Chapter 6: The Pink Room

1.8K 32 0
                                    



CHAPTER 6
KAGAMI'S P.O.V

Ano.. Anong nangyayari? Nasa'n ako?

Napabalikwas kaagad ako when I realized something.

No. Hindi 'to pwede. Sinuntok ko 'yung pader sa pagaakalang nananaginip lang ako, pero sakit ang naging kapalit. Halos mamula kamao ko dahil sa ginawa ko.

Pink lahat ng nakikita ko mula sa pintuan, pader, lamesa, pati ang hinihigaan ko pink. May maliit na lamesa sa gitna. Napansin ko 'yung orasan na hindi naman gumagana na kaparehong pink din ang kulay.

Sinubukan kong paandarin ang TV sa harapan ko, pero hindi naman ata gumagana. Walang switch. Parang High Teach TV na hindi natin pangkaraniwanag ginagamit.

What happened?

Ano ba talagang nangyayari?

Is this a dream?

Nagtataka ko bakit puro pink ang nasa kwartong 'to. 'Yung damit ko kanina, ganon pa rin. School Uniform pa rin namin.

Bigla kong naalala sila Jane at Shane. Pati na rin sila Kyle na nawalan din ng malay kanina. Saan sila dinala?

"Shane! Jane! Kyle! Nasa'n kayo?" Sigaw ko. Umaasa ako na kahit papaano may makakarinig sa akin sa labas. "Sofia! Meagan! Alexa!" No response. Clueless. Wala akong alam kung ano bang meron sa labas ng kwartong 'to. Kung bakit ako nandito.

Sinubukan ko ulit pihitin ang doorknob, pero ayaw pa rin talagang bumukas. "Shit." Mariin akong napamura.

"Guys! Nandiyan ba kayo? Can you hear me!? Guys! Please. 'Di ko mabuksan pinto." Halos gamitin ko na lahat ng lakas ng boses ko para lang may makarinig.

I didn't know everything will turn into this. Kung kilala ko lang sana talaga 'yung killer, madali nalang namin siyang maiiwasan. Wala naman ding Killer na gustong mahuli, 'di ba?

Nagtataka ako kay Princess. Bakit niya kami pinapunta sa Room na 'yon and We ended up here? Anong meron sa babaeng 'yon? Pagkapasok namin bigla nalang siyang nawala at bigla nalang binalot ng usok 'yung kwarto. Nagising nalang ako na andito na without any reason kung bakit at paano ako napunta sa Pink Room na 'to.

     "Hi, Classmate!" Dumako 'yung tingin ko sa screen ng TV. Napatigil tuloy ako sa pag-iisip. Nakakapagtaka dahil wala namang switch ang TV, pero sumindi ng mag-isa. Someone na kanina pa ako pinapanood. Wala naman akong napapansin na CCTV dito sa loob ng kwarto.

     Kinilabutan ako ng unti-untimg nagliwanag 'yung screen at tumambad sa'kin ang isang taong nakamaskara. Napaatras ako bigla. Nakaupo lang ito habang siguradong nakatingin sa'kin.

     Wala rin akong kaidi-idea kung nasaan ba  mga kaklase ko. Kung saan ba sila dinala o kung ano bang nangyayari sa kanila.

     "Ang himbing ng tulog mo kanina kaya hinintay na kitang magising." Nakatingin lang ako. Naghihintay sa mga susunod niyang sasabihin. "You know the drill. Play or to be Killed?" Hindi ako sumagot. Hindi rin ako makapagsalita at wala akong matinong maisip na sagot.

     Pagkaraan ng ilang minuto, nagsalita na rin ako. "Sino ka? Anong gagawin mo sa'kin?" Tanong ko.

     "Hindi na mahalaga kung sino ako. Makikilala niyo rin ako sa takdang panahon. I'll give you a clue." Huminto ito. "Kapatid ko 'yung taong pinatay niyo. Yes, I know dahil nandun ako." Sabi niya.

     Wala akong matandaan na pinatay ko. Bakit ako nadamay dito? Anong kasalanan ko?

     Bakit ako nadadamay?

WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon