CHAPTER 14
MARK'S P.O.VIlang oras na akong nagsu-swimming kasama ng tatlo. Halos nagawa na nga namin lahat. Naglaro, batuhan ng tubig, tawanan, gaguhan. Normal na sa amin ang ganito basta't kami ang magkakasama. Hindi na kami gaanong nakakapag-usap dahil sa mga issues na nangyayari ngayon.
Apat na sa amin ang nawala pagkaraan pa lang ng ilang linggo. Si Sir John, Gemi, Kyle, at Albania. Kung paano kami nakarating dito ay hindi ko rin alam. Bigla kong kong naalala si Joshua na kanina ko pa pala hindi nakikita.
"Brad." Pagtawag ko kay Raphael. Magkalapit lang kaming tatlo. Magkakaharap. "Nakita mo ba si Josh? Kanina ko pa 'di napapansin." Tanong ko.
Umiling ito. "Hindi, e. Bakit ba? Baka nasa Café na iyon kasama nila Kagami."
"Hindi ko rin napansin kanina noong nagpunta tayo rito. Maingay pa naman 'yon minsan." Singit ni Jacob sa usapan. Nakakapagtaka.
"Bumalik ba siya kagabi?" Tanong ko sa kanila. Parehong umiling at duon na ako nagtaka. "Nagpaalam siya kay Jane na magpapahangin lang, e."
"Huli akong natulog kagabi, brad." Sabi ni Jacob. "Wala naman akong napansin na bumalik."
"Wala rin akong napansin na Joshua kaninang umaga." Sabi ni Raphael.
"Saan kaya nagpunta 'yong gago na 'yon." Sabi ko. Pilit pinapakalma ang sarili sa kaba.
"Tanungin natin mamaya kila Kagami, brad. Baka nakabalik na 'yon." Sabi ni Raphael. Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng kaba. Hindi na maganda pakiramdam ko. Parang.. parang may nangyaring hindi maganda.
"Umahon na kaya tayo? Iba na nararamdaman ko." Sabi ko. Kumunot 'yung noo ko dahil nagtawanan ang dalawa. "Gago! Seryoso ko."
"Nababakla ka na naman ba, Mark?" Pabirong tanong ni Jacob. "Sabin mo lang.."
"Hindi. Gago! Hindi ako bakla." Pagtanggi ko.
"Susss.." Muling nagtawanan ang dalawa habang tinitingnan ako.
"Mamaya na tayo bumalik. Mag-enjoy muna tayo dito, brad. Minsan na nga lang 'to, e." Pigil ni Raphael. "Baka bumalik na rin dun sa Café 'yon o kaya umalis ulit pagkagising."
"Oo nga naman, brad. Minsan lang 'to, o. Dito muna tayo." Sabi ni Jacob.
"Minsan lang tayo magsama-samang tatlo, brad." Pangungumbinsi ni Raphael. Hindi ako kumikibo.
Gusto kong hindi umahon, pero parang may pumipigil sa akin. Parang gusto kong umahon at tingnan si Joshua pero paano mga kaibigan ko? After a few seconds, silence filled with us.
Matagal ko ng kakilala si Joshua at sabay din kaming pumapasok kaya hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Wala na itong malapit na kapamilyang maaasahan kaya mag-isa nalang siya sa buhay ngayon at iyon din ang dahilan kung bakit madalas siyang pumunta sa bahay.
His parents died because of a car accident few years back. He is the only child kaya mahirap sa kaniya ang mag-isa lalo na sa ganitong edad. Halos kami na ang naging pangalawang Pamilya niya dahil pumayag si Mama na duon nalang minsan tumira.
"Mark." Pagtawag sa akin ni Jacob. Hindi ko siya tiningnan nung una. "Brad!" Duon na ako bumalik sa reyalidad. Napalalim ang pag-iisip ko kanina.
BINABASA MO ANG
WHO'S NEXT? (COMPLETED) (EDITING)
TerrorI am warning you. Do not take this as a joke or a prank. This is a reality that we must know. Do not Enroll in a School that is full of mysteries that will hunt and tear you apart. That is only if you do not want to ruin your life. I am begging you...