Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung sinabi ni Nixa sa'kin. Paano naman ako naging manhid? Ano naman yung ikaka- manhid ko? Di'ba? E, baka pinapaasa lang ako ni Lucas, duh. Ayokong mag assume baka masaktan ulit ako.
Nag cellphone pa 'ko saglit at natulog na.
* * *
"BABAE, GISING NA!"
"IKAW NA MAY SABING HINDI KA NAMIN GINIGISING AH!"
"Buhusan kaya natin ng tubig?"
"Tara."
* * *
"PAKING SHET @#$$%%^^$#@!" Napabalikwas ako sa lamig ng tubig. Walanghiya! Ikaw kaya tapunan ng tubig habang tulog?!
"Anong problema nyo mga bruha?!" Free ligo na yata ito! Hindi na ako maliligo dahil pinaliguan naman na nila ako!
"Problema namin? Punyeta ka mag aalas otso na ayaw mo paring bumangon!" alas otso?! inabot ko yung cellphone ko at nakita kong ala sais palang. Akala ko regular class! Punyeta! Lumutang utak ko.
"It's a prank hehe," Naka piece sign na sabi ni Nixa. Paano na ako matutulog nito?! Wala na! Ligo time na! Napaka aga pa! Hinagis ko yung unan sakanila, kabwisit e!
"Gutom na rin kasi kami! Lutuan mo kami, please." Nangungulit na sabi ni Nixa. Napairap nalang ako.
"Marunong ka namang mag luto ah?" Umirap ako at tumalikod sakanila.
"Mas masarap ka mag luto e!" Lumingon ako sakanya at nakita siyang nakanguso.
"Sige na nga." Umirap ako at pumunta na sa cr para maligo na dahil binasa ako ng mga bruha. Narinig ko pa silang nag 'yey'. Napasapo nalang ako sa noo ko.
Nagluto lang ako ng bacon and eggs. Nag saing narin ako kung gusto nila magkanin. Nakaabang na agad yung dalawang bruha na kala mo'y hindi kumain ng ilang buwan. Halos ako na lagi ang nagluluto ng kakainin namin. Ano ambag ng mga bruhang 'to?
Hinain ko na yung pagkain. Agad naman silang sumabak na kala mo'y nasa fiesta! Jusko!
"Gutom na gutom kayo ah?" Tanong ko.
"Syempre!" Masiglang sabi ni Nixa. Napasapo ako sa noo ko. Kumain narin ako.
* * *
"Hoy, Grace, ikaw mag hugas." Sabi ko habang nililigpit yung mga plato.
"Anong ako?! Kakahugas ko lang nung isang linggo! Si Nixa naman!"
"Anong ako rin ha?! Ako nag hugas nung thursday!"
"Thursday yun! Tuesday ngayon!"
"E, ano naman? Ikaw nga nung isang linggo pa! Kaya ikaw na!"
"Ayoko! Ikaw!"
"Ikaw!"
"Ikaw!"
"TITIGIL KAYO D'YAN O HAHAMPASIN KO KAYO NG PLATO?!" Sigaw ko sakanila. Aba, nag bangayan pa sa pag huhugas ng pinggan. Hugas lang naman ng plato, hindi pa magawa! Nag turuan pa kung sino mag huhugas.
Nag tinginan sila do'n ng masama. Tsk.
"Ako na nga lang mag huhugas." Napasapo ako sa noo ko. Ako na nga nag luto, ako pa mag huhugas? Tsk.
"Anong oras daw yung sportsfest?" Tanong ko habang nakaupo sa sofa at kinakalikot yung phone ko. Tapos na akong mag hugas.
"Check mo yung fb page nung school. Nandoon yung mga announcements." Sabi naman ni Nixa kaya chineck ko yung fb page nung school. Nag scroll scroll muna ako hanggang sa makita ko na yung announcement.

BINABASA MO ANG
Unpredictable Love
RomanceAutumn Vilyn Cortez a Multimedia Major, her life was chaos or we say pain in the ass. She faced a lot of problems during her senior days. To College. Her problems never ended. Until she meets her faith. The man she liked since they were Seniors up '...