I was wondering around in his condo. Nakakahiya magpakita. Kinikilig pa ako, e.I reached to this interesting place where all his family pictures. Ang cute. I was looking at them and saw a familiar face. I grabbed the frame and saw a cute chubby boy. Siya ba 'yon?
"Hey."
"Ay kambing" napahawak ako sa dibdib ko. Nakakagulat naman kasi 'tong si Lucas! Kanina pa nanggugulat! He chuckled.
"Why do you easily get scared?" happy na happy naman.
"Kasi takot akong mawala ka, yie!" sabay dalagang pilipina ko. "Joke! By the way, ikaw ba 'to?" Pinakita ko sakanya 'yong chubby na bata.
"Yeah. That's me."
"Weh?! Ang chubby mo? Paano ka naging-" nag hand gestures pa ako. Paano siya naging macho?! Nakaturo pa rin ang daliri ko sakanya, gulat na gulat.
Hinawakan niya ang daliri ko at binaba 'yon.
"Just did some workouts" he smiled.
"Ang familliar sakin ng mukhang ito" turo ko doon sa picture n'ya nung bata pa siya. "Parang nakita na kita dati! Destiny pala tayo ha" sabay kindat ko at tawa.
Tinignan ko pa ng mabuti. Nakita ko na talaga 'yong mukha na ito. Saan kaya? Ibinaba ko na 'yon. Hay bahala na. Wag nang balikan ang nakaraan, chos.
Napatalon ako ng may naramdaman akong kung ano sa may bandang paanan ko. Nanlaki ang aking mata ng makita kong may pusa! Hahawakan ko na sana pero kinalmot ako.
"Hey!" Kinuha ni Lucas 'yong pusa niya.
"Sungit naman n'yan, mana sa'yo" napairap ako. And he just chuckled.
"She's just jealous" ha? Babae 'yan? Cute sana kaso ang sungit. Tinry kong i-pet kaso nagagalit ang bruha. Galit na meow sinasabi.
"Ang sungit mo ha!" Galit kong sabi sa pusa tapos nag meow ulit. Nag meow na rin ako, letse. "Kala mo ikaw lang marunong mag meow?" Irap ko. Natawa nalang sakin si Lucas.
"Ano tinatawa mo d'yan? Gusto mo awayin din kita kasi may babaeng nakatira sa condo mo?!" He just laughed. Binitawan niya na 'yung pusa at tumalon 'to. Tumingin pa sakin ng nakataas yung buntot sabay talikod. Aba, ang taray!
Alam kong cute 'yung mga animals pero ngayon parang gusto ko ng iluto 'yung bruhang 'yon! Gigil ako doon ha.
"Ano ba pangalan non ha?"
"Lucy" sabi niya.
"Aba, kaya pala ganyan ang pusang 'yan. Nako napaka demonyo!" Sabay hipan ko sa buhok ko.
"Tama na 'yan. You're so funny." Sabay pisil niya sa ilong ko. Pinalo ko naman 'yon! Napahawak ako sa ilong ko. Buti nalang walang blackheads!
"Pahinga ka na ulit sa kwarto." Sabi niya.
"Mamaya na, mag explore muna ako sa condo mo."
"Wag na. Mag pahinga ka na."
"Per-" nilagay niya ang index finger n'ya sa labi ko. "Fine." Umakyat na ulit ako para pumunta sa kwarto niya. Pag ka pasok ko sa kwarto ay binagsak ko ang sarili ko sa kama. Nag pagulong-gulong. Akala ko ba galit ako sakanya? Grabeng karupukan 'to, lubayan mo ako.
Nang mapagod ay huminto ako sa pag ka gulong-gulong. Napatingin nalang ako sa kisame. Tumayo ako at nag libot libot muna sa kwarto n'ya. May nakita akong picture niya pero may kasama siyang ibang babae.

BINABASA MO ANG
Unpredictable Love
Storie d'amoreAutumn Vilyn Cortez a Multimedia Major, her life was chaos or we say pain in the ass. She faced a lot of problems during her senior days. To College. Her problems never ended. Until she meets her faith. The man she liked since they were Seniors up '...