CHAPTER 3
KAGAMI'S P.O.VKung may narealize man ako sa bawat kulay na pinabunot sa amin kanina, 'yon ay ang bawat tao ay may iba't-ibang kulay. May Iba't-ibang definition ang mga ito.
Pagpasok ko pa lang sa Classroom pagkatapos kong bumili ng pagkain, hindi pa rin pala nahihinto ang usap-usapan ng mga kaklase ko tungkol sa mga binabunot sa amin kanina. Sino ba naman kasi hindi magtataka sa weird na pinapakita sa amin ni Sir John after the incident kay Micah?
Weird talaga.
Habang naglalakad ako pabalik sa bangkuan, lumapit sa'kin si Kyle. "Anong nabunot mong kulay?" He asked. Dala-dala niya pa 'yung mga pagkaing binili niya sa Canteen kanina.
"Wala sa rainbow. It's Pink. Ikaw ba?" Tanong ko pabalik bago kagatin ang tinapay na hawak ko.
"It's weird but it's Color Black." Sagot niya. Weird nga. "Hindi ko nga alam kung bakit Black pa nakuha ko. Dami-daming kulay kanina."
"Baka it is your lucky color. I guess?"
Nagtawanan kaming dalawa. Ipinatong ko muna 'yung C2 sa ibabaw ng bangkuan ko at hinarap ulit si Kyle.
"Blue ang lucky color ko and It is my favorite color as well. Hindi lang talaga ko swerte sa bunutan na ganito unlike you, 'di ba?" Kumento niya.
"Ako? Hindi rin ako swerte sa bunutan, 'no. Sadiyang nahuli lang akong bumunot kanina." Sabi ko.
"Pa'no naman kasi mukhang ang lalim ng iniisip mo. Kanina ko pa kaya napapansin na tulala ka. Ano bang inisiip mo?" Tanong niya.
Umiling lang ako. Gusto ko man sabihin, pero this is not the right time lalo pa't kailangan naming mag-ingat lahat. "Wala. Iniisip ko lang mga kulang na requirements ko this week. Hindi pa kasi ako nakakapasa ng Cell Model sa Science Subject natin."
Nagpatuloy lang kaming dalawa sa pakikipagkwentuhan tungkol sa mga kulay na nabunot naming dalawa at sa iba't-ibang mga bagay habang nagmimiryenda hanggang sa mapatingin ako sa Teacher's Table ni Sir John.
"Wait.. Si Sir John ba nagklase na sa'tin kanina?" Pagtatakang tanong ko. Akala ko late na ako kanina kaya nagmamadali rin akong bumili. "Late na siya ng 30 minutes." Napatingin ako sa relo ko. "Actually, 2 minutes nalang pala bago matapos 'yung oras niya."
Umiling si Kyle. "Hindi pa. Kanina pa namin siya hinihintay, pero hindi pa rin pumapasok. Sinundo na siya ni Precious, pero wala naman daw sa Faculty Room."
"Hindi pa rin siya bumabalik since nong lumabas siya?" Tanong ko ulit.
"Hindi ko alam. Wala rin ako dito kanina. Halos sabay lang tayong bumalik dito." Sagot niya.
Naramdaman kong biglang nagvibrate ng sunud-sunod 'yung cellphone sa bulsa ko. Chi-neck ko kung kaninong galing ang mga unread messages, pero hindi nakaregister 'yung number sa phone ko.
"May nagtext din ba sayong ganito?" Pagtatakang tanong ko kay Kyle.
"Anong text?"
Pinakita ko sa kaniya 'yung number. Umiling ito. "Ito. 'Yung ganitong number?"
"Wala, e. Ano bang nakalagay? Walang signal ang Globe dito sa Classroom, 'di ba?" Tumango ako. Hindi Globe 'yung sim ko kaya anytime, may signal ako. "Globe ka ba?"
BINABASA MO ANG
WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)
KorkuI am warning you. Do not take this as a joke or a prank. This is a reality that we must know. Do not Enroll in a School that is full of mysteries that will hunt and tear you apart. That is only if you do not want to ruin your life. I am begging you...