CHAPTER 12
KAGAMI'S P.O.VNagtataka akong lumapit kay Sofia habang kumakaripas ng takbo kanina. Hingal siyang huminto sa harapan naming lahat. "Anong nangyari?" Tanong ko.
Tumingin muna siya sa akin bago kay Shane na kasunod kong nagtanong. "Paano mo nalaman na ikaw na ang isusunod niya? Saan ka ba kasi galing kanina?" Sunud-sunod niyang tanong.
Habol niya pa rin ang hininga nito.
"Nagpapahangin ako kanina habang naglalakad-lakad nang dumating siya. At first, hindi ko alam na ganon ang intention niya dahil normal lang siyang nakikipag-usap. After that, napansin kong may kinuha siyang kutsilyo at doon na ako tumakbo." Sagot nito. Mapapansin mo ang takot sa tono ng pananalita niya.
"Namukhaan mo ba? Nakilala mo?" Tanong ko.
Umiling siya. "Hindi ko nakilala dahil sa sobrang dilim. Hindi ko ron masyadong maalala 'yung boses niya." Sagot niya. Pati tuloy ako kinakabahan.
"It means palihim na kumikilos ang Killer. Kung isa sa ating ang pumapatay, hindi agad natin malalaman 'yon dahil maraming wala kanina. Halos lahat. And for sure, kapag tinanong natin sila isa-isa, wala rin naman aamin." Singit ni Mark. Tahimik lang ito kanina habang nakikipagkwentuhan ako kay Shane.
"Exactly." Sabi ko. Tahimik lang ang iba habang nakikinig. "Pero paano mo hindi makikilala 'yung boses o makikita 'yung mukha ng Killer kanina? Is this a joke?" Nag-iba ang timpla ng mukha niya—from scared to comfused. Napakunot pa siya ng noo. "Do you really think na maniniwala kami in just one snap hindi mo nakilala 'yung nagthreat sayo?"
Nagtataka rin ang mga mata ng iba na tumingin sa akin. Kailangan kong gawin ito for a reason. Gaya ng inimbestigahan ako ng mga Pulis noong nakarang taon dahil sa pagnanakaw na hindi ko naman ginawa.
Mamaya ko na ipapaliwanag sa inyo.
"Do you really think na gagawa ako ng kuwento to scared you? Of course—not. Masiyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi ko na nakilala." Sabi nito.
"Then explain it to us para maintindihan ka namin." Sabi ko. "That's how the investigation works." Nagtataka silang lahat sa sinabi ko. "Ganon ang system. Pagmumukhain ka nilang sinungaling just to turn the table into their favor."
Yes. Indeed. Ganon ang justice system dito sa Pilipinas. Minsan, kung sino pa ang biktima sila pa ang kawawa. Marami ng nakaexperience ng bulok na sistema ng Pilipinas. Hindi lang ako.
Tumabi si Sofia kay Shane habang nakatingin sa kawalan. I just need to do this. Kailangan kong ipakita sa kanila kung paano gumana ang bulok na sistema ng Pilipinas. "Explain your side, Sofia. Tutunganga ka nalang ba?"
"Kagami.." Tawag sa'kin ni Mark dahilan para mapatingin ako. "Wala pala. Saka na." Napakunot ako ng noo. Tatanungin ko pa sana siya, pero mas kailangan ko munang kausapin si Sofia.
"Mag-isa ako kanina habang naglalakad dahil gusto ko munang ma-relax. After a few minutes, may biglang tumawag sa pangalan ko. Hindi ko siya nilingon af first dahil busy ako sa ginagawa ko at ayoko muna ng may kausap.
After that, napansin ko mula sa peripheral vision ko na may hinuhugot siya sa likuran na anong bagay. Noong una hindi ko pa 'yon pinapansin, pero noong nakita ko ng kutsilyo 'yon, duon na ako nagdesisyon na tumakbo.
BINABASA MO ANG
WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)
HorrorI am warning you. Do not take this as a joke or a prank. This is a reality that we must know. Do not Enroll in a School that is full of mysteries that will hunt and tear you apart. That is only if you do not want to ruin your life. I am begging you...