang siya sa maskarang suot-suot niya.

     "Sayang nga, e. Ang tanga kasi ni Sir John. Binigyan niya pa ako ng dahilan para patayin at kung paano ko 'yon gagawin. And guess what, malas niya lang dahil siya ang nakabunot ng Number 2." Sabi niya. Tumayo na siya pagkatapos at may kinuhang kutsilyo sa likuran niya.

     "Pinatay mo si Kyle. Pinatay mo si Micah. Pinatay mo si Sir John. Hayop! Hayop ka talaga!" Sigaw ko. Hindi ko maiwasang hindi magalit sa kaniya. Paano ang isang matinong tao ay magiging ganito kasama?

     Malalakas na kaliwat-kanang sampal ang binigay niya sa'kin. Halos maramdaman ko ang hapdi dahil sa lakas ng mga sampal niya. Nakakamanhid ng mukha.

     "Hustisya ang kailangan ko hindi awa, Albania! Hustisya para sa kapatid ko na pinatay niyo!" Nanggagalaiti niyang sigaw. Halos mabingi na ako dahil sa lakas ng boses niya. "Noong gabing pinatay niyo siya, nandon ako! Nandon ako, Albania, pero wala akong nagawa!"

     "Noong nandun ka sana naligtas mo siya! Kasalanan mo rin kung bakit siya namatay dahil hindi ka lumaban! Hindi mo siya tinulungan! Kaya huwag lang kami ang sisisihin mo! H'wag lang kami!" Sigaw ko. Gusto ko siyang sampalin ng paulit-ulit, pero nakatali dalawang kamay ko.

WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon