CHAPTER 7
KAGAMI'S P.O.VKung mayroon man akong dapat pagsisihan sa mga desisyon ko sa buhay, iyon ay ang naging kampante ako. Who would have thought na may mangyayaring ganito especially sa mga kaklase ko pa?
Paglabas ko kanina bumungad sa akin ang asul na asul na dagat. Sa ganda ng tanawin hindi mo aakalain na may dala pala itong panganib sa amin. I know dahil hindi kami mapupunta dito without any reason.
Iwasan ko man na hindi 'yon isipin, pero hindi ko pa rin talaga mapigilan sarili ko. Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari sa amin dito.
Napahinto ako ng may maapakan akong kwintas. Pinagmasdan ko ng maigi ang pendant at may nakalagay na '15' sa gitna. Napapalibutan ng Green na Emerald. Tirik na tirik din ang araw. Kami lang ding magkakaklase ang nandito.
Napatingin ako kay Kyle ng akbayan ako. "Hindi ko inasahan na andito ka rin pala." Sabi niya. Tumawa lang ako ng bahagya. "Saan ka galing kanina?"
Actually, hindi ko inasahan na nandito rin pala sila kasama ko. Magkakaiba lang sila mg kwarto. "Sa Pink Room. Ikaw? Naglaro rin ba kayo ng game bago kayo makalabas?" Tanong ko.
Tumango lang si Kyle. "Oo. Buti nga nakaya kong hulaan 'yung mga codes na— Ewan. Basta. Ang gulo."
Napansin ko 'yung nakasuot na kwintas kay Kyle. Halos magkapreho kami, pero magkaiba lang ng kulay.
"Saan galing 'yang kwintas mo, Kyle?" Tanong ko. Tiningnan nito ang suot-suot niyang kwintas bago bumaling ng tingin sa'kin. "Ito? Napulot ko lang kanina. Actually, lahat kami. Ikaw din naman, 'di ba?"
Tumango ako. "Oo. Napulot ko lang din 'to kanina bago ka lumapit sa'kin."
Sumabay na sa amin si Shane maglakad. "Oh, may kwintas ka rin pala, Kagami?" Nagtatakang tanong ni Shane sa akin. "Pareho tayo, o." Sabi niya.
Halos magkakapareho kami ng kwintas. Kulay at Numbers lang ang magkakaiba. "Number 16 lang 'yung sa akin at kulay Orange." Kumento nito.
"Hindi ka ba nagtataka?" Tanong ko.
Napakunot siya ng noo. "Ha?"
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit may ganito tayong kwintas? Ang weird lang kasi." Sabi ko, pero natawa lang si Kyle.
"Overthinking ka na naman? Asa ibang lugar na tayo, o. Enjoy mo nalang." Kumento na.
"'Yon na nga, e. Nasa ibang lugar tayo at may kwintas na ganito. Nakakapagtaka dahil para saan 'tong mga ito? Ang weird naman kung wala lang, 'di ba? There's something about these necklaces na suot-suot natin. I can't figure it out."
"Lahat tayo meron." Sabi ni Shane. Naglalakad lang kami sa buhanginan at hindi namin alam kung saan kami papunta. "Magkakaiba lang tayo ng kulay at numbers."
May kinalaman na naman ba 'to sa papatayin o something? Ayokong mag-overthink, pero hindi ko maiwasan. Kung lahat kami keron ganito, lahat din kami kasali sa hindi ko alam na— Basta! Ewan. Ambot.
"Saan niyo nakuha mga 'yan?" Tanong ko.
"Gaya mo napulot ko lang din. Hindi ko lang alam sa iba dahil paglabas ko, may suot na kayong kwintas."
BINABASA MO ANG
WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)
HorrorI am warning you. Do not take this as a joke or a prank. This is a reality that we must know. Do not Enroll in a School that is full of mysteries that will hunt and tear you apart. That is only if you do not want to ruin your life. I am begging you...