Chapter 2: It All Shattered

2.4K 42 0
                                    



CHAPTER 2
KAGAMI'S P.O.V

     Ilang araw na ang nakalipas, pero wala pa ring matinong lead ang mga pulis tungkol sa nangyari. Ilang tao na ang naimbestigahan, pero wala pa rin silang makitang matibay na ebidensiya na makapagtuturo sa pumatay.

     It sucks. Pa'no kung pinagtatakpan sila ng mga pulis sa nangyari? Pa'no kung kasabwat o binayaran sila bago pa sila mag-imbestiga? Para iliko ang krimen? Fuck this system!

     "Nandito na tayo." Sabi ni Kuya.

     Marami ng nagsisipasukang mga estudiyante pagkarating namin. Bumaba na agad ako ng sasakyan. "Salamat, Kuya!"

     "Ingat ka. Call me when your class is over." Sabi ni Kuya Mike.

     "Sige po, Kuya. Ingat!" Sabi ko bago tuluyang tumalikod sa kaniya.

     Sinimulan na ni Kuya paandarin ulit ang makina ng sasakyan. Nagsimula na rin akong maglakad papasok sa Classroom namin na parang walang nangyari. Sa gitna ng paglalakad ko, bigla kaming tinawag ng Principal.

     "To All Students from Class 1-A, please, go to your respective Classroom for important meeting. Once again, All Students from Class 1-A, please, go to your respective Classroom. Thank you!"

     Binilisan ko kaagad ang paglalakad ko. Nagtatakbuhan na rin ang iba pang kaklase ko galing sa kung saan. Halatang may mahalaga kaming dapat pag-usapan. Tungkol na ba 'to kay Micah?

     Pagtapat ko sa pintuan biglang may nahulog na mga papel kaya pinulot ko ito kaagad. Nang dahil sa pagmamadali, hindi ko agad napansin na may iba pa lang nakasulat dito. Nakaupo na ako sa bangkuan bago ko mapansin.

     Pagpasok ko kanina nagtinginan silang lahat sa akin. Ako nalang pala ang kulang. Dalawa nalang ang vacant seat. 'Yung bangkuan ko at bangkuan ni Micah.

BE READY FOR OUR OWN DEATH.

      "Ha?" Pagtataka ko sa sarili ko. "Sa'n galing 'to?" Tiningnan ko mga kaklase ko. Wala naman sigurong gagong maglalagay nito sa pintuan. Hindi ko maintindihan kung para saan ba talaga 'to. It's weird, I know. Sinakto niya pa talagang magbiro pagkatapos mamatay ni Micah?

     "Kanina ka pa tulala, Kagami. Kanina mo pa rin tinititigan 'yang papel na hawak mo. Ano ba 'yan?" Tanong ni Jane na nagpabalik sa akin sa reyalidad. "You look scared Bess."

     "Ah? 'To ba?" Pinakita ko sa kaniya 'yung papel, pero hindi 'yung may nakasulat. "Nahulog lang 'to kanina. 'Di ko alam kung saan ba galing."

    "Relax. Tungkol pa rin ba 'to sa madalas na pag-absent ni Micah? Nang kaibigan mo?" Napalingon ako sa kaniya ng banggitin niya ang pangalan ni Micah. "It's weird din. Hindi lang ikaw ang nakakapansin. Halos lahat kami rito."

     "Alam mo?" Nanginginig kong tanong.

     Agad napakunot ang noo niya. Parang hindi niya maintindihan sinabi ko. "Alam ang ano?"

     Umiling-ling ako ng marealize kong hindi niya pa alam Kung anong totoong nangyari kay Micah. "Ah. Wala. Wala, Jane. Nagbabakasali lang na baka alam mo kung bakit hanggang ngayon 'di pa rin siya pumapasok."

     "Sinusubukan namin siyang kontakin kagabi, pero walang sumasagot. Out of coverage area lang lagi. Tinry din namin siyang kausapin sa messenger, pero wala ring response. Do you think something happened to her?"

     "'Di ko alam. Nagtataka rin ako." Pagkibit-balikat ko.

     Bumaling ako kay Sir John na kakapasok lang. Seryoso siyang nakatingin sa aming lahat at parang nase-sense kong may hindi magandang nangyari dahil sa aura ng mukha niya.

WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon