22

21 1 0
                                        



"Need help in editing?" Nagulat naman ako ng sumulpot bigla si Julius! Nasa isa akong coffee shop at bigla nalang siyang sumulpot! Dito rin kasi ako madalas tumambay kapag may ginagawa ako.


"Nakakagulat ka naman," Hawak ko sa dibdib ko. Totoo naman! Tahimik akong nag e-edit rito ng film tapos may magtatanong nalang sa 'yo bigla. Tumawa nalang siya at umupo sa tapat ko. Wow, didn't even asked if the seat was taken. Taas talaga ng pride nito.


"What are you editing?"


"Commercial type," Iyon kasi sabi, e! Gawa daw ng Commercial. Pucha, hindi ko alam bakit pinili ko ang whisper na commercial. Niremake ko pa. Nakakahiya naman 'tong ipapasa ko. Sa daming commercial na puwedeng pag gayahan, bakit ito pa ang napili ko?


"Can I see?" Wala sa sariling sinara ko 'yong laptop ko. Ipapakita ko?! Nakakahiya! Pinakita ko pa ata rito iyong puwit ko?! Tanggalin ko kaya 'yon? Mamaya na!


"No!" Talagang NO. Baka mamaya kopyahin niya pa gawa ko— kopyahin? Tanga ka talaga Avy, lalaki siya alangang gayahin niya 'yong whisper na commercial. Shunga talaga kahit kailan!



"Okay..." He was giving me a confused look while drinking his latte. I stared at him. Wow, hindi siya kumukurap. Mga ilang segundo kaya kami rito magtititigan? Naluluha na mata ko kaya kumurap na 'ko. Grabe siya makatitig, ha!



"May talent ka pala,"


"Ano?" Curious na curious pa siya.



"Sa pagtititig! Ano ka ba!" Grabe naman kasi! Ilang segundo kami nag titigan, hindi man lang siya kumurap! Talagang titig na titig!


He shrugged. "I guess," He drinked his latte. "I love staring at someone." Dugtong niya. Napatango naman ako. Napatingin ulit ako sakanya. So... specific. Hindi lang sa basta kanino man, may 'someone', e. Sana sinabi niyang 'somebody'.


I gave him the look all marites gives. "Sinong someone nanaman ba 'yan? Si Vilyn ba 'yang someone?" He laughed and nodded. "Wow ha! Kailan ko ba 'yan ma-meet, ha? Ang cute naman kasi parehas talaga kami ng second name," Tawa ko pa.



"Cute nga," He giggled and pushed back some of his hairs. "When are you free?"



"Free?" Napaisip naman ako. Kailan nga ba? Since patapos naman na ako sa lahat ng projects... siguro this weekend!



"This weekend." Napatango naman siya. "Ano bang gagawin natin? Last last week mo pa ako tinatanong kung free ba ako pero ni isang beses hindi ako naging free." Natawa ako ng bahagya sa sinabi ko. Last last week kasi kapag tinatanong niya ako kung free ako, lagi kaming may lakad nila Grace or may projects akong ginagawa.


"Hang out? Play bowling or what. You choose,"


"Bowling sounds nice. Okay na 'yang nasabi mo," Napatango siya. Napatingin naman ako sa donut niya... hala 'yan ba 'yong bagong flavor nila? I don't have enough money na to buy that... kulang ang na withdraw ko. They don't accept cards kasi here. Napasapo ako sa noo ko.


"Gusto mo?" Napansin niya atang nakatingin ako sa donut niya. Napatango tuloy ako bigla. Hinatian niya ako ng maliit. He extended his arm so it can reach me, I leaned so I can eat the donut in his fingers. Yum! Masarap! Next time nga bilhin ko naman 'yang flavor na 'yan, bakit kasi hindi ko agad nakita 'yan kanina? Edi sana 'yan nalang binili ko.


Nakita ko namang nakatingin si Julius sa daliri niya. Problema niya? Nasugatan ba siya sa pag kain ko kanina ng donut niya?


"Anong tinitignan mo sa daliri mo? Nakagat ko ba? O nalawayan?" I asked. Ano ba 'tong tanong ko! Ang laswa pakinggan?! "Don't get me wrong ha... hahahaha." I awkwardly laughed. Ang weird naman kasi nung tanong ko, parang tanga talaga.


Unpredictable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon