CHAPTER 5
KAGAMI'S P.O.VIlang minuto pa lang pagkapasok ko ng may napansin na akong nagtatakbuhan na mga Estudiyante kung saan kasabay non ang pagdating ni Jupiter.
"Sa'n ka galing? Anong nangyayari sa labas?" Sunud-sunod na tanong ko. Nakatayo kami sa pintuan habang nagkukwentuhan ang iba, it's just a normal day sana namin ngayon, pero dahil sa nangyayari, takot na ang nangingibabaw sa'min ngayon.
Kanina ko pa hindi nakikita si Gemi. Nasundo kaya siya kagabi? Wala pa si Shane kaya hindi ko matanong.
"Hindi ko mahanap si Gemi." Naglapitan ang iba naming kaklase. "Nawawala ata siya. Tinanong ko rin kagabi kina Tita, pero hindi raw siya umuwi kagabi."
"Ano!? Kasabay lang siya ni Shane kahapon." Kinakabahan man ako, pero pinipilit kong isipin na hindi talaga si Gemi 'yon. Pagtingin ko sa Blackboard namin may nakasulat.
"She's Dead?" Basa ko. Narinig din pala 'yon ni Kyle kaya napatingin din siya. "Anong ibig sabihin niyan?" Tanong niya. Kung para saan ay 'yon ang hindi ko pa alam.
Iniiwasan kong hindi isipin na patay na siya, pero paulit-ulit akong sinasampal ng reyalidad.
"Is that a Blood?" Napalingon kaming dalawa ni Kyle. "Oh ky god! Blood nga." Kumento ni Sofia ng makumpirma niyang dugo nga ang pinangsulat. "Anong ibig sabihin naman ng mga 'to? She's Dead?" Pagtataka niya.
"Kagami.." Pagtawag ni Jane sa kaniya. "Napansin mo ba si Gemi? Kanina ko pa siya hinahanap for the meeting sa Club. Pinapahanap din siya ni Ma'am Eliza para raw sa Computation ng Grades niya. Nakita mo ba?" Tanong niya, pero umiling ako. Wala akong alam na sagot sa lahat ng tinanong niya.
"Hindi ko pa siya nakikita simula ng pumasok ako kanina." Halatang wala pa siyang alam sa mga nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi kaya nagsinungaling nalang ako.
Nagpalinga-linga muna ako sa buong Classroom, pero wala akong Gemi na makita. Tanging isang Dilaw na Krayola lang ang nakita kong nakapatong sa upuan ko. May hawak pala silang lahat na Yellow Color na ngayon ko lang napansin.
"Sa'n niyo nakuha 'yan?" Tanong ko kay Kyle.
"Diyan lang sa table ni Sir kanina. Bakit?" Tanong niya pabalik.
"Color ni Gemi 'yan, 'di ba? It has a Number '2'." Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari sa kaklase namin. H'wag naman sana.
"Sino 'yung tumatawag?" Si Radge naman ang nagtanong. Kanina pa may nagri-ring. Ngayon lang namin narinig dahil sa mga Estudiyanteng nagsisitakbuhan.
"Wala naman tumatawag sa phone ko." Sabi ko.
"Hindi ikaw. Malapit diyan sa Teacher's Table ko naririnig, e." Sabi niya. Lumapit kami sa Teacher's Table at sinundan kung saan nanggagaling ang tunog.
"Ito. Ito! Kita ko na." Binuksan ni Kyle 'yung drawer sa ilalim nito at may kinuhang cellphone. "Number lang naman nakalagay." Sabi nito. Tuloy-tuloy lang ito sa pagring.
Pagkasagot niya, tumahimik kaming lahat. Pinaloud-speaker ko nalang para marinig din naming lahat.
"Hello?" Sabi ko.
Naghintay ako ng ilang segundo bago may nagsalita.
"Ms. Kagami.." sabi niya mula sa kabilang linya. "How's the show?" Tanong niya. Show? Saan? Hindi ko masyadong makilala ang boses niya dahil malalim at 'di mo talaga makikilala.
BINABASA MO ANG
WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)
HorrorI am warning you. Do not take this as a joke or a prank. This is a reality that we must know. Do not Enroll in a School that is full of mysteries that will hunt and tear you apart. That is only if you do not want to ruin your life. I am begging you...