After nung game nila ay uwian na. Hindi ko na nahagilap yung dalawang bruha. Mukhang nauna na sa'min. Tinulungan ulit ako ni Lucas makatayo. Pakshet talaga 'tong ankle na 'to!
"Thanks." Sabi ko ng makalabas kami sa court. Nilabas ko yung phone ko para sana i- text yung dalawang bruha.
"Hatid nalang kita." He said. I have no choice. Iniwan ako nung dalawang bruha. Mga piste. Medyo umo- okay naman na yung ankle ko pero may kirot parin pag nilalakad ko.
Narating namin yung kotse ni Lucas. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nilagay n'ya pa yung kamay niya sa itaas ng ulo ko para hindi tumama sa taas. Pumasok narin siya sa loob at nag drive.
Tahimik lang kami papunta sa condo ko. Kinakalikot ko lang yung phone ko dito dahil sobrang tahimik.
Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng condo. Humarap ako sakanya at ngumiti.
"Thank you ulit." I smiled. Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako. Tinulungan niya akong makababa sa kotse niya.
"Kaya ko na." I said. Ayoko na! Masyado na talaga siyang malapit! Kanina na pa mag kadikit ang katawan namin. Ayoko na!
"No."
"Kaya ko ng-" Napahawak ako sa braso niya habang pinapakitang kaya kong mag lakad kaso natapilok ako. Doble sakit! Pucha! Umiling si Lucas. Binuhat niya nanaman ako.
"Baka sa susunod ako na bumuhat sa'yo." I chuckled. Ang lapit talaga ng mukha namin sa isa't isa. Pumunta siya sa elevator. Sinabi ko naman kung anong floor. Pag kabukas lumabas na kami at hinanap yung unit ko.
Siguro naman nand'yan na yung dalawang bruha 'no? Iniwan ba naman ako kay Lucas. Kumatok si Lucas sa pinto at narinig ko agad ang boses ni Grace na nag rereklamo.
"Wala kaming pera pambayad! Pwede kana umalis!" Kumatok ulit si Lucas.
"Wala ring pagkain! Do'n ka sa kalsada manlimos!" Salita ulit ni Grace.
"Sabing wala nga kaming pe-" Nagulat pa siya nung binuksan niya yung pinto. "Haha. Kailan pa kayo naging taga singil ng tubig?"
"Shunga ka!" Hinila ko 'yung buhok niya. Binaba naman na ako ni Lucas.
"Thank you and Goodnight!" Sabi ko sabay ngiti sakanya. He patted my head and smiled before walking away. Gosh! Pinagmasdan ko pa 'yung likod niya habang naglalakad siya palayo sa'kin. Kitang kita mo talaga sa likod ang hubog ng katawan niya! Halatang macho talaga.
"Avy, kung saan saan na yata napunta 'yang utak mo. Tara na." Aya sa'kin ni Grace.
"Nakakalimutan mo yata?" Patalikod na sana siya kaso napaharap ulit. Umirap lang siya.
"Hay nako! Alam mo nakakabwisit yung strand ni Nixa!" Pag ra- rant nanaman niya sa'kin habang inuupo ako sa sofa. Napasapo nalang ako sa noo ko. Kailan ba 'to titigil sa pag ra- rant?
"Wala akong kinalaman d'yan ah." Nakangusong sabi ni Nixa. Napairap tuloy kaming dalawa ni Grace. Umupo sa tabi ko si Nixa.
"Okay na ba 'yan?" Turo niya do'n sa ankle ko.
"Mukha ba?" Napairap ako.
"Tinatanong lang naman kita e! Malay ko ba kung anong pakiramdam." Ngumuso ulit si Nixa. Parang bata talaga.
"Sayang naman," Nagpahalumbaba si Grace. "Hindi mo kami mabubuhat bukas sa Volleyball. Huhu."
"Okay lang 'yon!"
"Eh! Putulin nalang natin 'yan!" Sabay turo niya sa ankle ko. Hinagisan ko naman siya ng unan.
"Gaga ka! Edi mas lalo akong hindi nakalaro! Bobo!" Inismiran ko siya.

BINABASA MO ANG
Unpredictable Love
Roman d'amourAutumn Vilyn Cortez a Multimedia Major, her life was chaos or we say pain in the ass. She faced a lot of problems during her senior days. To College. Her problems never ended. Until she meets her faith. The man she liked since they were Seniors up '...