CHAPTER 15
KAGAMI'S P.O.VNakabilog na kaming lahat at naghihintay nalang sa mga sasabihin ko. Katabi ko sa upuan si Mark, Jane, Felix, at Radge. Nasa harapan naman namin sila Sofia, Meagan, Jacob, at Alexa. Nakaupo kami sa mahabang upuan dito sa loob ng Café.
Nagdesisyon kaming dito nalang mag-stay tutal ay kumpleto naman ang mga gamit at may supply pa ng mga pagkain. Expired na 'yung iba, pero halos karamihan mapapakinabangan pa.
Lahat na nang mata ay sa akin nakatingin. "Kailangan natin pag-usapan lahat ng nangyayari para mapagdugtong-dugtong natin kung ano ang puno't-dulo ng lahat ng ito."
"Sinong huling kasama ni Joshua o nakausap?" Tanong ko sa kanila. Nagtaas ng kamay si Jane.
"Ako. Nagpaalam siya sa akon na magpapahangin lang at babalik din kaagad. Ilang oras ko siyang hinintay na makabalik hanggang umaga, pero hindi ko siya nakita."
"Sinundan mo ba o hinanap man lang?"
Umiling ito. Nangingilid na naman ang luha. "Hindi. Natatakot ako."
"May iba pa bang lumabas kagabi maliban kay Joshua?" Tanong ko ulit. Tiningnan kong mabuti mga itsura nila. "Anyone?"
"Wala. Wala na." Sabi ni Alexa. "Si Joshua lang naman ang napansin kong lumabas kagabi bago ako matulog."
"Ibig sabihin.." tumingin ako sa kanila. "Sa tuwing tulog tayo, duon pumapatay ang killer. Duon siya nagkakaroon ng oras para patayin ang isa sa atin. 'Pag tulog na ang lahat."
"Iyon din ang ipinagtataka ko." Singit ni Mark. "May narinig akong tunog ng mga plastic kagabi. Hindi ko na nagawang isindi ang ilaw dahil sa sobrang pagod at antok. Baka kaluskos lang iyon kako."
"Akala ko rin ako lang nakapansin." Napatingin kami kay Alexa. Seryoso ang mukha nito habang isa-isa kaming tinitingnan. "Pinipilit kong tingnan pero malabo at madilim din."
"So, I'm not the only one na gising pa kagabi?" Itinuro ni Meagan ang kamay nito at itinapat sa dibdib niya. "May narinig akong lumabas ng Café. Tinawag ko pa pero hindi nagsalita. Alam niya na gising pa ako that time. Nagpapaantok."
"Nakita mo ba?" Tanong ko. Napansin ko ang paglunok ng laway ng isa sa mga kaklase ko.
I got you. Napansin ko 'yung naging reaksiyon ng isa sa mga kaharap ko. Anong kinalaman mo sa pagkamatay ni Josh?
"Hindi. Mabigat 'yung paa niyang maglakad. Hindi siya nakasapatos non dahil rinig na rinig ko 'yung sinelas niya na kumakaskas sa sahig." Sabi nito. "So, I guess he or she is not wearing rubber shoes that time."
May clue na kami sa Killer. "Sigurado ako na bago siya bumalik, nakapagpalit na siya ng rubber shoes niya. Ibig sabihin din kasama natin ang Killer at posibleng nakikinig lang siya sa atin."
Habang tinitingnan ko sila, isa lang ang nasisigurado ko. Mag isang hindi nagsasalita at may isang hindi totoo. Pakiramdam ko may pinagtatakpan ang isa sa amin ngayon. Nagpapakiramdaman lang sila.
"Naaalala niyo noong pinabunot tayo ni Sir John ng mga crayons?" They nodded. "May napansin akong kakaiba sa mga kinikilos niya. Akala ko normal lang iyon until one time narinig ko silang nag-uusap ni Nurse Christine sa loob ng Clinic niya."
"What's with Sir John and Nurse Christine?" Sofia asked. Nakatingin lang ito sa akin. Pati si Meagan napapansin kong kanina pa rin nakatingin sa'kin. Confused ang mukha. "Are they— you know.. dating? I guess."
BINABASA MO ANG
WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)
HororI am warning you. Do not take this as a joke or a prank. This is a reality that we must know. Do not Enroll in a School that is full of mysteries that will hunt and tear you apart. That is only if you do not want to ruin your life. I am begging you...