Half day lang naman kami dahil Examination week at uwian na. Kasama ko lang naman ngayon si Grace. Hindi namin kasama si Nixa kasi pang hapon pa exam n'on, tamad yun gumising, e.
Habang naglalakad kami, pinaguusapan namin, kung paano kami nakalusot kanina dahil nangongopya 'tong si Grace sakin. Syempre, hindi rin naman sakin galing yung sagot.
Pag hindi namin alam ang sagot. Kunwari nalaglag yung ballpen namin tapos pag pinulot namin unti unti kaming titingin sa test papers ng kaklase namin, hehe. Nahuli pa nga kami kaso nakalusot kami. Sabi ni Grace sa prof namin 'Sorry po Ma'am, mukhang ayaw pong sagutan ng ballpen ko yung questions n'yo sa sobrang hirap,'
Natatawa nalang ako pag naiisip yun.
Umupo muna kami sa isang bench. Ayaw ko pang umuwi dahil maaga pa masyado. 7 to 11am lang naman yung exam namin.
Nilabas ko muna yung ipad ko.
"Gutom kana ba? Mag lu-lunch nanaman,"
"Hindi pa naman masyad-" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil bigla nalang siyang sumabat.
"Pwes! Ako gutom!"
"Pake ko?" Inirapan niya lang ako.
"Bibili lang ako ng makakain." Sabi niya at umalis na.
Mga ilang minuto na ang lumipas hindi parin bumabalik ang gaga, mukhang natagalan sa pagpili nb pagkain. Napailing nalang ako.
"Ano ba 'yan!" Sabi ko nalang ng pumatak na ang ulan. Shet! Wala akong payong! Agad agad kong tinago ang ipad ko. Ginamit kong harang ang bag ko sa ulo ko para hindi ako mabasa. Lumalakas na ang ulan.
Kani-kanina lang ang araw araw tapos uulan?! Saktong wala pa akong payong! Ang layo pa naman ng mga sisilungan dito sa Campus namin. Gosh! Huminto muna ako saglit sa may Fountain, para huminga. Wala naman na akong magagawa, basa na ako eh.
Maya maya't ay hindi ko na naramdaman ang pag patak ng ulan sa'kin. Naulan parin naman pero ba't hindi na ako nababasa? Tumingin ako sa taas at nakitang may nag papayong sa'kin.
Napalingon ako sa likod, sa sobrang lapit namin nabangga ako sa dibdib niya. Ang tigas. Napahawak ako sa noo ko.
"Are you okay?" Napatingin ako sakanya. Halos bumagsak na ang panga ko sa lupa. Anghel ba 'to? Naawa ba si God sa'akin at nagpababa siya ng anghel para payungan ako? Ang pogi, shet.
"A-ah okay lang," Sabi ko.
"Take this." He offered me his Umbrella. Pero umiling ako.
"Baka mabasa ka," I said. Mukhang wala naman na siyang ibang payong eh. "Share nalang," Tumango naman siya. Naglakad na kami sa malapit na sisilungan. Mukhang may bagyo, jusko.
"Anong pangalan mo?" I asked.
"Lucas," He said. Nasa daan parin ang tingin.
"I'm Avy," I smiled. Tumango lang siya. Tss.
"Bakit mo ako pinayungan?" Nagtataka kong tanong.
"Ayaw mo ba?"
"Ay, syempre gusto, hehe." Napakamot ako sa ulo ko. "Late ka naman na e, basa na ako," Tumingin ako sa uniform ko na basang basa na.
"Ah, sige, pakabasa ka nalang ulit." Sabi niya at iniwan akong nakatayo dito. Bastusan?!
"BASTOS!" Sigaw ko sakanya. Nag tuloy tuloy lang siya sa paglalakad, grr. Bastos talaga!

BINABASA MO ANG
Unpredictable Love
RomanceAutumn Vilyn Cortez a Multimedia Major, her life was chaos or we say pain in the ass. She faced a lot of problems during her senior days. To College. Her problems never ended. Until she meets her faith. The man she liked since they were Seniors up '...