21

22 1 2
                                        


"You free today?" Bungad sa 'kin ni Julius pagkatapos ng klase.



"Depende kung anong gagawin so... free saan?" I asked. Nauna siyang pumasok sa elevator bago ako. Nagulat naman ako ng maraming sumampa kaya napasiksik ako kay Julius. Siya ang nasa likod ko ako naman nasa harap niya. Siksik na siksik ako! Nararamdaman ko 'yong katawan niya sa likuran ko! Kung puwede lang itulak 'tong mga taong 'to, e! Alam nang mapupuno na sumakay pa!



"We can do bowling, arcade, shopping?" My skin shivered when he whispered into my ear. Napatango naman ako sa sinabi niya. Puwede naman ako siguro.



Nasa 15th floor kami kaya matatagalan pa 'to makababa... lahat ng taong sumakay ay galing sa section namin. Jusko edi walang baba sa ibang floors?! Hanggang mag ground floor ay nakaganto ako sakanya?!



Nagulat naman ako ng hawiin niya iyong buhok kong ladlad papunta sa gilid ng leeg ko.



"Sorry, makati sa mukha," Sabi niya kaya tumango ako. Makati nga naman dahil siksik na siksik ako sakanya. Hindi ko alam kung bag niya ba yung nararamdaman ko sa likod ko...




Nakalabas rin kami sa elevator, sa wakas! Lumakad na kami palabas ng building.



"Free ako—" Naputol ako ng may sumigaw ng pangalan ko.



"AVY!" Sigaw ng kung sino. Namataan ko ang dalawa kong kaibigan sa hindi kalayuan. Hala! Iyong plano pala naming dinner! Talagang nag abang pa silang pareho sa building?!



Napalingon ako kay Julius na kita ang kunot niyang noo. "Hala, sorry! Nakalimutan kong may lakad kami ng friends ko. Next fime nalang Julius! Bowling tayo," I winked and ran to them.



Niyakap ko agad silang dalawa nang makita ko sila. "I missed you, bruhas!" Sabi ko habang pinanggigigilan ang dalawa kong kaibigan.



"Nasasakal ka—mi Avy," Binitawan ko rin silang dalawa. Sinukbit ko pareho ang braso nila.



"Tara na!" Sabi ko at kinaladkad na sila palabas ng School ko.














"Mukhang madalas kayo mag kasama ni ano ah... ano nga ulit pangalan no'n?" Tanong ni Grace sa 'kin pagkatapos niyang mag order ng kakainin.



Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Dahil napagpasyahan naming tatlo na mag kita dahil 'yong na plano namin nung isang araw ay hindi natuloy. Minsan nalang talaga kami magkita dahil sa sobrang layo ng mga Universities na pinapasukan namin.



"Iyon bang kasama ko maglakad kanina?" Tumango naman s 'ya. "Si Julius 'yon." Tumango naman s 'ya ng paulit-ulit.



"Ikaw ha... hilig mo sa mga pangalang may S sa dulo," Nagtaka naman ako sa sinabi n 'ya. Napataas tuloy ang kilay ko.



"Kinalimutan mo agad?" Tumawa naman si Grace. "Naghahalikan nga kayo ng walang label," Napairap naman si Grace sa sinabi niya.


Si ano ba?! Hala! Oo nga! Bakit pinaalala n 'ya pa?!



"Bakit pinaalala mo pa, ha?! Naka move on na nga ako sa taong iyon tapos ipapaalala mo nanaman," Irap ko naman.



"Kunyari ka pa... Hindi nga naging kayo tapos may malalaman kang move on d 'yan." Tukso naman ni Nixa. Ano ba naman itong dalawang 'to! Pinagtutulungan ako. Ilang taon na iyong nakalipas tapos ibabalik pa nila.


"Manahimik nga kayong dalawa d 'yan. Pare-pareho naman tayong walang mga label noon. Tsk." Nabigla naman sila sa sinabi ko. "Ano hindi n 'yo na agad sila maalala? Sino ba iy— ah! Si Zac—" Agad na tinakpan ni Grace ang bibig ko at hinimas himas ang buhok ko.


Unpredictable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon