20

23 1 0
                                        



"Autumn! Saan ka pupunta?!" Habol sa 'kin ni Eric.


Nung natapos iyong sabihin ni Mama ay agad akong lumabas sa venue. Hindi ko nga matandaan kung nakapagpaalam ba ako kay Lucas. Naglalakad lang ako palayo sa venue dahil sobrang nakakagulat iyong sinabi ni Mama. Bakit hindi man lang sinabi sa 'kin na may ganoong mangyayari?



Napatigil lang ako sa paglalakad ng hinawakan na 'ko ni Eric. Napalingon ako sakanya at tumama ang mukha ko sa dibdib n 'ya. Agad ko s 'yang tinulak.



"Ano nanaman ba?!" Galit na galit ako ngayon. Sobra sobra talaga galit ko.



"May sasabihin ka ba, Eric? Ipaliwanag mo lahat nang ito!" Nanggigil na sabi ko. Malapit nang tumulo ang luha ko dahil alam kong pumayag s 'ya sa engagement na ito. Paano ko nalaman? Hindi naman iyon iaannounce ng magaling ko Ina kung hindi pumapayag si Eric.



He was just standing. Hinihintay ko ang kanyang sasabihin. Baka puwede pang mabago ang lahat nang 'to. Tatalikod na sana ko nang magsalita na s 'ya.



"Bago pa ako bumaba rito sa Pilipinas... alam ko na 'tong plano nila..." nakayuko lamang s 'ya habang nagsasalita. "Hindi ko nagawang masabi sa 'yo... Alam mo naman iyong paguusap natin kagabi sa text? Doon ko dapat sasabihin sa 'yo pero may nagsasabi sa 'king na huwag na." Paliwanag n 'ya pa.



"Bakit?" Nagtataka kong tanong. Hindi ako masaya sa paliwanang n 'ya parang hindi pa doon nagtatapos.



"Hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman ko? Hindi ka ba muna nag dalawang isip? Alam mo bang ikakasira ng buhay ko itong magiging arrange marriage sa 'tin?! Magiging asawa kita, Eric. Hindi ko nakikita iyon sa 'yo. Hanggang sa makakaya ko hinding hindi ako magpapakasal sa 'yo!" Ramdam ko ngayon ang pag gigil ko at pag init ng mukha ko sa sobra galit. Tinuring ko s 'yang kapatid... pero bakit ganito ang ginagawa n 'ya?



"Avy, you don't under—" pinutol ko s 'ya.



"Then make me understand! Ganoon lang ka-simple, Eric! Ano bang hindi ko maiintindihan? Kung ipapaintindi mo sa 'kin ay baka sakaling maayos pa natin ito." Kung tunay s 'yang kaibigan ay dapat ipaliwanag n 'ya sa 'kin nang maayos. Hindi iyong dinadala n 'ya iyong usapan sa ganyan. "Make it short, Eric. Nagtitimpi ako sa 'yo ngayon."



Napabuntong hininga s 'ya. Nagaalangan pa s 'ya sa sasabihin pero nagsalita na rin s 'ya.



"I-i like you, Autumn," nabigla ako sa sinabi n 'ya. Hinawakan n 'ya pa ang mukha ko. "Matagal na. Simula pa noong mga bata pa tayo gustong gusto na kita..." nabalik naman ako sa wisyo kaya't tinanggal ko ang kamay n 'yang nasa mukha ko.



"Kaya ka pumayag dahil gusto mo ako?" Napatawa naman ako nang tumango s 'ya. Kasabay ng pagbagsak ng luha ko. Grabe iyak tawa ako rito. Nababaliw na ako! "Eric, simula noong bata tayo ang tingin ko sa 'yo ay kaibigan. Tinuring rin kitang parang kapatid ko. Hindi ko masusuklian iyang nararamdaman mo sa 'kin." Napayuko ako.



Hinawakan nanaman n 'ya ako. "What would you like me to do to like me back?" He said, begging.



Napailing ako sa sinabi n 'ya. "Wala kang dapat gawin, Eric. Kahit ano pang gawin mo. Hinding hindi ko masusuklian ang pagtingin mo sa 'kin..." Pinisil n 'ya ang kamay ko.



"Kung ganito naman pala ang kalalabasan nang magiging arranged marriage natin ay itigil nalang ito. Titira ka nga sa iisang bubong pero mahal ka ba nang kapareha mo?" Hinawakan ko na rin ang kamay n 'ya. "Eric, hindi ako ang para sa 'yo. Magmahal ka nang mamahalin ka rin. Hindi gaya ko na hindi kayang suklian iyang pagtingin mo sa 'kin. Sana ay maintindihan mo ako, kahit ako naman ang intindihin mo. Huwag ka sanang maging makasarili." Sabi ko habang sunod sunod na tumulo ang mga luha ko.



Unpredictable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon